"Reya..."
Napatingin ako sa katabi ko na kinukulbit ako.
"Si Raze, hinihintay ka yata oh!" Tinuro niya yung bintana.
Makikita doon ang railings ng building namin. Doon nakasandal si Raze at tinatanaw ako sa loob ng room.
Hindi ako umimik at binalik na lang ang aking tingin sa notebook.
Dismissal na, at heto ako ngayon, nag-a-ayos ng gamit sa aking bag.
Habang nilalagay ko ang mga notebook sa bag, rinig ko ang mga bulong-bulungan ng aking mga kaklase.
"Sino kaya 'yong hinihintay?"
"Malamang, edi si Reya."
"Oo, nga. Nililigawan ni Raze si Reya, diba? Since elementary?"
"Ang swerte niya. Kaso pa-hard to get naman."
Napasimangot ako sa aking narinig. Pa-hard to get? Psh.
Matapos mag-ayos, lumabas na ako sa room at nadatnan ko si Raze na nakasandal na ngayon sa pintuan ng classroom namin. May ngisi na nakalarawan sa kanyang labi.
Tumingin siya sa akin nang maramdaman niya na nakatingin ako sa kanya. Umiwas ako at nilagpasan siya. Kaso, gaya ng dati, sinundan niya ako.
"Hey!" Banggit niya.
Hindi ko siya pinansin kahit sinasabayan niya ako sa paglakad.
Manhid ba siya? Hindi ba siya nahihiya sa ginawa niya sa akin sa condo niya? Tsk. Ayoko muna siyang makita at makausap. Argh.
"Akala ko ba... Ayos na tayo?"
Hindi ko siya pinansin.
"Ah, galit ka no?"
Grabe, OO! GALIT AT INIS AKO!
Narinig ko na bumuntong hininga siya. "Galit ka ba kasi hinalikan kita?"
Namula yata ang mukha ko sa sinabi niya. Napatigil ako sa paglalakad.
Naasar ako... Naasar ako kasi feeling ko inaabuso niya na ako!
Gusto kong maiyak!
"Nakakainis ka kasi!''
Nanlaki ang mata niya ngunit parang naguguluhan pa rin siya sa pag-a-alburuto ko.
"Sumusobra ka na kasi..." Huminga ako ng malalim. Nananatili lang siyang nakatitig. "You got my first kiss! Pati ba naman second kiss ko? Lagi mo ginagawa sa akin 'yan... Hinahalikan mo ako nang basta-basta!"
He suddenly looked amazed. "Kaya nga nag-sorry na ako diba?" Malambing na saad niya bigla.
"Sorry? Ayoko ng sorry mo."
Tumawa siya.
"Bakit? Anong gusto mo? Kiss?''
Nag-init ang pisngi ko. Tumingin ako sa kanya at nahuli ko siyang ngumisi.
He laughed hard. "Damn. You're so cute when blushing." Pinasadahan niya ng haplos ang kanyang buhok at batok. Ang cool niyang tignan.
"Bakit ang hilig mo mang-asar?" May inis pa rin sa boses ko.
"Because I love you..." lumapit siya nang ilang hakbang sa akin. "...very much."
My heart skip ang beat.
Mga ilang minuto akong hindi makakilos sa sinabi niya. Mayamaya, narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"Ano, natahimik ka ata?"
Binatukan ko siya ngunit sumala iyon dahil naka-iwas siya kaagad.
"Ang kulit mo!" Singhal ko. "Huwag mo nga ako sundan!"
Nag-martsa ako paalis.
Pero hanggang canteen ay sinundan niya rin ako. Dala ko ang tray ko na may lamang soda in a can at large fries na inorder ko sa canteen. Umupo ako habang si Raze ay nakaupo ng prente sa aking harapan.
Bakit ba ayaw niya pang umalis? Hindi tuloy ako makakain. Nakakailang. Nakatitig pa siya sa akin. Tutunawin ata ako ng isang 'to.
"Hindi ka pa ba aalis?" Sabi ko.
Umiling siya. "Dito muna ako. Babantayan kita." Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Nag-iwas tuloy ako ng tingin sa kanya. Dapat hindi na siya ngumingiti... lalo lang siyang gumagwapo.
Nailing ako sa aking naisip.
Wala na akong nagawa. Kahit naiilang ako ay sinubukan ko pa rin kumain ng normal. Habang kinakain ko ang aking fries, hindi ko mapigilan na alukin siya.
"Gusto mo?"
Ngumiti at umiling. "I'm fine. Makita lang kitang kumakain, busog na ako."
Ewan ko ba pero parang tumabingi ang mga laman loob sa aking tiyan. Tumibok din ng mabilis ang puso ko.
Napangiti na ako.
"Ang lakas mo talagang bumanat ano?'' Kunwari ay sumimangot pa ako.
Ngumiti lang siya. ''Mamaya, hintayin mo ako.''
"Ha? Bakit naman?'' Mataray na tanong ko.
"Ako maghahatid sayo." He winked.
Natigilan ako sa pag-nguya ng fries sa aking bibig.
No, he can't do that! Sure ako na magagalit sila Mama kapag nakita nila na may naghatid sa akin na lalaki!
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses (completed)
RomanceShort story © 2015 nixelofficial ----- Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance t...