Page 5

1.3K 49 6
                                    

"Reya, pahiram ako ng notes mo." Nakangisi na wika ni Raze habang nakasandal sa pintuan ng classroom namin.

"Bakit, anong gagawin mo?" Tamad na tanong ko.

"Mag-review ako." Sabi niya sabay kindat. Kailangan may ganon? Hindi ko na lang pinansin.

Kanina pa siya nangungulit kaya wala na akong nagawa kung di ang pahiramin siya.

"Ibalik mo 'yan ah," Sabi ko.

Binuklat niya sa harapan ko yung aking notebook at nilipat-lipat ang pahina nito.

Ngumisi siya.

Tinignan niya ako. "Nice. Ang ganda mo mag-sulat."

Sa puri niyang 'yon. Nakaramdam ako ng kakaibang feeling.

"Thank you..." Mahinang sambit ko.

Ngumiti siya at mabilis akong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mata ko sa kanyang ginawa.

"Raze! Bakit ba ang hilig mong manghalik ng ganon? Argh..." Naiinis ako pero may side sa akin na parang kinilig ako sa kanyang ginawa.

Tinawanan niya lang ako at iniwanan na nakatulala.

"AHHHH!"

"Swerte mo, Reya!"

"Dapat hinalikan mo rin! AHHH!"

"Choosy mo, Reya!"

Napasimangot ako nang marinig ko ang mga kaklase ko na nakadungaw sa bintana ng classroom.

Nag-vibrate ang phone ko...

1 message received

Unknown Number:

Pumunta ka sa ground. Ibabalik ko na ang notes mo ;)

Huh? Paano niya nakuha ang number ko? Tsaka kaaalis niya lang ah?

Nang makarating ako sa open ground ng campus. Nakita ko agad si Raze na nakaupo sa isang bench na nakapwesto sa ilalim ng malaking puno. Nakita ko siya na binubuklat iyong notebook ko.

Mabilis akong lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. "Akin na," Sabi ko.

Inilayo niya iyon sa akin. Kumunot ang aking noo.

"Akala ko ba ibabalik mo na? Ang bilis mo ata mag-review... O baka niloloko mo na naman ako?" Mataray na sabi ko.

Sinubukan kong hablutin ulit ang aking notes pero inilayo niya lang ulit ito. Sumimangot ako.

"Pinagti-tripan mo ba ako, Raze?"

"Of course not." Sagot niya. "Bago mo makuha 'tong notebook mo, you need to say yes to me."

Nagtakha ako sa sinabi niya "Huh? Para saan?"

Ngumisi siya. "Sagutin mo na ako."

It hit me kaya um-OA ang reaksyon ko.

"Ano?" Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Tumakbo yata ang puso ko. "Tigil-tigilan mo ako, Raze ah! Hindi ka nakakatuwa!"

Tumayo siya para mas 'di ko maabot iyong notes. "You need to answer me, Reya."

Ang kulit naman!

"OO NA!" Matapang na sagot ko.

Hindi siya makapaniwala. "Really?" Tanong niya pa.

Turn ko naman ngumisi. "Ayaw mo ba?"

Agad niyang binigay sa akin iyong notebook. Lumawak ang ngisi ko nang mahawakan ko na iyon. Tumawa ako.

Nalilito niya akong pinagmasdan.

"Ang bilis mo naman maniwala! Joke lang yon!" Sabi ko at tumawa.

Tumawa rin siya. Natigilan ako at tumingin sa kanya.

"You already said yes to me, Reya. Wala ng bawian..."

Umiling ako. "Hindi no! I didn't mean it, Raze."

"No," Seryoso niyang sabi. "You're already my girlfriend from now on."

Makikipagtalo pa sana ako sa kanya pero mabilis niyang dinampi ang labi niya sa labi ko.

Matapos ang ilang segundo, pinaghiwalay niya ang labi namin. Humarap siya sa akin at ngumiti.

Nanlalaki ang mata ko at ramdam ko ang pag-init ng buong pisngi ko.

"Once you said yes, you are already mine." Yumuko siya upang halikan ulit ako.

He really loves to stole kisses. Wala man lang paalam.

END

Stolen Kisses (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon