Pagkapasok sa gate ng campus, agad kong narinig ang pagtawag ni Raze sa pangalan ko.
Hindi ako tumigil sa paglalakad kasi alam ko na susundan at aasarin niya na naman ako. Matagal na siyang nanliligaw sa akin. Simula elementarya pa lang ay nagpapahiwatig na siya.
Kahit saan ako mag-aral nandoon din siya. Hindi ko alam kung sinusundan niya ba ako o sadyang nagkataon lang.
"Hey, Reya, good morning." Sinabayan niya ako sa paglakad. Nakangiti ito.
Gahd! Bakit ba siya ngumingiti ng ganyan? Nailang tuloy ako sa kagwapuhan niya. Oo, aaminin ko na gwapo nga siya, pero parang nayayabangan ako sa kanya. Ayaw ko pa naman sa ganoong katangian ng lalaki.
"Pwede ba? Huwag mo akong sundan?" Mataray na sinabi ko. Sa totoo lang, nahihirapan din ako mag-taray. Hindi naman kasi ako totoong mataray, e. Kay Raze ko lang ito ginagamit upang lubayan niya ako.
He chuckled. "Ang init yata ng ulo mo, babe?"
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Babe? Hindi niya naman ako girlfriend! Feelingero 'to.
"Huwag mo na akong sundan, Raze!" Sigaw ko.
Tila hindi siya natinag sa sigaw kong 'yon. Ngumiti pa siya at inakbayan ako.
"Palagi na lang mainit ng ulo mo sa akin... Ano ba ang dapat kong gawin?" Inilapit niya sa tenga ko ang bibig niya.
Akala ko may ibubulong siya ngunit laking gulat ko nang dumampi ang labi niya sa aking pisngi.
Kinilabutan ako roon.
"Ano ba?!" This time galit na talaga ako. Tinulak ko siya.
"Ang kulit mo naman, Raze! Bakit ba lagi mo akong sinusundan? Napapagod na ako sa kakulitan mo! And why did you do that? You kissed me!" Sunod-sunod na sigaw ko.
Nakita kong nag-iba ang templa ng kanyang ekspresyon. "Wala akong ginagawa na masama, Reya. I just wanted to be with you!"
Natigilan ako sa pag-taas ng kanyang boses.
"Ikaw na nga itong sinusuyo, ikaw pa ang galit! I know you know how much I love you..."
Nabasa ko sa mga mata niya ang galit at sakit.
Pero naiinis na talaga ako sa kanya. Sagad na sagad na ang pasensya ko.
"Ayoko sayo! Hindi kita gusto! Nakukulitan at naiirita ako sayo! Palagi kang nakasunod at pinipilit ang sarili mo sa akin! Can you please... leave me alone?" Humina ang boses ko sa huli.
Umigting ang panga niya. Ang kanyang tingin ay malalim. "Fine! I am fucking tired too! I'm fucking tired chasing you like a fool!"
Bumilis ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niyang iyon.
CRASH!
Sinipa niya ang paso na nakalapag sa hallway na gumawa ng tunog.
"Shit..." Rinig kong mura niya bago tumalikod at umalis.
Ako, naiwan na tulala habang tinatanaw siyang naglalakad palayo.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok. May kakaiba akong nararamdaman pero hindi ko matukoy.
All of those years, this is the first time na nagalit at sinigawan niya ako ng ganon. Dati, kahit tinutulak ko siya palayo at sinisigawan ng kahit anong salita, hindi siya napupuno.
And now, he's tired of chasing me. This is all my fault.
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses (completed)
RomanceShort story © 2015 nixelofficial ----- Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance t...