"Raze naman... bakit ayaw mo pang umalis?" Nag-aalalang saad ko. Tumingin ako sa gate ng bahay namin upang masiguro na walang makakakita. Lagot talaga ako kapag nahuli ako!
Sumimangot si Raze. "Wala ka man lang bang 'thank you' dyan?"
Napapikit ako sa kakulitan niya. I sighed.
"Okay... uh... Thank you, salamat sa pag-hatid sa akin."
Ngumiti siya.
Tumibok ang puso ko sa ngiti niyang iyon.
Mukhang wala siyang balak na umalis kaya pinilit ko siya.
"Raze? Ano? Akala ko ba aalis ka na kapag nagpasalamat na ako?"
Kinakabahan na talaga ako. Mamaya marinig o kaya makita kami nila Mama dito!
"I want to meet your parents, Reya." Tumingin siya sa akin ng diretso.
Dahil doon, nataranta ako.
"H-Ha? Pero... hindi pwede... Magagalit sa akin si Mama at Papa." Katwiran ko.
Tumaas ang isa niyang kilay sa sinabi ko. "What?"
"Strict ang parents ko, Raze... so please..." Seryosong saad ko pero natawa lang siya doon.
"Hindi 'yan," Wika niya. Para siyang walang pakialam. "Ako ang bahala. I'll just introduce myself to them to get permission."
Naglakad siya nang tuluyan sa gate namin. Natulala ako sa ginawa niya.
ANG KULIT!
Padabog ko siyang hinabol at nilapitan. "Raze naman..." Pagmamakaawa ko.
"Ako nga ang bahala, don't worry." He grin so big.
Marahas akong bumuntong hininga. "Kapag ako pinagalitan nila Mama, patay ka talaga sa akin! Lilipat ako ng school!" Pananakot ko. Hindi niya naman ako pinansin.
"Just open the gate, Reya."
Inirapan ko siya at padabog na binuksan ang gate. Nauna siyang pumasok. Aba! Ang tapang ng isang 'to ah! Hindi ba siya natatakot?
Saglit kong sinabunutan ang sariling buhok. Be ready Reya, makakatanggap ka na naman ng mga sermon.
Pagkapasok namin sa bahay. Nakita ko si Papa sa sala. Nagbabasa ito ng mga paper works niya. Nag-angat siya ng tingin nang malaman niyang papalapit kami sa kanya.
Lumapit ako kay Papa at nag-mano. "Pa, nandito na po ako. M-May kasama po ako." Sinilip ko si Raze sa aking gilid.
Mukhang hindi siya kinakabahan ah... Taas ng confidence!
Siya naman itong lumapit kay Papa at nag-mano rin. "Tito, kamusta na ho kayo?" Nakangiting bati niya sa aking Papa.
Kumunot ang noo ni Papa habang nakatingin sa kanya. Saglit lang ay tinanggal ni Papa ang suot na reading glasses at muling tinignan si Raze.
"Raze, hijo! Ikaw ba 'yan?" Nagulat ako sa biglaang pag-sigaw ni Papa. Mas nagulat pa ako nang makita ko si Papa na nakangiti habang nakatingin kay Raze.
Teka lang... magkakilala ba sila ni Papa? He called my father 'tito' and-
"Pa! Magkakilala kayo?" Shocked na tanong ko. Sabay silang tumingin sa akin.
Si Raze ngumisi lang.
Tumawa si Papa bago mag-salita. "Yes, Reya. His father is my great best friend." Tinapik ni Papa ang balikat ni Raze.
Ano? Raze's father is my father's best friend? At hindi lang basta best friend - great best friend pa!
Natulala ako. Totoo ba 'to? Walang halong joke?
"Hon, may bisita ba? Bakit ang ingay..." Nakita ko si Mama na pababa pa lang ng hagdan. When she saw Raze, gulat siyang tumitig dito. Nagmadaling itong bumaba upang daluhan si Papa at Raze na naka-upo sa upuan sa sala.
Tumayo si Raze para mag-mano kay Mama. "Tita, it's me, Raze."
Kinilatis siya ni Mama.
"Ay! Ikaw na ba 'yan, Raze? Ang gwapo gwapo mo!" Naging hyper bigla si Mama.
Habang ako ay nakatayo lang. Gulat sa pangyayari. Hindi naman ganito ang parents ko ah... Nasaan 'yong mga magulang ko na super strict at kahit kaibigan kong bading noon ay sinusungitan at binabalaan nila?
"So hijo, paano kayo nagkakilala ng anak ko?" Si Mama.
"Naging classmate po kami noon." Magalang na sagot ni Raze.
"Oh, ganon ba, hijo? Ngayon, magkaklase parin ba kayo ni Reya?"
Tumango si Raze. "School mates, Tita. Actually kaya ako narito ay may importante ho sana akong sasabihin sa inyo," He cleared his throat.
"Nililigawan ko ho si Reya." Straight to the point na dugsong niya.
Halos malalag ang aking panga sa narinig. I saw my parents reaction. Shocked din sila pero agad iyon nawala at napalitan ng ngiti.
"Totoo ba 'yan hijo?" Si Papa. Tumango si Raze. "Well, that's great!"
"Thank you, Tito." Sinulyapan ako ni Raze. Binigyan niya ako nang nakakalokong ngisi.
Sumabat naman si Mama - tuwang tuwa. "Aba! Ang swerte naman ng anak ko at may manliligaw siyang mabait, gwapo at magalang na lalaki."
Mabait? Mabait ba si Raze? Mayabang kaya!
"Hijo, kwentuhan mo naman ako... Nagde-date na ba kayo?" tanong pa ulit ni Mama.
"Hindi pa ho nangyari 'yon. Palagi niya ako tinatanggihan."
Agad akong naka tikim ng masamang tingin kay mama. "Reya, is that true?"
Nailing na lang ako at walang maisagot. Bakit kailangan niya pa iyon sabihin sa parents ko?!
BINABASA MO ANG
Stolen Kisses (completed)
RomanceShort story © 2015 nixelofficial ----- Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance t...