Katrina's POV
Kanina pa talaga ako napipikon sa babaeng walang ginawa kundi ang paghintayin ako ng tatlong oras dito sa kapehan. Langya!
Magkikita kasi kami para i-organise yung lakad namin sa sabado. May concert kasi kaming pupuntahan. Umpisa nung nag-break yung dalawang engot, nahilig kaming magbarkada sa paggala at sa pagfa-fangirl.
Hindi naman ako yung tipo na sisigaw at tatalon sa concert. Ang eng-eng lang nun. Tsaka baka pagkamalan pa akong may diperensya sa utak.
"Hey! Ano ba! Are you blind mister?! Kita mo na nga na dadaan ako nakaharang ka pa sa harap ko! Tabi nga! Are you even listening to me?! Hey!"
Napansin ko namang may eskandalong nagaganap sa labas ng shop. At hindi nga ako nagkakamali. Ang bruhildang si Stephina lang naman. Sa taas ng boses nya, sino bang hindi makakakilala nun? Tiningnan ko rin yung nakaharang sa dinadaan nya.
Nakaharang parin sya at parang walang pakialam. Para nga akong natatawa eh. Na-isnob lang ang beauty ni impakta. Maipabugbog nga. Pero wag nalang. Naawa naman ako sa mukha nya. May itsura naman eh.
Di ko na natiis ang bangayan nila kaya pumagitna na ako at hinatak si Stephina.
"Hoy Stephina! Umayos ka ha! Isubsub ko yang pag mumukha mo eh. Ang aga-aga daldal ka ng daldal! Tumanda ka nga!" Sigaw ko.
"Eh kasi yang lalakeng walang modo! He's blocking my way in! Tsaka parang walang pakialam! Sino bang hindi maiinis dyan?" Sabay turo sa lalaking nasa may harap parin ng pinto.
"Ewan ko sayo!"
At hinatak ko na sya papunta sa upuan kung saan ko sya hinintay ng TATLONG ORAS. At tinulak sa upuan nya.
"Hoy! Bruhilda! Wala akong pakialam dyan sa lalaking nakaharang sa daan mo! Saan ka ba nagpunta at pinaghintay mo ako ng matagal! Langya ka!"
"Oh yeah. I forgot. "
"Forgot mong mukha mo!"
"Eh kasi yung dress na inorder ko sa shop, malaki sa akin. Kaya pumunta muna ako sa botique na yun tsaka hindi ko namalayan na tatlong oras na pala akong nandun. Ang ga-ganda kasi ng mga display."
"Subukan mong ma-late ulit. Isusubsub ko talaga sa imburnal yang mukha mo." Pagbabanta ko naman sa kanya.
"Yeah.Whatever"
"Aba! Hoy babae! FOUR YEARS NA PO TAYONG NAGTAPOS SA ISANG UNIBERSIDAD AT GANYAN PA RIN ANG UGALI MO?! HOY STEPHINA! Matanong nga kita. Bukod sa paglalakwasa, ano pa ba ang pinagkakaabalahan mo?"
"Umm, bat ba napunta dito ang pinaguusapan natin? Wala namang connection ata ito sa pagka-late ko."
"STEPHINA, pinapaalala ko lang sayo na matanda na tayo. Kaya umayos ka na. Yung Kuya Chris mo, Engineer na. Yung Kuya dale mo naman Doctor na at may patner in life pa! Ikaw, tambay, walang trabaho "BAGGAGE" lang kumbaga."
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Baboy (Ongoing/Slow Update)
Teen FictionNote: Ang istoryang ito ay KATHANG ISIP lamang. Kung bitter ka, PWES!!! This story is meant for you! MEDYO meant for you lang pala. ^_^ May mga words dito na BAD for kids kaya, wala lang. You're old enough to know better. Maraming typos and grammar...