Ritchelle's Pov
Hiii !! Ako nga pala si Ritchelle Castro ! Ikukwento ko sa inyo kung pano kami nagsimula ng taong mahal ko at kung pano din kami natapos ..
I had many reason to give up .. But I still chose to stay ..
You had many reason to stay .. BUT YOU CHOSE TO GIVE UP ..
Yan ang paborito kong kasabihan .. ganyan kase yung nangyari samin ni Jolina ..
1st year high school nung magkakilala kami .. Naging mag bestfriend kami ..
Hanggang 2nd year na kami nararamdaman kong nahuhulog na ako sa kanya ..
Nung malapit na matapos ang 2nd year namin .. Dun ko na siya tinanong kung pwedeng manligaw at pumayag naman siya .. October nung nanligaw ako .. December 19 sinagot niya ako ..
Masaya kami .. Hanggang nung pasukan na excited ako kase magkaklase kami ..
Pero mukang pinaglalayo ata kami ng tadhana .. 3 days lang siyang nakapasok dahil aalis na sila ..
Pupunta na silang batangas .. dun na siya mag aaral ..
At ang tanong ko sa kaniya "Pano na ako?" Pero ang lagi niyang sinasabe "Kaya natin yan!"
Naging LDR ang relationship namin .. masaya pa din .. lagi kaming mag kausap ..
Pero pinaglalayo talaga kami .. Umalis din kami .. Sa bulacan naman kami .. mas lalong napalayo ..
Pero nagpakatatag ako .. ginawa ko lahat .. ako nagpapaload sa kaniya .. para makausap at makatext ko siya .. pero hindi pa din maiiwasan yung pag aaway ..
One time nag text siya "Hindi na kita mahal" yan ang text niya .. at nung nabasa ko yun sobrang sakit talaga .. So I let her go ..
Pero sabi niya pinagtitripan nya lang daw ako .. Bakit daw sumuko ako agad .. ang sakit kase ehh ..
Pero nagkabalikan din kami .. Ayun masaya kami .. malapit na kaming mag 8 months nun ..
August 15 na ehh ! Kaya ayun nag text ako sa kanya pero hindi siya nag rereply .. pinaloadan ko siya pero wala pa din ..
August 18 na .. hindi pa din siya nag paparamdam .. monthsary na namin bukas ..
Pero nagbago ang mood ko nung nagtext siya ..
Pero halos gumuho ang mundo ko ng mabasa ko ..
"Ayoko na .. May mahal na akong iba .. Hindi kita pinagtitripan seryoso ako"
Yan ang text niya .. pero hindi ako sumuko agad .. tinanong ko kung seryoso ba yun .. kung masaya ba siya .. at sa huli I let her go .. dahil yun ang gusto niya ..
I gave everything but I think my everything is not enough .. ang sakit ..
Pero may hiling siya sakin .. "Pwede pa din ba tayong maging mag bestfriend?"
Matagal kong pinag isipan .. pero pumayag na ako dahil sayang yung pinagsamahan namin ..
Ngayon I'm trying to move on .. haay .. gunawa ko lahat ng makakaya ko pero nakanap siya ng iba .. minahal ko ng sobra ..
Minsan nga wala na akong time para sa sarili ko .. walang araw na hindi ko siya tinetext .. hindi pwedeng hindi ko siya matawagan .. hindi pwedeng hindi ko siya makantahan kahit sa tawag lang .. gabi gabi akong nagpapaload para makatext siya .. pati siya pinapaloadan ko .. pera ko yun .. pero wala akong hiningi na kapalit .. mahal ko siya ehh .. may isang gabi pa na muntik akong mapagtripan ng mga lasing nung nag paload ako .. minahal ko kase siya ng sobra .. pero eto ako nasaktan din ng sobra ..
Hanggang ngayon masakit pa din .. Mahal na mahal ko pa din kase siya ..
I had many reason to give up .. But I still chose to stay ..
You had many reason to stay .. BUT YOU CHOSE TO GIVE UP ..
-----------------------------------
Totoo po itong story na to .. story siya ng friend ko ..

BINABASA MO ANG
One shots of Love
Truyện NgắnTungkol po ito sa mga one shot ng mga magkakaibang storya ! :) hope you'll like it ! Imagination ko lang po ito !