Angel's POV
It's october 19th , 2 months na ang nakalipas simula nung iniwan niya ako. 3rd anniv sana namin ngayon .. Umalis na lang siya ng walang paalam .. Iniwan niya ako sa ere.
Ang sakit , hanggang ngayon masakit pa din.
After 2 years of relationship bigla na lang siyang magtetext na "Hindi na kita mahal"
Tapos wala na hindi na magpaparamdam. Ang galing noh ? Haay . The worst part of saying goodbye is knowing that Hello wont be the same.
Aaminin ko namimiss ko siya , pano kung bumalik siya ? Hindi ko pa din alam ang gagawin ko.
*Flashback*
Pauwi na ako. At sa kasamaang palad wala akong payong! Kaya no choice naligo na lang ako sa ulan.
Naglalakad na ako pauwi at basang basa na ako. Ok lang enjoyin ko na minsan lang naman to.
Nagulat na lang ako ng may tumabi sakin at nag babasa din siya sa ulan. Tumingin siya sakin at ngumiti "Hello Angel ☺" Nagulat ako kase alam niya yung pangalan ko.
"Ahmm Hello?" Nag aalinlangan kong sagot sa kaniya. Di ko kase siya kilala eh.
"I'm Rain " Sagot niya sakin. Infairness ang gwapo niya. Napatingin ako sa uniform niya at schoolmate ko pala siya.
Napansin siguro niya na nakatingin ako sa uniform niya.
"Oo schoolmate tayo , actually classmates din tayo" Nakangiti niyang sabi sakin.
"Ahhh ganun ba ? Bakit di kita masyadong napapansin?" Tanong ko sa kaniya.
"Nasa dulo kase ako lagi , tsaka masyado kang busy sa taong sinaktan ka ☺" Ha ? Ano daw ?
"Ha?" Tanong ko. "Alam ko yung nakaraan mo , niloko ka ni Vince diba? Bakit sakanya ka pa din nakatingin?"
Yung muka ko O_o
"Wag ka sana mailang o ano bestfriend ko kase si Vince , at dont worry nasuntok ko na siya para sayo" Nakangiti niyang sabi at napangiti din ako.
Simula nun naging close na kami .. Seatmate pa nga kami at malapit lang bahay nila sa bahay namin.
Hanggang tumagal ng tumagal iba na ang nararamdaman ko. One time umalis siya dahil may pupuntahan sipa ng family nila. One week lang yun pero halos mabaliw na ako!
"Pag namimiss mo ko tumingin ka lang sa langit, kase kahit di mo ako nakikita nasa iisang mundo lang tayo" Yan ang sabi niya bago siya umalis. At yun nga ang ginagawa ko nakatingin ako sa langit.
After one week bumalik siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Namiss kita " Bulong niya sakin. "Namiss din kita sobra pa sa sobra" Sagot ko sa kanya.
Simula nun parang naging M.U. na kami .. Hanggang dumating ang isang araw.
Nagtext siya sakin "Nasa Hospital ako. Malala na ang sakit ko" Agad agad akong pumunta sa Hospital.
Nagtanong ako sa front desk "Ano po room ni Rain Marquez?" "Room 19 po"
Dali dali akong tumakbo. Pagpasok ko puro balloons na heart shaped tapos nandun din ang parents ko at parents niya at mga friends namin tapos may naka dikit sa pader na "Can I court you Angel Gonzales?"
Tapos nakita ko siya sa likod ko. Niyakap ko agad siya.
"Is that a yes or a no?" Tanong niya sakin.
BINABASA MO ANG
One shots of Love
KurzgeschichtenTungkol po ito sa mga one shot ng mga magkakaibang storya ! :) hope you'll like it ! Imagination ko lang po ito !