Athena's PovHaaaaayyy .. Ilang beses ba akong masasaktan ? Alam mo yung feeling na halos ayaw mo ng magmahal ? Dahil natatakot ka ng masaktan ulit ..
Pero ang nakakainis dun .. Hindi mo mapipigilan ang pagmamahal .. Biglang dumadating sa di inaakalang pagkakataon .. Pero nakakatakot din masaktan ..
Pero sabi nga Kakambal na ni LOVE si PAIN .. Hindi ka pwedeng magmahal ng hindi ka nasasaktan .. Kaya once you fall inlove prepare to be hurt ..
Nagtataka siguro kayo kung bakit ganito ako magsalita nohh ? Sige kukwentuhan ko kayo .. Simulan natin sa pinaka unang sakit na dumating sa buhay ko ..
<<<<<<<<<<<<<<FLASHBACK<<<<<<
11 years old pa lang ako nito(i'm 22 now)
Nagba-bike ako sa subdivision namin .. Nang may makita akong batang babae sa ilalim ng punong mangga .. Nakaupo lang siya at may tinitingnan na picture ..
Pinuntahan ko siya ..
"Hi ! Ako nga pala si Athena ! Ikaw anong pangalan mo ?" Sabi ko sa kaniya .. Habang nakangiti ..
"Hello din .. Ako si Hera" Malungkot niyang sabi sakin ..
"Bakit ka malungkot?" Tanong ko sa kanya ..
"Namimiss ko kasi yung mommy ko"
"Bakit asan ba yung mommy mo?"
"Kasama na siya ni God" at ayun nalungkot din ako para sa kanya ..
Nagkwentuhan pa kami dun at ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya ..
"Nga pala saan bahay niyo dito?" Tanong ko sa kanya ..
"Doon sa Eagle Street No.19" Sagot niya na ikinagulat ko ..
"Talaga ?! No.21 kami eh !" Masaya kong sabi sa kanya ..
"Edi maganda ! Tara uwi na tayo !" Sabi niya sakin ..
Hanggang sa naging magbestfriend kami .. Lagi kaming nag uusap , lagi kaming magksama , lagi kaming nagpupunta dun sa may puno ng mangga and same school din kami ..
Ang naiisip ko lang nun sobrang swerte ko at nakilala ko siya .. Hanggang isang araw .. pinuntahan ko siya sa bahay nila ..
"Tao po !!" Tawag ko sa may gate nila .. yung yaya lang nila ang nagbukas ..
"Si Hera po?"
"Nasa Hospital siya"
"Po? Bakit po?"
"Hindi ko din alam , kung gusto mo puntahan mo siya dun"
"Sige po ! Salamat po!" Umalis na ako pagkatapos nun .. ang lakas ng kabog ng dibdib ko .. ano kaya nangyari sa kanya ?
Pagdating ko dun .. Tinanong ko agad sa nurse yung roon ni Hera Lopez ..
"Room 1921 po"
"Sige salamat po!" Nagmadali agad ako sa pagpunta dun .. Nakita ko yung daddy ni Hera sa labas ng room ..
"Good afternoon po tito ! Ano po nangyare kay Hera?" Bungad ko sa daddy ni Hera ..
"Wala na siya Athena .." Sabi sakin ni tito habang umiiyak .. para naman akong nabingi ..
"Po? Bakit po ?" Tanong ko ..
"May Cancer pala siya ng hindi ko alam" sagot niya ..
BINABASA MO ANG
One shots of Love
ContoTungkol po ito sa mga one shot ng mga magkakaibang storya ! :) hope you'll like it ! Imagination ko lang po ito !