Isa lamang akong tao na nagnanais mahalin. Nais makaramdam ng kaligayahan.
Nangagarap din lang ako na balang araw maranasan ko ang sinasabi nilang "pagmamahal".
Pero napatanong ako sa aking sarili? Gaano nga ba kasakit ang mawalan, maagawan at mapagkamalan?
Kinailangan ko kasi para sa isang speech ang magconduct ng interview ukol sa topic na yan. Wala kasi ako sa aking sarili na sabihin sa akin na magsasalita ako sa harap ng madaming tao at ang theme? Love.
E malay ko ba sa love love na yan. Ni hindi ko pa nga nararanasan yan e. Anong sasabihin ko sa harap? Na mabuhay kayong nagmamahal? Nagpapakatanga? Nagpapakamartyr?
Pero gaya nga ng sabi ko sa inyo wala ako sa sarili ko nang tanungin ako kung ano ang topic ko-- in the end? Ayan. . Nagpapakahibang ako maghanap kung paano isasalita sa harap ng madla ang sakit kung paano mawalan, maagawan at mapagkamalan.
I am Elaine. 20 years old at naghahanap buhay habang nag-aaral. May kaya naman ngunit kailangan kumayod e.
Naglalakad ako sa isang daan kung saan ko nakilala si Ella. Isang babaeng naranasan ang sakit na mawalan.
At least kahit papaano di ba? May matutunan ako sa kanya.Narinig ko na ang kwento niya pero kailangan ko full details. Kung kinakailangan nga maging ang pagtatalik nila e detalyado e. Hahahaha!
Ito ang kwento ni ELLA. Ang babaeng naranasan mawalan ng lalaking minamahal.
---
May isang babaeng simple lang ang pamumuhay, masaya naman kahit hindi ganuon kayaman hindi din naman ganuon kahirap. Average person lang sila kumbaga. At nagmamahal. Siya si Ella. Dalawampu't limang taong gulang na. Masasabi na isa siyang asensado dahil sa mga karangalang nakamit niya at sa trabaho niya. Isa siyang CPA. Certified P.A. Joke. Certified Public Accountant.
"MA! MA!" Hindi siya mapigil sa katatakbo papunta sa mama niya. Sobrang saya lang ng pakiramdam niya dahil sa nangyayari sa buhay niya at feeling niya siya na ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa.
"Ma! Nasaan ka ba?!" Hanap niya sa buong bahay nila pero ni anino ng nanay niya ay wala.
Nasaan naman kaya yun? Sa isip niya.
"Anak bakit ka namang nagsisisigaw dyan? Mapagkakamalan na talaga kitang baliw." Pagpasok naman ng nanay niya sa bahay. Kagagaling lang kasi nito sa palengke e.
Umikot naman si Ella na parang baliw dahil sa lubos na sayang nararamdaman.
Initinaas niya ang kanang kamay at may ipinakita siya. Panakatitigan naman yun ng nanay niya kaya bigla niyang naitapon ang pinamili dahil sa gulat at saya na din.
"Oh My! Anak? Ikakasal ka na?!" Para namang batang tango ng tango si Ella at bumungisngis pa. .
"Grabe Ma! Sobrang saya ko nung nagpropose siya! Muntik na akong himatayin dahil sa ginawa ni Brent. Mahal na mahal ko talaga ang lalaki yun!" Tumili tili pa siya dahil sa kilig at saya.
"And I love you most Ella." Napaigtad naman si Ella dahil sa gulat.
"Brent? What're you doing here?" Nagtatakang tanong naman niya sa lalaki. Napatawa na lang ang lalaki at mahigpit na niyakap.
"Ma oh. Ayaw ni Ella na nandito ako." Napangiti nalang ang ginang sa inasal ng mapapangasawa ng anak niya.
"Seriously, Brent? Ano nga ang ginagawa mo dito?"
"Wala lang. Masama bang bumisita sa wife to be ko?" Ella find it so sweet kaya hindi na niya napigilan at mabilis na hinalikan ni Ella sa labi si Brent.
BINABASA MO ANG
Love Hurts
Cerita PendekGaano nga ba kasakit mawalan? Maagawan? At Mapagkamalan? This is just a random story na isinulat ko gawa ng samu't saring emosyong namuo dito sa puso ko. Ngayon ay isusulat ko para mailabas lahat ng kung anuman ang meron sa puso ko. #Wattys2016