"Sure ka ba na dito ka muna uuwi at hindi sa condo mo?"
Tanong ni Nathan kay Patty.
"Oo dito muna, baka sa susunod na araw ako uuwi ng condo, nangako kasi ako kila mommy at daddy na mag-iistay muna ako dito sa bahay."
Sabi nya sito. Tumango naman ito sa sinabi nya. Lalabas na sana sya na ng kotse nito ay pinigilan sya nito.
"Wait."
"Bakit?"
"Basta wait lang."
Ngumiti ito sa kanya at lumabas ng kotse, may kinuha ito sa compartment ng kotse nito. Lumabas na din sya sa kotse nito para tingnan kung ano ang kinuha nito.
"Ano yan Nathan?"
"Oh bakit ka lumabas? Sabi ko doon ka lang sa loob eh."
Nangamot ito ng ulo.
"Eh nakakabagot, isa pa nandito na ako sa tapat ng bahay namin."
Sabi nya dito.
"Here."
May inabot itong isang box sa kanya, hindi gaano kalakihan ay hindi rin ganoon kaliit.
"Ano to? At bakit mo nilagay sa compartment ng sasakyan mo?"
"Eh, nilagay ko kasi sya sa mini ref dito sa kotse baka kasi magmelt. Ayan nasabi ko na tuloy kung ano yan."
"So pagkain nga ito? At ang galing din no, may mini ref ka dyan sa kotse mo."
Biro nya dito.
"Oo pagkain nga yan. Naisip ko yang gawin bago ka umuwi dito, I want to you taste that first before I put it in the menu."
Sabi nito sa kanya.
"Sige, salamat."
"Oy! Di pa ba tapos ang pagliligawan nyo dyang dalawa?"
Tumingala sila sa veranda ng bahay nila. Nandoon pala ang kapatid nyang si Mari, at mukhang kanina pa ito nakikinig sa usapan nila ni Nathan.
"Pwede ko bang ligawan ang kapatid mo Mari?"
Sakay ni Nathan sa biro ng kapatid nya.
"Ay nako kuya Nathan! Kahit wag ka na magpaalam."
Natawa na lang si Nathan sa biro ng kapatid nya.
"Papasok na ako. Ingat ka sa pag-uwi mo."
Sabi nya kay Nathan.
"Oo naman kambal. Mag-iingat ako para sayo."
Sabi ng lalaki sa kanya at ginulo ang buhok nya.
"Nathan naman eh."
Nagulat sya nang bigla syang yakapin nito.
"I'm glad your back Patrice. I miss you so much."
Bulong nito sa kanya at bahagyang hinalikan sya sa pisngi. Hindi naman sya makagalaw sa kinatatayuan dahil sa ginawa nito. Naglakad na ito papunta sa kotse nito nito.
"Good night kambal!"
Paalam nito sa kanya at kumaway. Kumaway na lang din sya dito at pinagmasadang makalayo ang kotse nito.
Hinalikan nya ako sa pisngi. Bakit ganoon ang pakiramdama? Biglang kumabog ng husto ang puso nya."Ate tutunganga ka na lang ba dyan? Wag mo sabihing natuod ka na dyan?"
Sigaw sa kanya ng kapatid nya na kanina pa nanonood sa kanya.
"Heh! Shut up Mari!"
Binuksan na nya ang gate at pumasok sa loob ng bahay.
**********
"So ate, pahalik-halik na lang pala sa pisngi mo si kuya Nathan?"
Pag-iintriga ni Mari kay Patty.
"Wag ka ngang malisyoso Mari. Alam mo namang ganoon talaga si Nathan sa akin dati pa."
Sabi nya sa kapatid.
"Ows? Parang di naman."
"Oo kaya."
Inirapan nya ito.
"Alam mo ate kung di lang kayo magbest friend ay iisipin ko nang may gusto sayo si kuya Nathan. Kasi yung mga magalawan nya kakaiba na sa dati."
Pang-aasar sa kanya ng kapatid.
"Heh! Tumigil ka nga!"
Hinapas nya ito ng unan. Ginantihan naman sya nito.
"Aray ko ate! Tingnan mo yang pisngi ang pula-pula!"
"Masyadong mainit kaya ako namumula!"
"Ows? Naka centralized aircon itong kwarto mo, paano ka maiinitan? Ang sabihin mo kinikilig ka!"
"Eh sa nasanay ako sa klima sa Italy na sobrang lamig."
Iniwas nya ang tingin dito.
"Hay nako ate, payo ko lang sayo, wag kang magpapalinlang sa mga nakikita lang ng mata mo."
"So anong connect?"
"Wala naman. May masabi lang."
Lumabas na ito ng kwarto nya. Binato nya ng unan ang pinto pagkalabas nito.
"May gusto? Si Nathan? Sa akin? Hah! That's crazy!"
Napadako ang tingin nya sa kahon na binigay ni Nathan sa kanya. Kinuha nya iyon at binuksan. Napangiti sya nang makita ang laman niyon. Isang cookies and cream cake. Di pa din nya nakakalimutan ang paborito ko. Gamit ang daliri nya ay dumakot sya sa icing nito. Tama lang ang lasa, hindi masyado matamis. Hay nako Nathan. Tumunog ang cellphone nya. Nagtext si Nathan.
*Hi kambal! Alam kong tulog ka na. Hehe. Sana magustuhan mo yung ginawa ko. Di yan masyado matamis. Hehe. Yun lang. Good night. ;)
Luv u. xxx*Napangiti sya sa text nito. Loko talaga. Luv u daw?
A/N: waaaahhhh!! Kinikilig talaga ako kay Nathan. Wahihi! Kayo din po ba??
Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks. ;)
BINABASA MO ANG
FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]
RomanceSa Fontalejo clan, si Nathan ang tinaguriang playboy sa pamilya. His charming looks can attract every girl, but Patty is the only exception. She was immuned by his charm. Magkakilala na sila simula ng mga bata pa sila, kabisado na rin nila ang ugali...