A/N: last chapter na itu!! T_T pasensya na kung mamadaliin. Hehe! Pero sana magustuhan nyo po. :))
Malapit na ang kasal ni Patty at Lucas. Kahit anong pagmamaka-awa ang gawin ni Patty sa mga magulang at sa magulang ni Lucas ay tila mga bingi ito sa mga sumamo nilang dalawa ni Lucas, bagkus ay minadali pa ng mga ito ang araw ng kasal nila. At ang masakit pa ay nataon ito sa araw ng birthday ni Nathan. Parang mawawalan sya ng bait, iyak sya ng iyak tuwing gabi. Hindi nya maintindihan ang nangyayari. Hindi rin nagpapakita sa kanya si Nathan. Nalaman nyang si Nathan din ang may-ari ng Cassiopeia's Coffee and Cakes dahil tinanong nya sa mga staff nito. Nang malamam nya iyon ay halos araw araw syang nakatambay doon, hindi nya na aaasikaso ang trabahong naiwan nya, wala syang pakialam kahit masermunan sya ng daddy nya. Kaso parang sinasadya ni Nathan na hindi pumunta sa shop nito. Parang naging bingi sya sa mga sermon ng magulang nya, nasasagot nya na din ang mga ito, pero naguguilty din naman sya, pero parang nabato ang puso nya dahil sa mga ginawa ng mga ito. Ayaw syang pakinggan.
*****
Noong araw na iyon nakaschedule ang wedding gown fitting ni Patty, wala syang magawa kundi sumama sa mommy nya at sa tita Monica nya dahil ito ang nag-aayos ng kasal nila ni Lucas. Kahit labag sa kalooban nya ay sinusunod na lang nya ang mga ito, tanda na din ng respeto. Tinulungan sya ng staff na isuot ang wedding gown, bahagya syang natawa dahil naalala nya ang isang pamahiing pilipino na hindi raw matutuloy ang kasal kapag isinukat ng bride ang trahe de boda bago sya ikasal. Alam nyang isa lamang itong pamahiin pero sa sandaling iyon pinagdarasal nya na mangyari nga iyon. Nang matapos ang pag-aayos sa kanya ay lumabas na sya ng fitting room.
"Mam, here's the bride."
Sabi ng wedding gown designer nya sa magulang nya at future mother-in-law. Nanlaki ang mga mata nito.
"Oh my gosh iha! You look gorgeous!"
Halos sabay na sabi ng mommy nya at ng tita Monica nya. Lumapit ang mga ito sa kanya. Pilit syang ngumiti.
"Ang ganda ganda mo Patty, you will be the most gorgeous bride sa kasal mo. My son is very lucky to have you."
Sabi ng tita Monica nya. Parang may hindi sya makahinga ng maayos sa sinabi nito. Nasaktan sya sa sinabi nito. Kung si Nathan ang papakasalan ko tita, I will agree with you, pero hindi eh. May tumulong luha sa mata nya.
"Hey baby, why are you crying? Hindi ko na nagustuhan ang gown mo?"
Nag-aalalang tanong ng mommy nya. Umiling na lang sya at pinahid ang mga luha.
"Wala po mom. Magpapalit na po ako."
Sabi nya. Bumalik na sya ng fitting room nya. Napatingin sya sa malaking salamin sa loob niyon. Muling kumawala ang mga luha na kanina pa nagpupumilit kumawala. Napatitig sya sa repleksyon nya. Doon lang nya napansin na maganda nga pala talaga ang gown nya, conservative and may pagkavintage tabas niyon. Saktong-sakto sa pinapangarap nyang gown noong bata pa sya. Naalala nya na sinabi nya pala iyon sa mommy nya dati. Hindi pala nito nakalimutan ang sinabi nya. Napaupo sya.
"Pero hindi naman ako ikakasal sa taong mahal ko. Ano pa ang silbi ng dream wedding gown na ito?"
Sabi nya habang umiiyak. Hinubad nya na ng gown at isinuot ang damit nya. Nang matapos ay lumabas na sya ng fitting room. Naghihintay pa din ang mommy nya at tita Monica nya.
"Iha, puntahan na natin iyong bakeshop na gagawa ng cake mo."
Excited na sabi ng mommy nya.
"Im sorry mom, but I can't go, masama pakiramdam ko."
Hindi nya na inantay ang pagsang-ayon nito dahil lumabas na sya ng botique at sumakay na sya ng sasakyan nya. Bahala na kung saan sya mapadpad ngayon.
BINABASA MO ANG
FONTALEJO MEN SERIES #2: The Playboy Chef(Nathan Fontalejo) [COMPLETED]
RomanceSa Fontalejo clan, si Nathan ang tinaguriang playboy sa pamilya. His charming looks can attract every girl, but Patty is the only exception. She was immuned by his charm. Magkakilala na sila simula ng mga bata pa sila, kabisado na rin nila ang ugali...