Chapter 8- Accident

8 0 0
                                    

Meera's POV

Kriiiiiing Kriiiiiiing

"Hello kuya!"Sabi ko

"Meera! Pumunta ka dito sa St.Jude Medical Center ngayon na."Sabi niya.

"Bakit kuya? Andito ako ngayon sa St Jude. Nyare?"Sabi ko.

"Si Mommy,Andito.Naaksidente siya.Nabunggo ng Truck."Sabi niya.

"A-ano?! A-asan ka-kayo?!Papunta na ako."Sabi ko.

"Dito sa Emergency room.Bilis!"Sabi niya.

Lumabas na ako sa Room nila Connie.Nasa 6th Floor pa naman sila.Tumakbo na ako ng tumakbo ni hindi ko na alam kung sino mga nakakasalubong ko.Sa sobrang bilis nalang ng takbo ko. Tumatalsik talsik na yung luha ko.Sobrang Iyak ko.Hindi ko alam kung bakit kasi hindi ko alam kung ano nangyari kay Mommy pero sobra yung kaba ko.Dumaan na ako ng hagdanan kaysa Elevator .

Pagdating ko ng ER, hinanap ko na sila.Pagbukas ko ng mga 7th or 8th na Kurtina yata yun.Nakita ko na sila Kuya.Si kuya at papa ang una kong nakita.Sobrang hingal ko at iyak ako ng iyak.Unti unti kong tiningnan si Mommy.At Sobrang Sobrang Sobrang bigat ng pakiramdam ko.Grabe.Nakita ko yung itsura ni Mommy na sobrang daming sugat at hindi siya gising.Grabe! Napaluhod ako at umiyak ng umiyak.Niyakap naman ako ni Kuya.

"Meera,Shh.Tama na.Dito tayo sa loob."Sabi niya.

Pumasok kami sa loob at sinara na ni Papa yung kurtina.Pinuntahan ko lang si Mommy at Hinawakan yung kamay niya.Iyak lang ako ng iyak.Hindi ko alam pero parang ako yung may kasalanan kung bakit siya nagkaganito pero hindi naman.Basta iyak lang ako ng iyak. The Next thing I know is nakatulog nalang ako at si Kuya yung katabi ko.Nakasandal ako sakanya.Nagising ako dahil tinapik ako ni kuya.

"Kuya anong nangyari kay Mommy?"Tanong ko

"Hindi ko rin alam eh.Basta ang alam ko nagdridrive siya at nabunggo siya ng truck."Sabi niya.Niyakap ko nalang siya at sinandalan ko siya. Parang kelan lang nagbobonding kami.Ngayon,Nandito kami sa Ospital dahil naaksidente si Mommy.

"Bakit ka pala andito kanina?"Tanong sakin ni kuya.

"Kasi,Nagkasakit si Connie.Eh wala parents nila kaya kami nalang ang sumama."Paliwanag ko

"Connie? Yun ba yung kapatid ni Cepthyl?"tanong niya.

"Yep.".

"Ah.Kaya pala.".

"Kaya Pala what?"

"Wala Wala."

"Psh.Ikaw talaga kuya ah."

"Bakit?"

"Wala.Masyado ka kasi masikreto.Natetemp tuloy akong hanapin yung mga sagot sa tanong mo."

"OA ka naman Meera.Nagtanong lang."

"Hahahahaha!"Sabay naming tawa.

"Anoooong nangyariiiiii??!!??!"Nagulat kami dahil biglang bumukas yung kurtina at Nakita ko sina Cep, Nats at Janella.

"INGAY NIYOO! SHHHHH!"Sabi nung ibang mga pasyente.Nagpeace sign nalang yung tatlo.

"Anong nangyari??"Tanong ni Natalie.

"Naaksidente? Malamang."Sabi ni Janella.

"Nagpilosopohan pa kayong dalawa.Meera anong nangyari?" Sabi ni Cep.

"Di ko alam"Sabi ko.Nagkamot naman ng ulo yung tatlo *.*

****

Nilipat na si Mommy dun sa tabing kwarto ni Connie.Kaya ganito ang hati.Tutal andun naman si Tita Wendy, Si Cep at Si Natalie ang Nasa room ni Connie.Ako, Si Kuya Mj at Si Janella naman sa Room ni Mommy.

"Kuyaaaa.Ano ba talagang nangyari?"

"Hindi ko alam.Basta"

Im Not The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon