Pagkagising ko pa lang grabeng grabe na ang pagkakapoy kong pumasok -.- . Pano ba naman lahat ng makakasalubong ko panay panlalait lang ang isasalubong sa akin . At talagang nakadikit na ang pangalang NERDY sa pangalan ko .
Pano ba naman ako hindi tatawaging ganon eh napakapangit ko. Haiiisst. Makapaghantda na nga lang sa school.
Bumangon na ko sa napakaganda at napakalambot kong kama. Yung kama lang ung maganda hah, ung nakahiga ? Sa panaginip lang maganda. Atsaka inayos ito.By the Way, AKO NGA PALA SI JULLIANE MAY SANTA ROSA ANG DAKILANG NERD NG BAYMAX UNIVERSITY. Oh antaray ng lola nyo naka University .
Pagkatapos kong ayusin yung kama ko, dumiretso na ko sa banyo para maligo, pagkatapos ko namang maligo sinuot ko na ung under garments ko tapos yung napakahaba kong palda at blouse na maluwang sinuot ko na rin ung glasses ko. Inayos ko na lang ung sarili ko kahit wala namang magbabago tapos bumaba na ako . Nakita ko si mama na nagaayos ng agahan namin . Tapos si kuya, ayon umaattack sa COC nya -.- .
"Oh anak, kain ka na baka mahuli ka pa sa school. Ang kuya mo tawagin mo na baka pati village natin inattack na. " sabi ni mama. Medyo kalog kasi tong si mama, syempre napakaganda at sakanya ako hindi nagmana.
"Haha mama talaga. Wala ka pong COC kaya wala pong maaatack" pagkatapos kong sabihin yon kay mama , tinawag ko na si kuya Fred, ang macho at gwapong gwapo kong kuya.
"Kuuuuyyyyyaaaaa FRRRREEEEEDDDDDDD !!!!! KAKAIN NA POOOOOOO !!!!" sigaw ko kay kuya.
"AYY !!! ANAK KA NG KAPITBAHAY OO.. JULENG-LENG NAMAN NASA SALA LANG AKO WALA AKO SA BUNDOK !! TOKWA NAMAN. " iritadong sabi sakin ni kuya ^_^ . Ang cute nya kasing maiinis.
Okay na sana eh kaya lang ung tawag nya sakin ?! JULENG-LENG ? saang lupalop ng milky way naman nya napulot yon?
Kumain na lang kami ng kumain. Tapos may biglang pumasok na lalaki sa aming super gorgeous na pinto . Si papa .. as usual lasing. Ayaw na ayaw kong nakikita ang papa ko kapag lasing kase ...... BASTA ..
Tumayo na agad ako at sumakay sa sasakyan namin, doon ko na lang iintayin si kuya . Ilang minuto lang din naman dumating na sya at umalis na kami . Buong byahe lang kaming tahimik . Nang makadating na kami sa Baymax University yung mga babaeng akala mo clown dahil sa sobrang kapal ng make-up ay akala mo basurang nakakalat sa buong University, pano tong si kuya nong nagpaulan ata ng kagwapuhan eh kinanya na -.- . Biruin mo pagkababang pagkababa pa lang namin akala mo artista yung dumating ? At ako ? Pagkababa ko parang naging alalay lang ako ng kuya ko, ung mga babaeng kerengkeng, anlakas ng loob akong tulak tulakin. Ano ba naman tong mga toh -.- magaganda nga katataba naman -.- haiistt . Tapos merong babaeng nagtulak sakin kaya ayon napaupo ako -.- ANSAKIT NUNG PWETAN KOO T.T .. Nakita naman ni kuya yung nangyare kaya agad siyang pumunta sa gawi ko .
"Damn it May ! Ano ba nangyare sayo ?!!" Alalang sabi ni kuya.
"HAHAHAHA ayyy sorry ha akala ko kase poste na gato gato . Nakaharang kase sa daan hindi naman maganda. " si Natalie pala ung tumulak sakin . Sya ung pinakasikat at syempre pinakamaarte dito sa school namin kaya anlaki ng ulo.
" Don't you dare to do it again to my sister ! Or else —" sabi ni kuya pero hindi ko na sya pinatapos.
"Kuya wag. Okay lang ako, hindi naman masakit kaya ko pa" sabi ko sabay ngiti . Isang PEKENG ngiti, pagtapos ay umalis na ko, halatang halata sa itsura ni kuya ung pagaalala. Pumunta na lang ako sa library, pumunta ako dun sa pinakadulong part ng library at umupo dun sa sulok kumuha ako ng libro at saka tinakip sa mukha ko at umiyak. Umiyak lang ako ng umiyak. Ito lang yung tanging magagawa ko para mailabas lahat ng nararamdaman ko ngayon.
Wala naman kasi akong TOTOONG KAIBIGAN meron lang kapag may kailangan sila sa akin . Ewan ko kung bakit kapag pangit bibihira ang may mga tunay na kaibigan ? Ang hirap kasi kapag may mga problema ka tapos wala kang masabihan, ung lagi mo silang kasama sa lahat ng bagay ? Ipinagkait ata saakin iyan eh . Pero sana magkaron ako kahit isa lang .
Tumayo na ko, magtatime na kase baka malate pa ko pagalitan pa ko ng teacher namin . Pagkadating ko sa room mga nagliliparang bolang papel ang sumalubong sakin, di ko na lang pinansin saka nagderederetso pa punta sa upuan ko pero ung mga kaklase ko pinagbabato ako, eto naman todo takip sa katawan ko. Haiist buti na lang nakaupo na ko, pagkaupo ko naman bigla na dumating ung teacher namin kaya umayos na ang lahat . Salamat nagkaroon ng kapayapaan ...
Nagdiscuss lang si Mam Alcantara,"Miss Santa Rosa please answer number 5." Sabi sakin ni mam .
Tumayo na naman ako pero biglang nagtawanan ung mga kaklase ko sa likod . Problema ng mga un ? Hindi ko na lang sila pinansin tsaka dumiretso sa board, kaya lang bawat nadadaanan kong row ng mga kaklase ko, eh bigla bigla na lang tumatawa . Ano bang meron ?
"Ahhmmm... Miss Santa Rosa I think you should go to the rest room, you have stains in your back." Sabi sakin ni mam.
Pero teka ?! STAIINNNSSS ? Pagkatingin ko sa likod ko may pula.. PULLAAAAAAA ?!!!! Pero bat ngayon pa ? Tumingin naman ako sa teacher ko at agad naman syang tumango . Kumaripas naman ako ng takbo papunta sa locker ko para kunin yung extra kong palda , girls scout ata toh minsan na rin kase akong naligo sa pintura nung napagtripan ako ni Natalie . Pumunta na ko sa cr, nung maglalagay na sana ako ng napkin, napansin kong walang dugo, miski ung short ko wala , inamoy ko ung palda ko , amoy PINTURA . Okay get it. Napagtripan nanaman ako -.-
Pagkatapos kong magpalit agad naman akong bumalik sa room kaya lang nakasalubong ko si Natalie .
"Nagbabagay lang yan sayo, ang pangit mo kase ." Sabi ni Natalie sabay irap .
Di ko na lang sya pinansin at agad ng pumunta sa room . Tinanguan na lang uli ako ng teacher namin saka ako umupo . Nagdiscuss lang si mam at ako nakinig lang .
"Okay . Class dismissed." Sabi ni mam bago sya tuluyang umalis. Lunch break na din kase namin.
"Kay Nerdy Girl pala ung malansang amoy kanina. Oh my ged.. kadalagang tao hindi pa marunong magayos sa sarili .. " sabi nung bitch girl kong kaklase na clown pa .
"Hahahaha yeah right guys . Nakakdiri naturingan pa man din syang babae " sabi naman nung kaklase kong lalake.
Nasasaktan na ko nakatungo lang ako habang sinasabi nila yan. Ang sakit, ang sakit sakit na husgahan ka ng mga tao. Nararamdaman ko ng magtubig ung mga mata ko, naiiyak nanaman ako. Tumayo na ko at pupunta sa pwesto ko... SA LIBRARY ...
KUNG SAAN TAHIMIK AT PWEDENG MAGBUHOS NG NARARAMDAMAN...------------------------------------------------------
A/N: Hello po first time ko pong gumawa ng story kaya sorry po kung panget . Sana po basahin nyo po hanggang dulo :)Started: September 09, 2015
BINABASA MO ANG
I am NOT Alone
RandomSi Julliane May Santa Rosa isang nerd at di kagandahang babae . lagi na lang inaasar at nabubully , walang kaibigan pero laging kapit na kapit at malakas ang loob sa lahat ng darating na pagsubok sa kanya.