Chapter 3

7 0 0
                                        

Nagising ako ng 4:30 am kahit 7:00 am pa ung pasok ko. Tamang tama para lang makapagreview ako para sa quiz namin mamaya, hayyyyyyy ... ano nanaman kaya mangyayari sakin mamaya? magigng maganda na kayo yung araw ko ? o ganun pa ren ? Sana naman hindi na.

Kinuha ko ang AP book ko tsaka nagbasa ng nagbasa, wala pang hilamos at mumog yan, hindi naman mamamatay ung libro kapag nahingahan ko ^_^. Kakabasa ko ng kakabasa di ko namalayang 5:30 na, eh mhey ghed. :3 . Inayos ko na ung kama ko at nagpunta sa banyo para maligo at mag-ayos. Sinuot ko na rin yung hanggang tuhod kong palda at ung not soo luwang kong damit. Uunti untiin ko mna mahirap biglain, sinuot ko paren ung makapal kong salamin, hinding hindi mawawala un, tsaka wala namang grado yun parang pang porma ko lang talaga ?

Pagkatapos ko namang mag-ayos, lumabas nako ng kwarto at naamoy ung niluluto ni mamang omellete na corn beef. Hmmmm nakakagutom, busog na utak ko kaya dapat pati ung dragon sa tyan ko mabusog na din .. Pababa na sana ako nang biglang sumigaw si kuya Fred.

"Julliane ??!! Is that Chuu ?" sabi ni kuya na may halong pagtataka, kaya pati si mama nagulat.

"Ofcourse kuya ? Bat naman mo naman natanong ?" tanong ko sa kanya habang bumababa ako papunta sa dining table.

"Anong nakain mo nak at bigla kang nagsuot ng ganyan ?" sabi ni mama. Ahhh okay gets ko na. Ngayon nga lang pala nila ako nakitang nakaganto.

"Hehehe, wala po. Nakita ko po kase sa closet, tsaka matagal ko na pong hindi nagagamit ito" paliwanag ko naman.

"Pero Juleng bagay sayo." sabi ni kuya nang hindi tumitingin sakin.

"Nako kuya! kumain ka na lang jan! " sabi ko naman sa kanya with matching irap.

Kumain lang kami ng kumain ng breakfast. Ansarap talaga magluto ni mama. Ansaya saya namin habang kumakain, tawanan lang kami ng tawanan si kuya kase natapunan ng tubig sa may lap nya kaya mukha syang napaihi.

"Anak. Anlaki laki mo na umiihi ka pa rin sa pantalon ? Nak naman nakakahiya sa mga chikababes nyan." pabirong sabi ni mama kay kuya.

"MA !! Natapunan lang yan ng tubig -_- . magpapalit na nga lang ako ng pantalon mamaya -_-." depensa naman ni kuya.

"Sayang hindi ko napic--" hindi ko na natuloy dahil nakita ko si papang bumababa na at papunta sa gawi namin. Ayoko ng ganitong set up. Kaya tumayo na ko at nagpaalam kila mama.

"Ma una na po ko sa kotse, take care po I love you. Kuya intayin na lang kita sa kotse." paalam ko kina kuya at mama.

"Cge Juleng magpapalit lang ako, pupunta agad ako duon." sabi ni kuya.

"Take care too anak :) aral mabuti , and I love you too :)" sabi naman ni mama.

Pagkasabi naman nilang lahat iyon, kumaripas na ako ng lakad papuntan kotse. Ayaw na ayaw kong makakasama ang papa ko sa isang lugar, kahit may kasama pa kaming iba.

Ilang minuto lan ung lumipas, nakadating na si kuya Fred.

"Juleng, mamaya nga pala may practice kami ng basketball para sa intrams sasabay ka pa bang umuwi o uuna ka na?" sabi sakin ni kuya, varsity kasi sya sa university.

"Uuwi na lang po ako mag-isa mamaya, kaya ko naman." sabi ko naman kay kuya.

"Ikaw bat ayaw mong mag try-out ng volleyball ? Diba love na love mo ung sport na un ?" tanong nya sakin. Gusto ko nga sanang sumali kaya lang, alam nyo na baka mapahiya nanaman ako.

"Ayoko po. Baka mapahiya lang po ako. " sabi ko naman.

"Mapapahiya ?! Are you insane or what ?! eh ikaw nga ang captain ball sa ating magpipinsan at ikaw rin ang spiker ?! Paki explain nga kung pano ka mapapahiya?" pinipilit talaga ako ni kuya. Okay kapag nagkaroon n signs na dapat talaga akong sumali sasali ako magtatry out ako.

"Okay Fine magtatry out ako, BUT if God give me some signs na kailangan ko talagang sumali ng volleyball, deal ?"

"DEAL" sagot ni kuya.

Nandito na kami ngayon sa university. At ung mga kerengkeng ? Ayun nakakalat nanaman -_- . Pagkababa ni kuya, bumaba na rin ako at kumaripas ng takbo papuntang room. Pero may biglang gumulong na bola sa harap ko kaya dali-dali naman akong napatigil. And guess what ? bola ng volleyball ung gumlong sa harapan ko. So it's a first sign, kailangan ko ng tatlo para sure.

"ATE !! PAHAGIS NAMAN PO NUNG BOLA !! THANK YOU !!" sabi nung babaeng player ata ng volleyball. Hinagis ko naman sa kanila ung bola at agad agad pumunta ng room.

Okay. Ang unti pa nila kaya walang mangbubully, umupo naman ako sa upuan ko at umub-ob. Bigla namang may tumamang bolang papel sa ulo ko at tumalbog sa harap ko, kinuha ko iyo at tinignan. Dyaryo pala na may picture ni Allysa Valdez. Soooo. Second sign na. Last sign na lang talaga.

Dumating naman ung teacher namin at pati na rin un iba kong kaklase. Nagtake din kami ng quiz. At na kakuha ako ng 15 over 15. Tarray diba. ? Pagkarecord naman n mga scores namin ay may ina-announce ung adviser namin si Mam Alcantara, pumasok pala sya sa room? Di ko namalayan -_-.

"Okay class, please listen to me carefully. Ang coach ng volleyball team ay humihingi ng ilang players para sa kanyan team dahil marami ang nagback-out, so, this is my question, may gusto bang magtry-out para sa volleyball team mamaya ?" sabi ni Mam Alcantara.

So ito na yung Third and last Sign ? I texted kuya.

To: Kuyang Macho <3

Kuya I got all my signs, mag papalista na ako para sa try-out :) Wish me luck :)

Fr: Kuyang Macho <3

Gustong- gusto talaga ni God na makita ang mga hidden talents mo. I'm happy for you Juleng :)

Lumapit naman ako sa adviser namin at bumulong.

"Mam, gusto ko pong magtry-out, pero please wag nyo na po muna sabihin sa kanila."sabi ko sa kanya. "And mam may I go out ?" Singit ko naman.

Tinanguan naman ako ni mam kaya lumabas na ko. Pumunta ako ng cr, at pumasok sa isang cubicle para magisip.

-------------------------------------------------
A/N: Sana nagugustuhan nyo po yung mga scene. :)

4th Update Done :)

Si Julliane nga po pala ung nasa picture :)



I am NOT AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon