Inisip ko lang kung ano mangyayare kapag nagtry-out ako . Baka mapahiya lang ako. Wag na lang kaya ako sumali ? Kaya lang baka ito na ung time para umpisahan ko ung pagbabago ko ? Baka magkaron na ko ng kaibigan ? Pwede naman siguro itry basta kahit ano mangyare mapahiya man o hinde lagi ko na lang iisipin si God :) lagi naman syang nandito para sa kin :) .
Bumalik naman ako ng room, nakasalubong ko pa si Mam Alcantara.
"Ms Santa Rosa, 4:30 ang start ng try-out, goodluck mamaya :)" sabi sakin ni mam.
"Okay po Mam " nginitian ko naman sya at umalis.
Haayyy sana maging maganda ang araw na to.
3:00 pm na . 1 hour na lang pupunta na ko ng gym para sa try-out. Sana magdismissed na -.- . Hindi naman siguro halata na excited ako ? hihihihi . Hayaan nyo na ko minsan lang to :) .
Okay 5 minutes..
3 minutes..
1 minute..
30 seconds
10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1,"Class dismissed ." YESSSS !!! MAKAKALABAS NA DIN !! SALAMAT SIR CORTEZ !!
"Players pleace proceed to the gym, wearing p.e uniform." Dagdag pa nya. Oh ehm kasama nga pala sa mga coach.
Pumunta na ko sa locker. Nandon kase lahat ng p.e uniforms ng bawat estudyante, minsan kase nagkakaron kami ng p.e class kaya kaylangan lagi namin dala ung p.e uniform.
Pumunta ako ng cr para magpalit, sinuot ko na ang jogging pants at ung t-shirt ko, nagmedyas na din ako at sinuot ung rubber shoes ko.
AYYY TAEEE .. Makikita ako ng ibang estudyante malalaman nila na magtatry-out ako. Psss bayaan na nga makikita din naman nila ako mamaya -.- makapunta na nga lang sa gym. Habang naglalakad tumitingin ung iba sakin, may iba pa ngang ituturo ako tapos tatawa -.- geh push nyo yan -.- .. Nakarating sa gym sa wakas !!!
"Sakura !! Hindi pwede ang lalamya lamya dito!! " sigay nung coach namin. Nakakatakot syaaa ..
"Okay Next !! Santa Rosa ! Position !!!" WHATTT ??!!! AKO NA ??!! Nikakabahan na ako T.T back out na po ako !!! Pero bigla ko naman nakita si kuya at binigyan ako ng thumbs up. Nginitian ko naman sya :) .
BOOOOGGGSSSHHHH !!!
OOUUUCCHHH naalog ata ung utak ko -.- si coach kase bigla biglang naghahagis ng bola -.- At boom yinanig ng tawanan ang buong gym. Okay pahiya at the moment.
"Santa Rosa !! Focus !!! " nagiging dragon na si panot -.-
Hinagisan nya uli ako ng bola, hinabol ko naman ito at boom ganda nung receive ko, ni receive nya din ung bola balik nanaman sakin at boom tira !!
"Santa Rosa !! Jump Spike !!" Sigaw ni coach habang titirahin ung bola.
Okay . Papunta na ung bola, dun sa assistant ni coach tinoss nya naman yun papunta sakin. Tapos, bwelo . Talon . At beng SPIKE !!! At hindi nasalo ni coach !!! Woot woott !!! Oh yeah oh yeahh !!
Pero teka bat antahimik ? Pagkadilat ko ng mata ko, inikot ko agad ung tingin ko . And guess what lahat ng tao sa gym nakanga- nga ? Ahhhmmm. Okay ? Medyo awkward. Miski si kuya halatang gulat pero agad naman syang pumalakpak ung mabagal ba ? Tapos sumunod na ung mga tao sa gym palakpakan with matching hiyawan . Soo ano nangyare ?
"You're good in this sport Ms. Santa Rosa ?" Tanong sakin ni coach.
"Marunong lang po :)" sagot ko naman.
"Ang galing mo. Ngayon lang ako nakakita uli ng ganyang receive at bwelo at spike. It was just Perfect ." Sabi ni coach habang manghang mangha.
"Hindi po. Wala naman pong perpekto sa mundo. " sabay ngiti.
"Ok your in :)" sabi ni coach .
"Po ?! Salamat po !!! " tuwang tuwa naman ako sa sinabi ni coach.
"Nice play Ms. Santa Rosa, okay all of you come to me, at sasabihin ko na lahat ng nakapasok" sabi ni coach kaya agad naman nagsilapitan ung ibang player . Ako pumunta ako kay kuya ..
"KUYAAAA I'm in !! I'm in !!! " masayang masaya kong sabi kay kuya. Sabay yakap.
" I know baby girl. And I'm very very proud, di mo man lang sinabi na ganon ka pala kagaling magvolleyball! " sabay hampas nya sakin.
May mga lumapit naman sakin na ibang nagtry-out at kinonggratulate ako. Kinonggratulate ko din naman sila dahil sinabi naman kasi ni coach na pasok na daw lahat.
Ang saya saya naman.
"Oh kuya diba may basketball practice kayo ?" Tanong ko kay kuya .
"NaPostpone gamit nyo kasi whole coart tapos nagextend pa kayo ng oras kaya bukas na lang daw" Paliwanag naman ni kuya.
Ahhh ok. "At syempre gusto ko magcelebrate para sayo baby girl." Tuwang tuwa na sabi sakin ni kuya .
"Bahay o Fastfood" tanong ko naman.
"Bahay na lang para mas lalong sarapan ni mama ung pagkain"
"Nako kuya ! Approve ako jan !! " basta talaga sa pagkain magkasundong magkasundo kami.
Inayos ko lang ung mga gamit ko sa locker, nakakapanibago dahil ung mga nakakasalubong ko kino-congratulate ako, ung iba naman iniirapan ako. May mga bullies pa rin. Pero nababawasan na. Hayyy.. sana talaga magkaron na ko ng kaibigan.
Pagkagaling ko sa locker pumunta na ko sa parking lot, nandon na kase si kuya.
"Kuya tara na! Nasabihan mo na ba si mama ?" Tanong ko sa kanya
"Ayy ! Ikaw na lang magtext titignan ko pa ung makina nung kotse para kasing may problema" sagot niya naman.
Kinuha ko naman agad ung phone ko.
To: Mama Jess ♥
Ma luto ka masarap may good news kami ni kuya :)
Fr: Mama Jess ♥
Bakit anak? Hindi na ba naihi kuya mo sa pantalon? :) xD
To: Mama Jess ♥
Hahaha.. Hinde po. Pagdating na lang po namin. Anjan po ba si papa ?
Fr: Mama Jess ♥
Nasa Bacolod daw sabi ng assistant nya 1 week daw sya don. Basta bilisan nyo na lang umuwe, ingat kayo :) love you nak :*.
"Juleng ! Tara na ! Gabihin pa tayo !!" Sigaw sakin ni kuya.
" Anjan na po!! " tumakbo naman agad ako sa sasakyan. Buong byahe lang akong nakangiti habang si kuya naman hindi mapakali .
"Kuya bakit ?" Di ko na maiwasang magtanong nakakahawa kasi siya -.-.
"Baka kase andon si papa masira ung celebration natin." Alalang tanong kuya.
"Haha. Wala kuya. Wala daw si papa ng 1 week nasa Bacolod. Business matters yah know ?" May ari kasi si papa ng isang kumpanya, kaya hands- on sya don.
"1 week ?!! Ansaya nooonnn !!!" Back to normal na si kuya .
Haayyyy. Natupad ung wish ko na magkaron ng maganda araw. Hanggang gabe na kaya ung masayang un ?
SANA ..
--------------------------------------------------
A/N: 4th Update doneSeptember 18, 2015
BINABASA MO ANG
I am NOT Alone
RandomSi Julliane May Santa Rosa isang nerd at di kagandahang babae . lagi na lang inaasar at nabubully , walang kaibigan pero laging kapit na kapit at malakas ang loob sa lahat ng darating na pagsubok sa kanya.