"Bes! Tulungan mokong manligaw " Awts </3 automatic na nadurog ang puso ko dahil sa sinabi nya.
Ako si Alice Mendoza. Bestfriend ni Michael Alvarez close kami nyan yung tipong walang awkwardness pero syempre nung lumaki kailangan ng space para sa isa't isa.
" Sino ba? " Tanong ko. Sa tinagal tagal naming naging mag Bestfriend walang kaming tinatago sa isa't isa except sa feelings ko.
" Si Shaira yung kaklase mo. " Awtss bat siya pa? Don't get me wrong hindi ako tomboy or anything.
Actually ka-close ko si Shaira at isa sya sa mga naging bestfriend kong girl kaya I can't hate her kasi alam ko rin sa sarili kong bagay sila ni Michael.
Maganda ako sa totoo lang , pero kahit anong ganda ko hindi tumatalab sa MANHID kong bestfriend kaya yun hanggang tinggin nalang ang drama ko.
"Ahh , bagay kayo HAHA! " Dyan ko lang naman natatago eh. Sa pagiging masaya, nakakapagod din minsan ngumiti no? Kahit alam mong di ka masaya.
"Tulungan mo ko ah." Nakangiting sabi nya.
" Syempre naman no! Kaya nga bestfriend tayo eh! " Oo bestfriend at hanggang duon nalang yun.
-------------
Lumipas ang dalawang buwan. Tinutulungan ko parin si Michael manligaw. Sorry for this pero sana bustedin sya HAHA! sama ko!Anong magagawa ko?Naiingit ako eh, kung sabihin ko kaya sakanya? Ako kaya yung liligawan nya? Mababasted kaya ako?
*iling iling*
Hindi ko sasabihin, ayokong masira friendship namin. Mas mabuti ng maging isang dakilang Bestfriend kesa maging strangers ang drama namin.
Pumunta akong stage kasi may flag ceremony ngayong Monday. Nang matapos na kaming mag flag ceremony nagulat ako ng umakyat si Michael sa stage,
Anong gagawin nya? Bat may hawak syang flowers?
" Shaira Romero I LOVE YOU! Will you be my GIRLFRIEND? "
Dun na tumulo ang luha ko. Sinabi ko pa naman na sasanayin ko na ang sarili kong masaktan. Sinabi ko pa naman na hindi nako aasa Shit lang! Ang sakit pala! Kung alam niya lang sana kung gaano ko sya kamahal, mapapansin nya kaya ako?
Hindi nako pumasok sa ibang subjects. Oo naapektuhan talaga ako dun, masyado akong nasaktan. Uwian narin naman eh kaya ok na..
" Bes! Hindi mo man lang ba ako icocongratulate? "
Kilala nyo na yan.
" Ah oo nga pala, congrats bes! " Sabi ko with a half smile.
"Ok ka lang bes? Parang malungkot ka?" Sabi na eh , he can't just be my bestfriend without truly knowing me.
"Ah eto wala to" kung alam mo lang.
"Anong wala? Umiiyak ka na nga? " Buset na luha ngayon pa ng traydor.
" Wala Nga Sabi! " medyo napasigaw nako dyan.
" ANONG WALA?! UMIIYAK KA PERO WALANG PROBLEMA?! GINAGAGO MO BA AKO?! " shit!
" PROBLEMA KO?! IKAW!! ANG MANHID MO KASI! HINDI MO MAN LANG AKO NAPAPANSIN SAMANTALANG AKO PARATING NASA TABI MO! ALAM MO BANG MAHAL NA MAHAL KITA!? HINDI NAMAN DIba kasi di mo naman ako napapansin *sobs* kahit yung maliliit na bagay na ginagawa ko sayo wala lang *sobs* kasi parati nalang akong *sobs* Bestfriendzoned sayo"
" I-Im sorry" sabi nya tsaka tumakbo paalis.
S-sorry? Para saan?
Nung sumunod na araw hindi na nya ko pinapansin.
Now alam ko na kung para saan ang sorry na yun.
Sorry because he can't return my feelings back, Sorry because he broke my heart.
Tumulo ang luha ko.
Shit! Ang sakit!
Promise! Ito na ang huling beses na iiyak ako.
I'll move on.
