Not now

78 5 3
                                        


-x-

Whoo! Nakakapagod mag training sa badminton! Hindi ko akalaing ganun yun kahirap -.- ang alam ko kasi puro palo lang. Freshmen ako ngayon kaya sinisigurado kong active ako sa lahat ng activities sa school.

Gabi na ako nakauwi. Nagalit si Mommy at Daddy kaya nagaway pa kami dahil pinipigilan nila akong sumali sa Badminton.

But still, nagwagi sila. Napagdesisyonan namin na wag na akong sumali dahil bukod sa ginagabi ako ay baka lumala ang hika ko.

Kumakain na ako ng hapunan ng may nag message sakin sa messenger.

Charles: Hi.

Kilala ko to, crush ko siya nung grade 5. So kinilig naman ako at nag reply agad wahahahaha.

Rizza: Hello.

(A/N: Sa chat po macocontinue yung story.)

Charles: Huhuluan ko lovelife mo ngayong taon..Bigyan mo ko number from 1-8

Rizza: Ha? Manghuhula ka na pala ngayon? Pero sige sige number 8 na lang.

Charles: Hmmm.

Rizza: Hala anyare?

Charles: Swerte magiging lovelife mo ngayong taon basta magiging tayo :3 <3

Rizza: HAHAHAHA. corny mo.

Charles: Edi corny xD. Totoo naman eh.

Rizza: Oo nalang.

Charles: Tunay na pag-ibig? Yun yung hindi mo alam kung bakit mo siya nagustuhan , pero minahal mo siya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Rizza: Bakit humuhugot ka?

Charles: Malay.

Rizza: May pinagdadaanan ka ba?

Charles: Meron Lumipat ka kasi ng school.

Rizza: Hahaha. Ganon? Lipat ka rin.

Charles: Layo kasi eh, bat kaba lumipat? Masaya naman dito ah.

Rizza: Mas advance kasi dito. Lilipat ka ba? xD Pag lumipat ka hanapin mo ko sa library andun ako palagi.

Charles: Sige try ko basta para sayo.

Rizza: Anong para sa akin?

Charles: Wala po.

Rizza: Bakit pi-no-po mo ko?

Charles: Wala lang. HAHAHAHA.

Rizza: kulit mo. Haaayst. Pagod nako gusto ko ng matulog.

Charles: Bakit pagod ka? Wag kang magpapapagod. Ayokong mapagod ka.

Rizza: Hahaha. Nag tryouts po kasi ako ng badminton. Eh ang daming pinagawa samin. Sakit tuloy ng katawan ko :(

Charles: Hala. Hindi ba pwedeng itigil yan?

Rizza: Actually titigil nako. Ayaw narin naman nila Mommy eh.

Charles: Buti naman po kung ganun. Baka matuyuan ka pa ng pawis sa likod mo magpahinga ka na.

Rizza: Sige po. Kakain narin ako.

Charles: Sige sige off muna ako.

Rizza:👍

Nag-off na ako pagkatapos nun. Kumain narin ako ng hapunan.Binuksan ko naman ulit ang phone ko at tiningnan kung nag message ka. Shete kinikilig kasi ako. Crush ko na kasi si Charles mula grade 4.

*flashback.

-.- Ang gulo ng mga tao dito. Nagtuturo si Sister Nina ngayon. Nagtuturo siya about God's words kaso may mga taong hindi nakikinig. At isa na dun ang crush ko-si Charles.

"TUMAHIMIK NGA KAYO!" ayan sumabog na si Jam-bestfriend ko. Kanina pa yan nagtitimpi eh. Kahit andiyan yung crush niyang si Gian hindi parin talaga napigilan ang pagiging Amazona.

Whooo! Buti tumahimik.

"Sister,patuloy niyo lang po. Kami nalang makikinig." Sabat ko naman.

"A-Ahm. Ililipat ko nalang yung mga maiingay na boys." Hinayaan ko nalang si Maam.Pinagpatuloy ko muna ang pagaaral para sa quiz sa Math mamaya.

"-And ikaw palit kayo."

Nagulat naman ako ng umalis si Jam. Saan pupunta to?

"Saan ka pupunta?"Sinenyasan naman niya ako na magpapalit daw ng upuan.Pero nagulat ako ng tumabi sakin si Charles.

"Hi."

"AYIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE'

OMG! Lamunin mo nako lupa. Siguradong sobrang pula ko na ngayon huhuhuhu. Tiningnan ko naman si Jam katabi niya din pala si Gian.

"AYIEEEEEEEEEEEEEEEEEEE POREBER NA DIS!" patuloy na pang aasar ng mga kaklase ko.

"Yaaaah! Shut up!"

Umalis ako dun. Nagwalk out ako. Sinundan naman ako ni Jam.

"Jam.... KYAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
sigaw ko. Napatili na din si Jam, imposibleng hindi kinilig yan no.

*end of flashback.

Oh diba ang landi namin ng bestfriend ko WAHAHAHAHA.

Nagaral na muna ako.Duuuh! Hindi natin alam kung kelan magkakaquiz no.

"Ay shet!"

Tumunog yung messenger ko. Jeez! Nakakagulat -.- )

Charles: Uy.... Mahal kita.

.......
Limang minuto na ata akong tulala. Anong irereply ko? Masakit ma reject uy! Ayoko siyang saktan kaso ayoko naman siyang paasahin. Bawal pa akong mag boyfriend. :(

Rizza: Hala! Kung totoo yan sorry kasi pagaaral pa ang priorities ko sa ngayon.....

Charles: Alam ko naman yun. Gusto ko lang malaman mo.

Rizza: Im really sorry. :(

Charles: Wala ba akong pag-asa?

Shemay naman eh :( Masakit oy. Anong isasagot ko? 'Wala.' Eh crush ko yung tao! 'Sige' Eh paano studies ko? Shet naman oh :(

Naiiyak nako. Ayoko siyang saktan :(
Kaso kailangan kong unahin ang pagaaral ko. Sigurado naman akong hindi ako papayagan ni Mhie at Dhie eh :(






Rizza: Im sorry Charles.. Not now.
                                     ✅:Seen 5:04 PM

One-Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon