Report

59 6 0
                                    

Clint's POV

Nasa classroom ako ngayon as usual nakatingin sakanya, eto naman palagi routine ko eh.

Ang ganda nya Sana akin nalang sya. Nakakabakla man pero yun ung nararamdaman ko eh.

"Clint" tawag nya sakin. Boses palang natutulala nako mga pre! Pano pa kaya pag kami na!...

"B-Bakit?" kinakabahan ako! Nakakabakla man amin pero kinakabahan talaga ako..!

"Yung sa report natin pag usapan natin bukas kasi baka maging busy na ko next week, wala ng time."

"Sige" gusto ko man makipag usap kaso umalis na sya nagmamadali ata.

Pupunta muna akong library para magbasa.

Kristel's POV

Pumunta muna akong library imemeet ko si Jared. Kaklase ko sa ibang subject at siya din yung partner ko para sa gagawin naming report. Andami naming report -_- buhay estudyante.

"Jared pano ba yung part nato di ko masyadong gets eh" tanong ko sakanya kasi kasali to sa report namin.

"Ah eto ba ganto lang yan" tinuro na nya sakin yung part na di ko gets pero habang ginagawa nya feeling ko may nakatingin sakin.. Tiningnan ko yung paligid pero wala naman.. Hmm creepy.

Andaming reports nagkasabay-sabay! Aaralin ko muna ..

Clint's POV

Deymm! Nakakainis na ung Jared na yon ah! Ang lapit ng muka nya kay Kristel! Kainis!

Lahat na yata ng mura nasabi ko sa isip ko dahil lang sa kanya!

Bukas na kami mag uusap ni Kristel ayoko pa sya makita nagseselos pa KO...

*next day*

Nasa school na ko halos hindi ako natulog kagabi kakaisip sakanya. Pumunta nako sa library kasi sabi ko sakanya dun nalang magkita para tahimik din..

Dumating din sya pagkatapos ng ilang minuto.

"Hala! Nagintay ka ba ng matagal!?" Tarantang sabi nya. Umiling nalang ako.

Pinagusapan namin ung irereport halos planado na lahat. Kailangan nalang aralin.

"Ayos ka lang ba?" Naninibago ata sya sakin antahimik ko kasi eh. Tumungo nalang ako bilang sagot.

"Basta kung may problema ka sabihin mo lang sakin ah" sabi nya ng nakangiti sabay alis.

Problema ko ikaw! Ang manhid mo! Sobra! Sarap ihampas sayo ang salitang 'mahal kita'

Pshh Bwisit!

Kristel's POV

Reporting na namin ngayon medyo nalate pa ko pero alam ko na mang kaya namin to eh!

Sinimulan na namin ang reporting pansin kong kinakabahan si Clint.

Nung mga nakaraang araw ang sungit nya sakin parating snob kaiyak! Di ako sanay pag ganyan sya. Kakausapin ko nga sya pagkatapos ng reporting.

Natapos na namin ang reporting, pero nagulat ako nung bigla pang nagsalita si Clint, nakangisi ito.

"May tanong pa ba?" Sabi nya habang tinatanggal yung mga Manila Paper. Andami nagtaas ng kamay! So hindi nila naintindihan yung nireport namin?

"Ano pong tanong nyo ate?" Sabi ko dun sa babaeng nag taas ng kamay

"Papayagan nyo po ba kung manliligaw sya sayo?" Tanong nung babae habang tinuturo si Clint?!!!

Nagulat ako sa tinanong nya at hinarap si Clint.

Ma's lalo akong naloka nung nakita kong may flowers syang hawak at naka sulat sa board naming ang 'Kahit manhid ka, mahal kita'

" Yes Ms.Kristel ano sagot sa tanong ng kaklase mo?" Nakangiting sabi ni Ma'am.

"Ah ma'am uhmm"

"Ibabagsak ko ba kayo?" Sabi ni ma'am

" Hala hindi po!" Taranta kong sabi. Hinarap ko si Clint.

"Mahal mo ba talaga ako?" Diretso kong sabi habang kinikilig este namumula.

" Gusto mo ihampas ko tong board sayo para lang mapatunayan kong tong feeling ko? " sungit nyang sabi. Natawa nalang ako sa inasal nya

"Ma'am alam ko na sagot!" Sabi ko.

"And what is it?" Kinikilig na sabi este sabi ng teacher namin.

"Opo"

'Yyyyyyyiiiiiiieeeeeeeee' dun ko na narinig ang sari saring asaran para samin ni Clint.






One-Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon