Cool Off

148 10 9
                                    

June 15 non, pasukan na 3rd year high school na ako. Kinakabahan ako kasi baka hindi ko na kaklase mga kaibigan ko, muntik na nga akong maihi sa palda ko dahil sa kaba, pero fortunately naging kaklase ko naman sila.May mga bago din akong mga kaklase non at kasama ka na doon. Ang joker mo nga at arogante eh.


Nagbabasa ako non sa library pampalipas oras, nang dumating ka. Nagtanong ka kung saan ang canteen kasi bago ka pa lang dito. Tinuro ko naman sayo kaso naturingan ngang mapangasar ka kaya tinapakan mo yung medyas ko at nadumihan yon. Doon na nagsimula ang lahat.


Parating tayong nagaaway ni oras ng klase nagaaway tayo na kahit may teacher wala tayong pake makapagasaran lang ,wala tayong pinapalampas ni isang segundo na walang away at asaran. Para tayong aso at pusa noon. Mga kaklase nga natin sinasabihan tayong "sweet" nagtaka naman daw ako doon kasi nagaaway na nga tayo naturingan pang sweet.


Kaso nung minsan na nagabsent ka, napansin ko ang tamlay ng mga sandaling yon para wala akong gana nagtatanong na nga mga kaibigan ko kung anong problema eh kaso sinabi ko na wala lang yon, na sumasakit lang tiyan ko. Ni hindi nga ako ngumiti nung mga araw na yon eh.


Tapos pumasok ka na ulit, eto naman ako ngiti ng ngiti mukang asong ulol.Ni hindi ko alam bat ako masaya.Pero syempre pumasok ka na, away nanaman syempre! balik dating gawi.Pero ngayon parang may nagiba. Mali may iba talaga sakin.


'Bakit may kuryente, wala namang ground dito ah' tinatanong ko sarili ko nyan tuwing magkakadikit tayo.

'Anong meron sa tiyan ko, gutom ba ko?' tinatanong ko sarili ko nyan tuwing minsan nagkakasundo tayo sa isang bagay o kaya pag ngumingiti ka.

'Bakit ang tamlay ko pag wala siya? Diba dapat masaya ako kasi walang manggugulo sakin' tinatanong ko sarili ko nyan pag absent ka.


Pero syempre di naman ako tanga para hindi malaman ang sagot sa mga yan.

Alam ko naman na nahuhulog na ko sayo.


Isa lang naisip ko nung panahon na yon ang 'Umiwas' dahil ayoko masaktan


Nagabsent ako ng isang araw para pakalmahin ang sarili ko.


Nung pumasok ako, iniwasan kita. Pag mangaasar ka hindi ko pinapansin o kaya naman aalis nalang ako at pupunta sa ibang lugar. Ganyan ang routine ko ng dalawang linggo, ang Umiwas. Napansin ko nga ang tamlay mo at malungkot. Ang sakit sa dibdib non di ko manlang matanong sayo kung bakit.


Pero siguro nagtaka ka na rin kaya tinanong mo nako.

'Bakit mo ako iniiwasan' napatigil ako non hindi ko alam ang isasagot sayo, alam mo namang kasing sabihin ko na 'Ah mahal kasi kita' hindi naman pwede yun no.


'Wag moko iwasan please, Mahal kita,' napatigil ako dyan hindi ko alam kung kikiligin ako o ano eh.


'Mahal din kita.'


Pagkatapos non naging tayo. Oo wala ng ligawan kasi mahal naman kita. Katulad ng ibang relasyon may ups and downs din tayo. Pero kahit ganon masaya pa rin tayo.May forever ka pa ngang nalalaman eh.


Kaso nagiba ka, napabarkada ka na at nakakalimutan mo na yung mga monthsary natin pati nga first anniversary nakalimutan mo eh. Parati na tayong nagaaway.


Yung tipong mas lamang na ang pagaaway natin kesa sa masaya dapat tayo. Pagsinasabi ko naman sayo kung anong problema sinasabi mo ang drama ko.

Dumating pa ito sa point na ako nalang nageeffort sa relasyon natin.


'Cool Off muna tayo' seryoso mong sabi sakin. Natakot ako nun na baka tuluyan ka ng mawala sakin na tuluyan nang maghiwalay ang landas natin.


'Ayoko' sinigaw ko yan sayo habang umiiyak.Pero dedma ako ni pagiyak ko di ka naapektuhan.


'Kaylangan nating mag grow-up, parati nalang tayong nagaaway. Ayoko na makulong ka sa relasyon na puno ng away. Pag nagmature na tayo dun tayo magbalikan' sabi mo


Pumayag na ako kasi sabi mo babalikan mo ko. At tingin ko kaylangan ko ding magmature. Para na din sa future natin.


Dalawang buwan simula nung nagcool-off tayo.Ginawa ko ang lahat para bumalik ka sakin.




Pero putanginang cool off yan!


Akala ko ba cool off lang? bat may kasama kang ibang babae?


Akala ko ba babalikan mo ko pag mature ka na? Yan ba ang mature!


Akala ko ba gagawa tayo ng forever!

Bakit nangiwan ka sa ere.


Ang sakit!


Ang sakit sa pakiramdam na maiwan ka kasi umasa ako na pag ok na yung timing magkakabalikan na tayo, na forever na tayo!


Pero sh*t kung sasaktan mo lang ako at lolokohin wala akong planong magpakatanga sayo!


Thanks sa maturity, magagamit ko ito sa pag move-on sayo.


++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++








One-Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon