Last 2 days? So hurry and click that VOTE button in the right of the screen! --->>>
I'll be waiting for your 3 votes!
SULLI'S POV
Nakatulala na naman si Allen. Simula ng bumalik sya, ganyan na sya. Kung hindi naman e may kausap sa telepono o kaya nagkukulong sa kwarto.
Mas lalo tuloy akong naccurious kung sino ba talaga sya.
Leader ng sindikato?
Mayamang tagapagmana?
Terrorista?
Spy ng gobyerno?
O baka...MEDIA?!
Nah! He is just Allen. My land lord. My freak dumb@ss housemate.
Tapos ko ng gawin ang mga early morning chores ko sa pamamahay ng lalaking ito, kaya nakihiga na rin ako sa sofa. Pagod na kaya ako. Pretty ladies deserve to relax! Yemen! Omen!
I plugged the headset to my ears and boost the volume up.
"Hm.hmm.hmmm..." I'm humming. Singer kaya ako kaya wala syang mairereklamo sa pag-hum ko.
"Hm.hm.lala..lalaLAaaa...DUH?! What's your problem?!" hinila kasi nya 'yung headset ko at sinalpak sa tenga nya 'yung isa.
"Pa-share" bored nyang sabi. Kokontra pa sana ako kaso umupo na sya sa sahig habang ako nakahiga sa sofa. Naamoy ko tuloy ang mabango nyang buhok. Nah! JOKE! Baho kaya ng buhok nya amoy imburnal! >;D
Nakakailang songs pa lang ang napplay, bumagsak na ang ulo nya patalikod which means papunta saakin! "Oi!" Naiirita kong sigaw.
No reaction lang sya. Sinilip ko ang mukha nya, pepektusan ko sana, kaso naawa ako...tulog na pala sya.
Problemado nga siguro ang taong ito. Kasi kung 'normal' sya, impossibleng makatulog sya ng ganito, sabi nga nya di ba "Hindi ako mahilig matulog".
Hininaan ko 'yung sounds at pinlay na lang ay classic music para mas sumarap ang tulog nya. Kaso pati tuloy ako inantok. Kaya natulog na lang din ako.
---------
Paggising ko wala na sya sa sahig or sa sala.
Nakita ko sa relo, 1PM na. Kaya pala gutom na ako. Nauna na siguro 'yun kumain? Pero pagkita ko sa kaldero, wala pang bawas ang niluto ko.
Nag-hhunger strike ba sya?!
Kumatok ako sa kwarto nya kasi baka andun sya. Walang sumasagot e, kaya inopen ko 'yung pinto.
Ang kalat ng kwarto nya! Andaming folders at papers na nakakalat! Pati laptop pinabayaan ng naka-on! Aksayado sa kuryente!
Ang ipinagtataka ko...pano nagkasya ang napakadaming gamit na ito sa isang bagpack? 'Yun lang kasi ang dala nyang gamit nung pumunta sya dito e. At kung iisipin, pati 'yung mga damit nya...na everyday ay iba, kasi hindi sya naguulit ng damit, e san galing? Magical ba 'yung bag nya, parang bulsa ni Doraemon?
Haha.
Aayusin ko na lang 'tong kwarto nya, kesa mabaliw ako kaiisip sa magical bag nya.
Nagsimula na akong magpulot ng papel...ng para syang multo na nagteleport sa unahan ko at kinuha ang mga papel na nasa kamay ko.
Gulp. Ang sama na naman nyang makatingin.
Tumayo sya hila ang kamay ko kaya napatayo na din ako. Hinila nya ako palabas ng kwarto.
"Sinong may sabi sa'yo na pwede kang pumasok sa kwarto ko at galawin ang mga gamit ko? Don't you know proper manners? And the word privacy?!"
Aray. Sakit nun. Tinutulungan ko lang naman sya maglinis. Kasi kita kong mukha syang pagod. "S-sorry. *huk* Hi-hinahanap kasi kita kasi di ka pa kumakain, kaya napadpad ako sa kwarto mo. M-makalat kasi *huk* aayusin ko lang sana.. P-promise di ko naman binasa 'y..."
BINABASA MO ANG
Diary of My Girl (COMPLETED)
RomanceI can see, but I shouldn't be seen. I can speak, but I shouldn't be heard. I can touch, but I shouldn't be felt. I am invisible to the world. I should be...or I'll just make them cry in the end. I only have one wish before the day dawns on me...