Babagal na akong mag-update. Baka sakaling makahatak ng magcocomment at para naman masabik kayo sa susunod na mangyayari!
I'll wait for 10 votes? And 5 comments?
NARRATOR'S POV
Sa pagmulat ng mga mata ng ating pangunahing bida, ay nagsimula ang panibagong sya.
Walang imik syang kumilos na parang walang anumang nararamdaman na sakit dahil sa mga sugat nya, at tila robot ma walang emosyon na maaaninag sa kanyang mukha.
Pero sa kanyang mga mata...naroon ang katotohanan...
at ang bagong sya.
Puti ang tanging kulay na makikita sa paligid, maliban sa isang munting banga na kulay itim.
Ngayon ang seremonya ng paglalagak ng abo ni Gavin Park sa espesyal na shrine na kung saan rin nakalagak ang abo ng kanyang mga magulang.
Ang lahat ay nagluluksa sa pagkawala ng isang mabuting tao...mapaglakatiwalaang tauhan...tunay na kaibigan...
Isang malagutok na tapik ng sapatos sa granite floor ng musoleyo ang nagpalingon sa lahat ng naroon.
Ang lalaking parating ay may bitbit na katana (samurai sword).
Nakasuot sya ng itim na leather jacket, itim na pantalon at itim na sapatos, ngunit walang makapapantay sa itim-na-itim nyang mga mata. Nagsasaad iyon ng...
kamatayan.
"Allen!"
"Master Allen?"
"Boss?!"
"CEO?!"
ang gulat,takot,pangamba,pag-alala ay naghalo sa puso ng bawat isang naroroon.
Nagsilayuan ang mga mahihina ang loob at nagbigay daan para kay Allen Song.
Lumapit si Leo para pigilan ang kapatid nya sa kung anomang balak nyang gawin, pero para lang syang hangin na nilagpasan ng kanyang kapatid. Sya mismo ay hindi makapaniwala sa nakikitang pagbabago sa kanyang little brother.
Nakarating si Allen sa harapan ng earn ng kanyang matalik na kaibigan, blanko pa rin ang kanyang mukha. Walang anu-ano ay hinigit nya ang kanyang espada mula sa lalagyan nito at hiniwa ang sarili nyang kamay.
Pinatakan nya ng sarili nyang dugo ang abo ng kanyang matalik na kaibigan. "I will pay your death with my life. I will make my life miserable until death comes to me. And when we meet again, I'll serve and die for you, like what you did for me, Gavin." bulong nya na tanging sila lang ng abo ang nakaririnig.
Sabay nyang matapos magsalita ay ang pagharap nya sa mga tao na naroon.
"Hindi kailangan ni Gavin ang mababaw at putik nyong luha. So stop acting as if you care about his departure." walang emosyon nyang sabi na nagpatindig ng balahibo ng mga taong nakarinig niyon maliban kay...
*clap*clap*clap*
"Look at you, Allen. Telling those words, when you're the one who caused the death of your so-called best friend."
Isang bagong character na babae ang sumulpot at animo'y modelong rumarampa na lumapit kay Allen.
Itinutok ni Allen ang katana na hawak nya sa leeg ng babae, pero hindi ito nasindak. Sa halip, ay tumawa sya habang hinahawi ang matalas na blade ng espada, para mas lalong makalapit sa lalaking kinasusuklaman nya.
"Already in hell? How about I help you upgrade your hell-like life?"
(a/n: Kang Min Kyung as this bitch picture on the right--->>)
BINABASA MO ANG
Diary of My Girl (COMPLETED)
RomansaI can see, but I shouldn't be seen. I can speak, but I shouldn't be heard. I can touch, but I shouldn't be felt. I am invisible to the world. I should be...or I'll just make them cry in the end. I only have one wish before the day dawns on me...