ix

1.9K 32 22
                                    

If you found this religiously offensive, well, I mean no offense. It's part of the story, be open minded please.

So, yeah, my hands are free kaya nakapag update. I appreciate all those who patiently wait. INakaka-touch kasi kahit hiatus ako e ang dami pa ring bumabasa. thanks guize. Undefined pa yung next update.

Be safe, ingat sa baha.

ix

 

Ang ganda mo talaga dun, ate” tinuro ko yung bagong poster ni ate. Lagi akong dumadaan dito, at araw araw hindi ako nagsasawang tignan ang mukha ni ate na nasa poster.

Kasisimula pa lang niyang maging endorser ng isang sikat na brand ng damit pero nasa mga poster na agad ang mukha niya. Bilib na bilib talaga ako sa kanya.

“Edited lang yan.” biro ni ate, alam ko naming hindi na kailangan iedit pa ng mukha niya sa litrato dahil sobrang ganda niya na. “Tara na nga.”

Sinamahan ko siyang mag shopping ngayong araw. Kailangan daw naming mag bonding paminsan minsan.

Sa mga make up kami pumunta. Dito palaging unang pumupunta si ate, kailangan niya kasing alagaan ang mukha niya.

Nagulat ako nang alisin niya ang salamin ko.

“Ate?”

Nginitian niya lang ako.

 Hinila niya ako sa isang gilid ng mga tester ng make up. Kung anu-anong pang kulay ang nilagay niya sa mukha ko. Hindi ko alam kung pinagkakatuwaan ba ni ate ang mukha ko o sinusubukan lang niya muna sa mukha ko yung make up na gusto niyang bilhin.

Hinayaan ko na lang siya.

Nang matapos na siya sa kung ano mang ginagawa niya, pinaharap niya ako sa salamin.

Halos hindi ko nakilala kung sino yung babaeng nasa harapan ko. Kung hindi ko pa siya hahawakan hindi ko pa malalaman na salamin lang pala iyon at sarili ko ang tinitignan ko.

Pakiramdam ko nagmukha akong tao sa unang pagkakataon.

 “See. Subukan mo lang mag-ayos lalabas yang beauty mo.” Ngumiti siya. “Kung maganda ako, ibig sabihin maganda ka rin. Kapatid kaya kita.”

I'm Not my SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon