vi

2.5K 43 26
                                    

vi

 

 

[FLASHBACK]

 

Wala si ate sa bahay may photoshoot kasi siya ngayon, model siya ng clothing company.

 

 

Kaya naman mainit nanaman ang ulo ni mama sa akin, kaming dalawa lang kasi ang tao sa bahay.Nagkulong na lang ako sa kwarto para iwasan na lang na makita niya ako, lagging sumasama ang loob niya kapag nakikita ako.

 

 

*Bog Bog Bog*

 

 

Kumakalabog sa pintuan ko, binuksan ko yun kahit na alam na alam ko na kung anong aabutin ko oras na buksan ko ‘yon.

 

 

Sabunot agad ang sumalubong sa akin pagkabukas ko ng pintuan. Well, mas matino na ‘to kesa sa dati na mainit na plantsa ang sumalubong sa braso ko. Hanggang ngayon nga medyo masakit pa rin yung braso kong yon.

 

 

“Nagkukulong ka nanaman dyang bata ka. Wala ka talagang silbi, ni maglinis ng bahay hindi mo magawa.”

 

 

Araw-araw akong naglilinis ng bahay, ang totoo nga niyan katatapos ko lang maglaba at maghugas ng plato. Hindi ko na lang sinabi, baka mas lalo pa siyang magalit.

 

 

Kinaladkad niya ako sa buhok palabas ng kwarto.

 

 

“Aray. Mama, tama na po. Masakit po.” pagmamaka-awa ko habang umiiyak, hindi ko na mapigilan yung mga luha ko sa mata. Pati ako nagugulat sa sarili ko kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako nauubusan ng luha, sa araw-araw ba naman akong umiiyak.

 

 

Binitawan naman ako ni mama, pero sinampal niya ako ng malakas sa pisngi.

 

 

Hindi ako nagpatinag. “Mama, kumain na po ba kayo? Pinagluto ko na kayo ng tanghalian. Sandali lang ipapaghain ko na kayo.”

 

 

Tumayo ako para pumunta ng kusina kaya lang hinila ako ni mama at sinampal ulit sa mukha.

 

 

Hindi ako kakain ng niluto mo. Pano kung nilagyan mo yan ng lason? Saka wag mo kong matawag tawag na mama. Hindi kita anak! Wala akong anak na kasing panget at walang silbing tulad mo!” buhok ko nanaman ang pinagdiskitahan niya, sinabunutan niya ako. Ilang sampal at kurot rin ang inabot ko.

I'm Not my SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon