x

2.5K 60 28
                                    

x

            Nang makarinig ako ng yabag ng paa at kalansing ng susi, alam kong paparating na siya. Tumayo ako sa kinauu-upuan ko sa harap ng pintuan niya. Pinilit kong sinusuklay gamit ang kamay ko ang buhok kong gulo-gulo. Nag-practice rin akong ngumiti-ngiti para mukhang natural.

            Pero kahit na anong gawin ko hindi pa rin ako mukhang presentable.

 “What are you doing here?”

Amoy alak at sigarilyo pa siya. Siguro kagagaling niya lang sa bar.

Nginitian ko siya.

Be natural… be natural…

Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko.

“Hi!” I greeted him na para bang wala akong mga pasa at sugat sa mukha.

Sinamaan niya ako nang tingin. He assessed me from head to toe. Alam kong yung mga pasa at sugat sa katawan at mukha ko ang tinitignan niya. Nalipat naman niya ang tingin niya sa maleta na dala dala ko.

“Four am na huh. Bat ngayon ka lang umuwi? Tatawanan kita pag na-late ka sa school mamaya.” pag-oopen ko ng usapan. Sinubukan kong maging magaang ang usapan sa pagitan namin.

Nilagpasan niya ako, sinimulan niyang buksan ang bahay niya. “Ganitong oras ako laging umuuwi.”

Tinapunan niya ulit ako ng tingin. Nakatitig lang siya ng masama sa akin.

Nagbaba ako ng tingin, naiilang kasi ako. Sanay na ako sa mga patagalan ng titigan namin pero hindi ngayon na ganito ang ayos ko. Pakiramdam ko kinaki-awaan niya ako.

“Pasok.” Utos niya kaya nabalik ang tingin ko sa kanya.

“Pasok.” Inulit niya.

“Ah. Wait.” Madali kong binuhat yung maleta at malaking bag na dala ko. Halos matumba pa nga ako dahil nanghihina na talaga ako. Physically and emotionally. Hindi ko alam kung papano ko nadala yan simula sa bahay hanggang dito.

“Tsk. Pumasok ka na nga lang.” inagaw niya lahat ng dala-dala ko at siya na nagbuhat ng mga maleta, aagawin ko sana pabalik kaya lang ayaw ko nang makipag talo pa sa kanya. Kung patigasan lang ng ulo, alam kong hindi ako mananalo sa kanya. Saka, wala na rin akong lakas makipagtalo.

Tinulak niya ako ng marahan papasok.

Pagkalapag ng mga bag ko sa sala iniwanan niya ako at pumasok siya sa kwarto niya. Siguro napagod masyado sa trabaho. Saka kailangan pa niyang bumangon ng maaga mamaya para pumasok sa school. Siya pa naman si Sir Bawal-Ma-late at Sir Laging-Maaga.

“Goodnight!” pahabol na sabi ko sa kanya kahit na hindi ko sigurado kung narinig niya.

Pano na yan? Mukhang sa sala ako matutulog nito. Isa lang naman kasi yung kwarto dito sa condo niya. Hindi man lang niya ako binigyan man lang ng kumot o unan.

Wala naman na akong magagawa. Ako na nga lang ‘tong makikituloy, pasalamat pa nga ako at hindi niya ko tinadtad ng mga tanong kanina. Masyado pa naman siyang matanong, teacher eh! Hindi ko rin alam kung kaya kong sabihin lahat sa kanya. Masyado pang masakit lahat ng pangyayari.

Humiga na ako sa sopa. Malaki naman yung sopa niya kasya nga dalawang tao. Okay na rin dito kesa sa kalsada. Pinikit ko ang mga mata ko.

Ngayong nakahiga ako saka ko lang nararamdama ang sakit ng katawan ko. Ang sakit ng likod ko, naka-ilang tadyak kasi si Mama sa akin. Pati mga braso ko hindi ko masyadong maigalaw. Yung mukha ko pakiramdam ko kumakapal na dahil sa pamamaga.

Narinig kong may pintong bumukas. Hinayaan ko na lang, sobrang pagod na ako. Hindi ko na rin kayang idilat ang mga mata ko.

Naramdaman kong may mainit na bimpong dumampi sa mukha ko. Sinubukan kong dumilat kahit na hirap na hirap akong idilat ang mga mata ko.

Pagdilat ko nakaluhod na si Kyler sa tabi ng sofa.

“Akala ko natutulog ka na?” tanong ko.

Hindi niya ko sinagot. Tumingin muna siya ng deretso sa mata ko bago ipagpatuloy niya lang ang pagpupunas na ginawa niya sa mukha ko.

“Galing ka ba sa bar kanina?” tanong ko.

“Oo.”

“Naka-inom ka.”

“Oo.”

“Puro oo na lang bang isasagot mo sakin?”

“Hindi.”

“Galit ka?”

Kanina pa kasi nakakunot ang noo niya, kaya alam kong galit siya.

“Oo.”

“Sa akin?”

Sinamaan niya muna ako ng tingin. “Oo.”

“Bakit naka simangot ka nanaman? Kung makasimangot ka naman dyan, akala mo ikaw ‘tong nasaktan.”

Hindi niya ako sinagot, tinaasan niya lang ako ng kilay.

“I’m sorry…”bigla kong sinabi. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. “Sorry, kasi….kasi wala na talaga akong malapitan. Wala naman akong kaibigan, hindi ko alam kung san pupunta kanina. Ikaw lang kasi yung unang pumasok sa isip ko…Pasensya na, naka abala pa ako. Lagi na lang akong pabigat sayo.”

Binaba niya yung bimpo at hinawakan ako sa pisngi.

Pumikit siya at huminga ng malalim, pag dilat niya kasabay na nawala yung gusot sa noo niya. “Wag mong isipin na pabigat ka sakin. You were never a burden to me. H’wag kang magso-sorry, sabi ko naman sayo diba lagi lang akong nandito sa likod mo kapag may problema ka.” Huminga ulit siya ng malalim. “Galit lang ako kaya hindi ako nagsasalita. Galit ako sa gagong gumawa niyan sayo.”

Umiling ako. “Kasalanan ko ‘to. Karma ‘to sa kin.”

“You never deserve to be treated like this, Xyra. Never.”

Ang lalim ng tingin niya sa akin. As always, his eyes are like magnet, pulling me towards him. How long had I’ve been fighting that irresistible pull? Tuwing tinititigan niya ako palaging pakiramdam ko matutunaw ako.

How I love his eyes.

His fingers travel from my cheek to my lips. Gently lingering. Tracing.

The next thing I knew, nakapikit na ako at hinahalikan ni Kyler.

Slow and passionate. Kahit nakapikit ako, nararamdaman ko sa bibig niya ang passion at sinseridad na nanggagaling sa mata niya.

Nawawala lahat ng sakit sa katawan at sa puso ko.

He can erase every bad feelings I have.

My haven.

Reluctantly, he broke our kiss to breathe. But never really separating our lips, giving me small baby kisses. I opened my eyes to see the man who has the ability to make me feel lighter and better.

Maybe, just maybe… he can make me forget about everything.

I wrapped my arms on his neck and looked directly in his eyes.

“Kyler…..have sex with me. Please, make me forget about everything.”

- - -

Happy 2014. Let's start the year right!

May readers pa ba ko? Sorry. Short update lang kinaya. Major writer's block, sinabayan pa ng thesis. (Yes, kahit bakasyon nagthe-thesis pa rin. May deadline kasing hinahabol.) Comment puhleaseee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Not my SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon