Hala!!! Nag update na oh.. :D after a thousand years :P
Enjoy guys, at maraming maraming maraming maraming maraming salamat sa support nyo.. Nakaka taba ng fats ko :D
abamalaykosayo
anyways, dedications na tayo :"D
this chappy is dedicated to...
IvyVega
"WAHHHHHHH!!!! grabe naiyak tuloy ako ms. author!!! enebeyen, shey! dapat IPAGLABAN mo ang PAG-IBIG nyi ni VHIN!!! Teka nga lang.....parang REINCARNATION lng din pala silang LAHAT?? O.o pero parang si ellyse lang yung nakakaalam? sesh! baka naman si ellyse yung nagpa-reincarnate sa kanilang lahat? ay nakuu\!!! dami kong tanon!! tuloy medyo sumakit yung ulo ko...huhuhu kawawa naman si Vhin ko~! (feeler din ako noh? haha!) Vhin! andito lng ako! gustong-gusto ko kaya ang mga BAMPIRA!! (parang si Shey lng din sa new generation, eh?) Gusto ko nga dating MAGING bampira!!
Ms. Author....GALINGAN niyo pa!! Wooo! :DDD"
-wow ha, pati ako nalito sa mga tanong mo, parang gumawa ka narin ng plot sa story eh haha! anyways, don't worry, bida si Vhin MO eh, di mawawala sa story yan :D haha!
----------------------------------------------------------------------------
Pagkatapos ng nangyari sa gabing yun. Mag iisang buwan nang hindi nagkita sila Vhin, Lloyd at Shey dahil umalis na ang dalawang magkakapatid sa kaharian.
Walang balitang kumalat tungkol sa pag.alis ng dalawang magkapatid dahil ang sinabing rason ay dahil naghahanap sila ng trabaho sa ibang lugar. Nanatili lang din naman na tahimik si Shey sa totoong rason kung bakit sila umalis dalawa, at yun ay dahil natatakot ito na baka malaman ng ibang tao ang tunay na anyo ni Vhin, at baka pati narin si Lloyd ay isang bampira din.
Dahil sa sobrang pagkalugmok at paghihinayang sa ginawa ni SHey sa lalakeng minahal nya ay wala na ito sa dating sigla at halos hindi na kumakain.
Halatang nangungulila na sya ang dating kasintahan. Nagsisisi sya sa nagawa nyang pagtaboy kay Vhin kahit alam nya na mahal nya ito. Mas inuna nya ang paghusga sa katauhan ni Vhin kaysa sa nararamdaman nyang pagmamahal dito.
Sa susunod na araw ay dadating ang mga Prinsipe sa iba't-ibang kaharian para makisalo sa bulwagan at para magkompetisyon para sa kamay ng Prinsesang si Shey.
Wala nang nagawang pagtututol si Shey sa kagustuhan ng kanyang mga magulang kahit labag ito sa kanyang kaluoban. Ayaw na ayaw nyang mgpakasalan sa kahit na sinong lalakeng hindi nya kilala at lalong-lalo na, hindi nya mahal.
Umabot na ang gabi para sa bulwagan ng sinasabi nilang pagtitipon ng mga Prinsepe. Nasa loob pa ng kwarto si Shey at binibihisan para sa pagtitipon.
"Prinsesa, wag na po kayong malungkot, sana po ay bumalik na ang dati nyong sigla lalo na dahil nandito na ang mga Prinsipe sa ibang kaharian na handang makipagduwelo para lang sa kamay mo." tugon sa kanya ng isa sa kanyang mga tagalingkod
BINABASA MO ANG
ang BAMPIRANG ubod ng KAMANYAKAN
VampireBAMPIRA--- isang maangas, misteryoso at kinakatakutan na nilalang dito sa mundo. Pero paano kung ang bampirang nakilala mo ay hindi lang ganyan, kung hindi ay may ugali ding KAMANYAKAN? Kakagat ka ba? Oh aatras nalang?