04 Indira

9 0 0
                                    

 2008

“Indi? Indira… Indir-------!”

Ahhhhhh! Ang ingay ni mommy! Ang lakas kumatok!  Huhuhu. Binuksan ko na ‘yung pinto bago pa man siya sumigaw ng tuluyan. Natutulog pa kasi ako eh. Haaay. Teka, anong oras na ba? Lumingon ako para tignan ‘yung wall clock ko para makita na 6:09am – pa lang. Six AM!? Goodness! Ano ba’ng meron? Ang aga aga! Napakamot ako ng ulo ko, “Ma? Ano po ba ‘yon?? Is that thing that important? For Pete’s sake, ang aga aga pa!”

“Chill baby. I have a surprise for you.” Inakay ako ni mommy pabalik sa kama ko at umupo.

“This better be good, ma. Ginising mo ako ng 6am!” Hindi ko mapigilang kumunot ‘yung noo ko. Kase naman. Haaay!

“Of course. But first, tanggalin mo ‘yang kunot sa noo mo. That’s not lady-like.” Mommy smiled. Okay. Magsmile na din ako, I have a feeling na hindi nangjo-joke time si mommy. “Ayan. That’s my girl. Close your eyes, honey.”

“Maaaaaa… Ano po ba ito? Jinojoke mo naman ata ako eh!” Pero ako naman ito si uto-uto na nakapikit na.

“Open your hands.” Ano bang trip nitong nanay ko? Huhuhu. May sapak na din ata sa utak eh, kung anu-ano na pinagagawa sa akin. Tsk. Pero syempre, ginawa ko na din ‘yung pinapagawa niya dahil kailangan. Para malaman ko na din ‘yung surprise niya sa akin. Hihihi.

May nilagay si mommy sa kamay ko. Kinapa ko ng konti. Susi?

“Open your eyes na.” Pagbukas ko ng mata ko, ngiting-ngiti si mommy. Nakunot na naman ‘yung noo ko. Ano ‘to? Hmmm. As if on cue, nagsalita agad si mommy. “Indi. Remember the unit in Katipunan?”

“OH.MY.GOD!!! Ma! Are you kidding me?!” Shocks. Nalaglag ata ‘yung panga ko! Umiling si mommy at niyakap ko siya ng mahigpit. Grabe! She bought me the unit! Ilang months ko siyang kinukulit about do’n. Finally! Grabe. Huhuhu. Naiiyak ako! “Ma! You’re the best! I love you forever!” Bumitaw ako sa pagkakahawak at tinignan uli ‘yung susi. Susi ko. Susi ng new house ko. Susi ko. Goodness! Ang sarap pakinggan. Akin. Mine. Ko. OMG. Finally!

“We’ve been thinking about this for a while ng daddy mo. Since 3rd year high school ka na naman at malapit ka nang grumaduate, ‘yang unit mo na ‘yan ang gagamitin mo. Habang dito na muna magse-stay ang Kuya Shia mo habang ginagawa ‘yung bahay nila ni Maegan. Okay? Are you happy?”

“Yes, mom.” I hugged her again and I felt her smiling sa balikat ko. Haaay. I’m so blessed to have them.

Naglog-in ako sa YM ko.

Nagchat si Igo. Wow. Online siya.

Igoistic: Aattend ka sa meet-up this Saturday?

IndiBee: Nope! Meron ba? Idk! Ikaw?

Igoistic: Aattend. Haha. Sila Macy nag-arrange nung meet-up eh. Hindi ka ba sinabihan?

IndiBee: Awe. :( No. Ang daya! :( :( :(

Igoistic: O ayan. Sinabihan na kita. Sasama ka na? ;)

IndiBee: Im moving eh. Sayang.

Igoistic: Weak

Ilang weeks na kami nag-uusap nito ni Igo after nung Wicker Park post ko. Nacurious ang mokong sa movie at pinanuod din. Haha! Favorite band niya din daw pala ‘yung Coldplay. Gaya-gaya eh, no? Ayon, magkasundo naman kami though madalas mang-asar. Pero wala, weak eh. Lagi namang asar talo kapag kina-counter trip ko na. Hahaha! Nagulat nga ako na friend ko na pala siya sa YM even before nung post ko na ‘yon. Siya kasi unang nagchat.

Igoistic: BUZZ!!!

IndiBee: Yup? Sino ‘to?

Igoistic: Nag-a add ka ng hindi mo kakilala? Tsk tsk.

IndiBee: I didn’t know kung hindi nga ba kita kilala. Teka, sino ka ba?

Igoistic: Igo.

IndiBee: Igo? Do I know you? Do I know you personally?

Igoistic: Nope. You know Macy? Siya nagbigay ng YM mo sa akin.

IndiBee: Macy?

Igoistic: Oh fuck. Ikaw ba si Thia? Maybe I got it all wrong. Sorry.

IndiBee: Oh, wait. Yeah. Naaalala ko na. Ikaw nga siguro ‘yung kinukwento niya.

Ahh. Yes. I remember na, may common friend nga pala kami pero nawala ‘yung communication namin dahil naging busy ako at siya rin ata tas bigla nalang siyang nagparamdam ulit sa blog site pero hindi ko siya agad nakilala. So ayan. Dyan nagsimula lahat.

***

Tuesday, December 04, 2012, 7:04:52 PM

AlunignigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon