03 Indira

16 1 1
                                    

2012

“Kuya Dar! Pakisunod nalang ‘yung mga gamit ko sa taas ha. Inaantok na  talaga ako eh. Thank you!” Ewan ko din kung bakit ako napagod eh, sila naman nagbuhat nung mga gamit namin. Ay de, napagod pala ako mag-utos... Charot. Gusto ko na magpahinga. Feeling ko drained na drained ako physically and mentally. Ayoko muna mag-isip. May panahon para diyan.

Pagpasok ko sa luma kong kwarto, walang nag-iba. Alam ko ganito ko siya iniwan. Nilabhan lang siguro ‘yung sheets ko at curtains. Bumalik ‘yung mga memories na kami lang ng kwartong ‘to ang nagtago. Kailangan itaboy lahat. Pati na din iyong mga natitirang nararamdaman. Nagpalit nalang ako agad ng damit at natulog na.

Nagising ako siguro mga 5:30am. Ang sarap ng tulog ko, buti nalang hindi na nila ako ginising kagabi. Tinawagan ko si mommy at sinabing nakauwi na ko kagabi ng mga 7pm at nagsorry rin ako dahil hindi ko na siya nasabihan sa sobrang pagod ko.

Sinamahan ko mamili ng mga pagkain si Tita Miriam, ang yaya slash mama ko. Siya na halos ang nagpalaki sa akin dahil sa busy schedule ng mga magulang ko. Naku. Mahal na mahal ako no’n. Umabot nga sa point na hindi na siya nakapag-asawa dahil sa akin though may anak siya, kaya nga lang, nasa probinsiya nila. Spoiled ako do’n. Kaya mahal na mahal ko din siya. Hahaha. Pero seryoso, mahal na mahal na mahal ko siya kasi bestfriend ko rin siya.

Pag-uwi namin sa bahay, nagluto na kami ng Kaldereta. Favorite ko kase ‘yon at namiss ko na talaga ng sobra. The best ‘yung Kaldereta ni Tita Mir, alam niya kung gaano kaanghang at lambot ng baka iyong pasok sa panlasa ko.

Pagkatapos makapagbreakfast, umakyat na ako sa kwarto ko. Nagbukas ako ng laptop at tumambay sa blog site ni Ramon Bau. Naalala ko tuloy ‘yung tita ko nung sinabi ko na crush ko si RB. Sabi ba naman, “Bakit ba crush na crush nyo ‘yun ni Ate Nika mo, eh ang pangit pangit naman?” Napakasama. Huhu. Eh ang gwapo kaya niya kamukha pa ni Jake Gyllenhaal tas ang tali-talino. ‘Yung humor pa hindi off. Mga tipo kong lalaki. Hihihihi.

Ramon Bautista:

Bago mo alamin kung pang for keeps siya, itanong mo muna sarili mo pang long-term ka hihi <3

19 years old na ako pero NBSB pa rin ako. Hindi ako naba-bother pero naiirita na ako sa mga taong tanong ng tanong kung bakit daw hindi pa din ako nagkakaboyfriend. Ang pihikan ko daw, blahblahblah. Tapos ‘yung iba, ang straightforward na sasabihin na ang arte ko raw. Never ko naman sila pinatulan kase alam ko naman na kapag pinatulan ko sila, mas masahol pa ugali ko sa kanila. Actually, hindi ko din naman alam kung bakit hindi pa ako nagboboyfriend eh. Oo, ayoko pa pero hindi din naman kasi ako ligawin. Hindi kasi ako mahilig mag-entertain ng mga gano’n. Nakakailang kasi ‘yung mga lalaking alam mong may motibo agad, ‘yung tipong nakikipagkaibigan lang para manligaw. Isa pa, ayoko nagpapaligaw sa kaibigan. Minsan nangyari sa akin na may nanligaw na kabarkada, siguro months kaming naging awkward sa isa’t isa. Dumating sa point na hindi na ako sumasama sa mga gala dahil lang do’n. Ang daming nagsasabi sa akin na sa friendship naman daw nagsisimula lahat kaso… HINDI.KO.TALAGA.ALAM. Huhuhu. Hindi ba nila naiintindihan ‘yon na ang babae nararamdaman na agad kapag may something or kung wala. Haaaay. Sabagay, hindi naman natin mapipilit iyong kanya-kanyang paniniwala natin sa iba.

Minsan ko na din naisip kung for keeps ba ako, ‘yung kung may nangarap ba na makasama ako ng pangmatagalan. Hahaha. Nakakatawa isipin pero hindi naman maiwasan minsan ‘yung ganoon lalo na kapag may nakikita kang couples na masaya. Pero para sa akin healthy naman din ‘yun, kasi, ibig sabihin nangangarap pa rin ako na may makasama habang buhay, nangangarap pa rin ako na maikasal one day. Minsan na kasing nawala sa akin ‘yung wishful thinking na iyon no’ng nawala sa akin ‘yung taong mahalagang mahalaga sa akin. Kapag dumadating ‘yung time na napapaisip ako, nangingiti na lang ako kasi hindi pa pala nauubos ‘yung hope na meron ako sa loob ko. Na baka may dumating din naman para sa akin na pupunan lahat ng pagkukulang sa sarili ko. Hahahaha. Ang baho na pakinggan. Ganito takbo lagi ng utak ko, may itatanong ako, ako rin sasagot. Normal pa ba ako?

Naka-sampung pages na siguro ‘yung pagbabackread ko sa blog ni Ramon Bau nang maisipan kong icheck iyong YM ko.

Hindi pa din siya nag-oonline. Ilang taon na kaming hindi nagkakausap. Namimiss ko na talaga siya. 

***

Sunday, December 02, 2012, 2:21:58 PM

AlunignigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon