05 Indira

7 0 1
                                    

2013

“I need to finish this plate, Atchie.”

“I’ll treat you. Promise. Where do you wanna go? Sige na. Please. Please. Please.” Kahapon pa ako kinukulit nitong si Ate Nichque eh. Samahan ko raw siya sa “friendly” date nila nung co-intern niya sa pinag-o-ojt-han niya.

“Kahit i-bribe mo pa ako. Sorry. Midterm plate ko ‘to.” Nasa studio ko kami. Hindi na ako magkandaugaga dahil nakalimang trial na ako pero hindi pa din ako satisfied. I need to get a high grade from this midterm para maging exempted ako sa final exam namin.

“Please? I really like this guy. And alam mo naman na ngayon ko nalang uli ‘to naramdaman.” Wow. Persistent. Pinsan nga kita!

“Okay. But in my terms. Okay? Can you move it by, uhm, next week? I really need to work on this plate. I need to concentrate and you are not helping. Please?” Hindi ko napansin na nagroll yung mga mata ko. At sumimangot siya. Tsk. “Im sorry. Frustrated lang talaga ako since last week. Nakakalimang try na ako pero hindi pa din talaga ako satisfied sa mga gawa ko.” I hugged her.

“Okay. Okay. Naiintindihan ko naman eh. Next week ah. Thank you! You’re the bestest sister I never have. Nako. What can I do without you?” Oha. Pareho din kaming mabilis magbago ang mood.

“I know, right? Haha. Oh sige na, umuwi ka na, nakontrata mo na ako. I need to get this over with kaya go. Go na.” Pabirong pagtataboy ko sa kanya.

“Oo na. Oorder na lang ako ng pizza at papadeliver ko dito. Thanks, Tee! I love you!” Niyakap niya ako ng mabilis at umalis na.

Finally!

Pagkapasa ko sa midterm plate ko dumiretso na ako do’n sa venue na napag-usapan namin. Ang hassle nga lang dahil coding ‘yung kotse ko kaya kailangan ko pang maglrt papuntang MoA. Good thing, hindi pa rush hour kaya hindi pa naman amoy mandirigma.

Pagkarating ko doon sa restaurant, umupo na ako agad sa tabi ni Ate Nichque. Wow! May cakes na. Buti nalang! Gutom na gutom na ako.

“Uhm, Hi! Pwede kumain na ako? Hehe. Sobrang gutom na kasi ako eh. I’m Bettia, by the way.” Makikipag-shake hands na sana ako do’n sa guy na katapat namin pero biglang nagsalita si Atchie.

“Karlo, Pasenya na sa pinsan ko ha. Kargador kasi talaga ‘yan, hindi lang halata sa katawan. Anyway, siya nga pala si Bettia. ‘Yung kinukwento ko.” Kinukurot-kurot pa ako sa tagiliran. Aba! Inlababo nga ang bruha!

“Hephep! Anong kinukwento niyan tungkol sa akin, aber??” Natawa naman si kuya. Haha! “Oo nga pala, Thia nalang itawag mo sa akin.” Sabay shake hands.

“Hahaha! Safe naman mga sikreto mo sa akin. ‘Wag ka mag-alala. Haha! Karlo nga pala.”

Panay tawa naman ‘tong mokong na ‘to. Walang duda, magkakasundo nga talaga sila ni Ate Nich. Hahaha! Kumain na ako. Daldalan lang sila ng daldalan. Blahblahblah. Wala na akong paki. Basta ako, gutom ako.

“Oo nga pala. Pasensiya na. Ang tagal nung pinsan ko. Teka. Tatawagan ko muna. Excuse me.”

Napatingin ako kay Ate Nichque. Mabilis naman siyang nagexplain. “Kase ano. Kase Thia, ano eh. Ahm. Ganito ‘yon. Kumalma ka muna. Okay? Mag-eexplain ako. Kase ano…”

“Wala akong maintindihan. Teka. Kumalma ka muna kase! Ano ba ‘yun?”

Huminga siya ng malalim at, “kaseganitoyonsabikoihanapkadinngdateparadikamalungkot.”

“Ha? Ano!?!?!” Kahit napakabilis niyang sinabi ‘yon nagets ko agad. Anakng! Date!? Anong gagawin ko sa date?? “Pagkakaalam ko chaperone lang ako dito ah? Ba’t biglang nagkaroon ako ng date??”

“Eh kasi siyempre ayoko naman na alone ka.”

“Asus! Gusto n’yo lang masolo isa’t isa eh! Hahaha!”

“And besides, gwaping raw ‘yun sabi ng iba naming officemate.”

“I don’t care kung gwapo siya. Shit! Look at me! Hindi manlang ako ready para sa date. I look like a mess. Magugustuhan ba ako no’n? Pa’no nalang kung di pala ako gusto?? Pa’no kung iniwan ako bigla habang kayo ni Karlo babyboy mo nagla-loving loving! Atchie naman ehhhhh!” Simangot ko sa kanya.

“Dude, if you’re a mess then you are one helluva hot mess. C’mon, ayusin natin ‘yang buhok mo sa cr.” Sabay hila sa akin. “Karlo, wait ha. Cr lang kami. “ Sigaw niya kay babyboy.

“Okay. Padating na ‘yung kupal.” Pabalik na sigaw ni Karlo.

Shit.

“Dalian natin!” At hinila ko na nga ng dali-dali ‘tong bruhang pinsan ko.

Pagkalabas na pagkalabas namin ng cr,  bumungad ang mukha ng isang napakapamilyar na nilalang.

Double shit.

Si Igo.

***

Wednesday, January 09, 2013, 8:59:16 PM

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlunignigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon