2012
Look at the stars
Look how they shine for you
And everything you do
Yeah they were all yellow
The music boomed inside the car. Napapikit ako and all I can think of is his chinito eyes.
I came along
I wrote a song for you
And all the things you do
And it was called yellow
Those words are in the second stanza, right? Right. Ayan nga ‘yung kasunod no’ng first stanza, diba? Hay nako, Thia.
Your skin
Oh yeah your skin and bones
Turn into something beautiful
You know you know I love you so
You know I love you so
I can still remember how husky his voice was as he sing those lines. That voice of his…
I swam across
I jumped across for you
Oh what a thing to do
He’s singing this part tas bigla siyang lumuhod and I’m thinking, ‘Oh God. Is this really happening? Please. Poke me, hard.’
“Hi Tee! Goodmorning! I arranged this rendition for you. Sana hindi ka mairita sa boses ko. “
Ang shaky ng kamay niya habang tinotono niya ‘yung gitara niya. I was smiling nervously dahil naka-live stream kami. Yes. Webcam to webcam in front of all those viewers. Nakakahiya!
“Ang bagal.” I said at nagpoker face pero tumawa din. I know na alam niyang it’s my way of saying na ‘huwag kang kabahan”.
He cleared his throat and started to strum.
Look at the stars
Look how they shine for you
And everything you do
Yeah they were all yellow
O.M.G! It’s Yellow! My all-time favorite from Coldplay next sa The Scientist!
I’m seeing comments like, ‘Ate Thia! Nakakakilig!!!’, ‘Sagutin mo na siya!’, ‘Grabe ang sweet!’ and the line goes on. I don’t really know what to say. ‘Yung tingin niya, nakakapaso. Is that even possible? Goodness!
Pero hindi ko talaga alam kung ano ‘yung nakita ko sa mata niya habang binabanggit niya ‘yung lyrics na…
You know you know I love you so
You know I love you so
Hindi ako makapag-isip ng matino. ‘Yung puso ko parang puputok. ‘Yung utak ko gusto ng kumawala sa bungo ko.
I swam across
I jumped across for you
Oh what a thing to do
At bigla siyang lumuhod at binitawan ang gitara, inayos ang webcam at tinapat sa mukha niya at nagsalita…
“Indira Bettia, please, just once. See me. Please.”
Naluluha ako.
Not this again.
He stopped the live streaming para kaming dalawa nalang ‘yung mag-uusap. Privately.
I sobbed. Bigla bigla. I didn’t saw it coming. Bigla nalang nachoke ako.
“Thia, please naman oh. Gusto na kitang makita.”
Tumingin ako sa kanya, he look so frustrated. “Ano bang tawag dito, Igo?!”
“Gusto ko ‘yung personal, ‘yung nakikita kita harap harapan…” Yumuko siya at nagsalita uli. “Gusto kitang makasama. Kahit isang beses lang.” Ang hina ng pagkakasabi niya sa huling sentence pero enough na para marinig ko.
“Alam mo naman ‘yung sitwasyon ko, di ba? Akala ko ba naiintindihan mo?”
“Oo, pero naman. Hanggang kelan na ganito tayo? Hindi ka ba nahihirapan?”
“Alam mo naman na may dahilan ako kung bakit hindi pwede, diba? Eto na naman ba ‘tong usapan na ‘to?”
“Ikaw bahala.” Ang lalim ng pagbuntong hininga niya, hindi ko alam kung maiirita ba ako o kung ano. Haaaaay!
“Ge. Kakain na muna ako. Out na ako.” Hindi ko na siya hinintay magsalita at naglog out na ako. Wala din naman patutunguhan ‘yung usapan namin eh. Paulit-ulit na lang. Nasasawa na akong makipagtalo.
Oo nga pala. Wala kaming relasyon. Hindi ko alam. Malabo kung tutuusin. Aabutan tayo ng siyam siyam kung sakaling gusto mong malaman ng detalyado.
Indira Bettia Zambriaga nga pala ang pangalan ko, pero syempre konti lang nakakaalam ng surname ko dahil mahirap na, baka magamit pa ‘yung katauhan ko. Hindi ako magaling sa introduction kaya naman hindi ko na pipilitin ang sarili ko na magpaliwanag sa mga taong hindi ko naman lubusang kakilala. Pare-parehas lang naman, lahat sila may sasabihin patungkol sa’yo, pupurihin ka, lalaitin ka. Ano bang pinagkaiba eh pareho lang namang inevaluate ka. Di ba?
Nagkakilala kami ni Igo sa isang blog site four years ago. Hindi ko din alam kung pa’no nagsimula pero bigla nalang na naguusap na kami sa message board sa blog, nagkakachat, hanggang sa nagkakatext na, patawag tawag once in a while. ‘Love team’ nga raw kami sabi ng iba, marami ding napagkakamalan kaming mag-on. Natatawa nalang ako at the same time, nalulungkot. Dahil alam namin sa sarili namin na hindi pwede.
Bakit?
Kasi never pa kaming nagkita sa personal.
Hindi ko alam kung pa’no ikukwento kasi baka isipin din naman ng iba na nagdadahilan lang ako o kung ano pa man ang gusto nilang isipin.
So I’ll put it this way na lang. Maraming pumipigil sa amin na magkita. Hindi yata talaga itinadhana.
***
Sunday, November 11, 2012, 1:06:49 AM