An OJT Love Story - Prologue

34 0 0
                                    

PROLOGUE

“Sa mga Heads ka na lang makisabay,” sabi pa ni Ken. Natigilan ako. Sa mga Heads?

“Sa akin ka na…” sabay na alok ni Sir Laiko at Sir Brix. Mas lalo akong natigilan. Nagtinginan lang ang dalawa. Hindi ko naman naramdaman ang tensyon sa pagitan nila. Ang kapal ko naman para i-feel na merong tensyon. Eh, ako lang naman itong nate-tense dahil sa sabay na alok ng naggwagwapuhang mga lalakeng ito. Diyos ko, tulong po!

“Kanino ka sasakay, Baby Girl? simpleng tanong ni Sir Brix na bakit para sa akin napakahirap sagutin? Buti na lang at umalis na ang jeep at panay ang goodbye at kaway ng mga naunang employees. Nabigyan pa ako ng konting panahon para mag-isip.

Alam ko namang Unit Head ko si Sir Laiko, technically dapat mas close ako sa kanya. Pero sa sandaling nagkasama kami ni Sir Brix, alam ko sa loob loob ko mas close kami. Mas komportable ako sa kanya pero mas gusto ko naman kay Sir Laiko. Haaaay, ano ba?

Nakaalis na ang jeep at bumalik na sa ayos ang lahat. Ang tanging hinihintay na lang nila ay ang aking sagot. At ako’y nakapag-isip-isip na. Kay Sir Laiko ako sasakay.

Ngunit bago pa ako makapagsalita, “Brix, ingatan mo intern natin ha.Mauna na ako sa inyo.” Bigla na lang sinabi ni Sir Laiko.

Kainiiiiiiiiiiis! Abot langit ang panghihinayang ko. Bakit hindi mo nahintay ang sagot ko Sir Laiko?

-oOo-

An OJT Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon