Summer na naman.
Oras na para harapin ang on-the-job training. Pakiramdam ko nagsasaya na ang lahat maliban na lamang sa akin. Why? Coz I’m so broke…and I desperately need money.
Pero mabait pa rin ang Diyos at may sagot sa aking problema—ang Crystal Financing Corporation. Buti na lang pumayag ang kompanya na maging student intern ako and at the same time parang regular na employee. Nahirapan din akong maghanap ng kompanyang payag sa ganitong style. Under ako sa OJT Program pero nagtatrabaho bilang isang regular na empleyado at syempre, may sweldo at above minimum pa! Ang totoong solusyon ng aking problema. Ang laki ng pasasalamat ko sa kaibigan kong si Henry na pinsan ng girlfriend ng pamangkin ng asawa ng may-ari. Geee ~ ang tindi ng koneksyon ko.
Unang araw ng training, hindi ko man lang alam kung saan ako dapat pumunta. Nasa 3rd floor ng EAB Building ang Crystal Financing Corporation (CFC). Isang tao lang ang may-ari ng naturang building at ng kompanya. Isang nakapayamang businessman. Kaya naman siguro hindi sasakit yung loob nila na ipasok ang isang gaya ko. Sa mga narinig ko, maganda daw ang mga employee benefits ng CFC. I really hope magandahan sila sa performance ko at ma-absorb ako ng company after graduation.
Napagpasyahan ko na simpleng jeans and shirt lang ang suotin ko kasi day of training lang naman eh. Nang makita ko ang babae sa Information Desk, halatang hindi siya nasisiyahan pagkakita sa akin nang pinakilala ko ang sarili bilang student intern. Pakiramdam ko nasa early 20s pa ito, fresh na fresh ang dating, maganda, at sexy.
Sinamahan niya ako papuntang HR Department. Noong una, akala ko talaga bitch siya hanggang sa binuksan na niya ang bibig niya at nagsimulang magsalita tungkol sa kompanya, mga tao, mga boss, at pati na rin mga cute guys. At doon ko narealize na fun pala siya, napakakikay at feeling ko magiging friends kami. Sabi niya tawagin ko daw siyang ‘Iya’ pero ‘Hija’ daw yung spelling. Tango lang ako nang tango habang nalilibang sa mga kwento niya.
Binuksan niya ang pinto ng HR Dept at pinakilala ako sa manager. Hindi niya sinabi ang pangalan niya at wala din siyang nameplate sa itaas ng table niya kaya may excuse ako kung hindi ko siya kilala. Parang nasa early 30s na siya at napakalinis niya tingnan pati na ang perfectly shaved head niya na sobrang kintab. Inutusan ni Mr. Shiny Shaved Head si Iya na ipakilala ako sa Accounting Dept. kung saan daw ang totoong trabaho at in-assign pa niya si Iya na magiing personal mentor ko sa company tungkol sa lahat ng impormasyon na kailangan kong malaman.
Pumunta kami sa sunod na pinto at pumasok. Malaki pala sa looban at naroon ang magkapitbahay na Accouting at M Department. Napatingin lahat sa amin nang marinig ang tunog ng pasaradong pintuan. Napakaseryoso nilang lahat kung tingnan. Lahat naka-formal attire at ako lang yung bata na parang papasyal lang sa lansangan. Napansin kong marami sa mga employees ang nasa early twenties pa lang. At least, may makaka-relate sa akin kahit papano.
Nagulat na lang ako nang biglang nag-“Helloooo,” ng malakas si Iya at mabilisang ipinakilala ako sa lahat bilang student intern at latest member ng gang. Halos nagsabay-sabay ang kanilang mga ‘Hi’. Parang mababait naman pala sila. Naka-smile sila lahat sa akin habang naglalakad ako sa gitna ng mga cubicles. Pagkatapos ay ipinakilala niya ako sa aking Unit Head.
Dark thick brows. Brown eyes na singkit. Hindi masyadong malaki ang katawan pero pwede nang matawag na macho. Napaka-manly ng dating. Nag-smile siya sabay abot sa kanyang malaporselanang mga kamay at ako naman ay parang naglalaway na nakatayo sa kanyang harapan. Ito ba magiging boss ko? Bakit ang gwapo?!
Eh sigurado ako on time ako lage sa trabaho. Inabot ko ang aking kamay. Nag-shake hands hands kami. Firm yung kamay niya pero malambot ang mga palad. Parang ayaw kong bitawan ang kamay niya. Ilang taon na kaya siya?
“Mr. Marc Laiko Ty just graduated two years ago,” Aba! Sinagot na ni Iya yung katanungan ko. “He is our Head Accountant and you’ll be reporting to him from now on.” Kinindatan ako ni Iya. Pakiramdam ko alam niya kung anong iniisip ko.
“Good morning, Sir! I’m Raphael Rodriguez, nice to meet you.” Hindi pa nagbibitaw ang aming mga kamay.
“Ehem!” pakunwari ni Iya at agad ko ding kinuha ang aking kamay. “P.S. Akin na nga pala si Sir Laiko,” dagdag niya sabay tap sa balikat ni Sir Laico.
Hindi naman siya nagalit. Totoo? Tumawa lang siya pati na rin ang ibang staff, “Akala ko ba si Brix yung gusto mo, Iya?” panunuksong tanong nito na bahagyang tumingin sa akin at bumalik din kay Iya. Gosh! Bakit ganito pakiramdam ko?
Nagtawanan ulit ang mga staff. “You know, Sir,” sagot ni Iya, “Wala naman siya dito ngayon eh so ikaw na muna pag-aari ko.”
At nag-enjoy ako making sa mga jokes nila sa isa’t isa. Masasabi kong madali silang pakisamahan. Yung iba naming accounting staffs ay matatanda na pero hopeful pa rin ako na makakasundo ko sila.
Ipinakilala din ni Iya ang iba niyang mga friends. Nag-‘Hi’ sila at nag-‘nice meeting you’ ng personal at panay ang smile nila. Friendly sila lahat pero hindi ako sigurado kung maaalala ko lahat ng pangalan nila sa sobrang dami.
Napatingin ako sa office ni Sir Laico kung saan siya pumasok kanina. Nagguguluhan ako. Paano sila nakakapagtrabaho ng maayos nang hindi naglalaway sa boss nila?
Tinuruan din ako ni Iya sa mga basic tasks na malamang ipagagawa sa akin. Hindi ko man lang in-expect na ganoon siya ka-knowledgeable sa mga bagay bagay.
Bago matapos ang araw, mahigpit na bilin niya na dapat naka-proper attire at all times kapag papasok ng building.
--
First day of my Official Day sa Internship. Thursday.
Super excited ako to officially start my internship—I mean work. Dapat maganda ang first day. Dapat bigyan ko ang mga workmates and boss ko ng good impression.
Pumasok ako sa building ng maaga with my perfectly pressed suit. Nag-greet ng ‘good morning’ ang guard. Nag-greet din ako. Ayos ah.
Hinintay ko magbukas ang elevator. Mag-isa akong pumasok at komportableng nakatayo nang may biglang umeksenang kamay bago tuluyang nagsara ang pinto. And I never expected that face to see here in the elevator. Gosh! Pag sinuswerte nga naman.
“Good morning, Sir Ty!” bati ko with a huge smile. Sana lang ay hindi ako nagba-blush sa kasalukuyan.
“Good morning!” sagot niya na naka-smile din. Tumayo siya sa kanan ko. Gosh! Ang lapit namin!
Pipindot na sana ako ng button para sa 3rd floor nang magkasabay kami. Geee. Tiningnan ko siya. Nag-smile siya. Shedah! Pakiramdam ko matutunaw na ako. Sa huli, siya na lang ang pumindot at ako’y parang naninigas na yelo sa kanyang kaliwa dahil sa mini touch moment kahit na split seconds lang. Sinusubukan kong kumalma hanggang sa makakaya ko. Kinokontrol ko na ang aking mga tuhod para hindi manginig. Naka-heels pa talaga ako!
Nakikita ko ang aming mga repleksyon sa pinto. Eh bakit kasi ang gwapo niya? Matangkad pa talaga. Matipuno ang dating. Parang wala akong nakikitang pangit sa kanya. Ano ba tong nararamdaman ko? Bunga ba to ng kilig o bunga lang ng pag-angat ng elevator?
-----
Continue Reading lang po... Mas marami pang kilig na eksena <3