An OJT Love Story - Two

19 0 0
                                    

Nakikita ko ang aming mga repleksyon sa pinto. Eh bakit kasi ang gwapo niya? Matangkad pa talaga. Matipuno ang dating. Parang wala akong nakikitang pangit sa kanya. Ano ba tong nararamdaman ko? Bunga ba to ng kilig o bunga lang ng pag-angat ng elevator?

Huminga ako. In. Out. In. Out. In. Out. Pero may bigla na lang malakas na pagyanig ang nangyari na parang lumipad papalayo ang kaluluwa ko sa pagkagulat. Muntik na akong matumba nang hindi ako makabalanse na bunga ng heels. Pero nasalo niya ako at nahawakan hanggang sa tumigil yung pagyanig.

Napatay yung power. Nagsimula na akong kabahan at matakot. Dun ko lang din na-realize na hawak-hawak niya pala ako. Nanigas ako. Hindi ko alam kung dahil sa takot kung anong masamang pwedeng mangyari sa amin sa loob o sa katotohanang sapo niya ako gamit ang dalawang kamay para maalalayan ang aking posisyon. Napakalapit namin. Sa sobrang lapit naaamoy ko na ang perfume niya.

“Okay ka lang?” Narinig kong tanong niya. Hawak hawak niya pa rin ako. Wala akong makitang kahit ano dahil napakadilim pero nararamdaman kong nag-aalala siya. Ay, chaka!

“Yes, Sir. Salamat...” ang tanging nasagot ko, “Ano pa lang nangyari?” seryoso kong tanong sabay dahan dahang alis sa kanyang pagkakahawak. Labag man sa loob ko ang ang kusang pag-alis pero alam kong iyon ang nararapat. Baka pa kamo’y mabuking ako.

“Oh...sorry,” nasabi niya pagbitaw sa akin. Nag-check ako agad ng phone sa bag ko. Sa wakas! May ilaw na. Pinindot ko agad ang open button pero hindi gumagana.

“I think we’re stuck,” sabi niya. Napansin niyang panay pa rin ang pindot ko ng pindot sa button. “Baka masira mo pa yan,” babala niya. Agad naman akong tumigil. Ikaw ba naman ang makasira ng elevator. Sumandal siya sa elevator wall sa likod niya. Sumunod din ako. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at tumawag.

“Jun...good morning...we’re stuck here at elevator 2 between floors 2 to 3...yeah...get us out of here A-S-A-P.”

Seryoso ang boses niya habang nagsasalita na punong puno ng authority pero bumalik naman agad sa pagkabata and cool yung aura nang humarap siya muli sa akin.

“Don’t worry. They’re doing their best to get us out of here.” paninigurado niya.

Sa isip ko naman, NO! Ayokong lumabas muna dito, ngayon pa na solo kita. Agad ko naman inalis ang naisip ko kabaliwan sa utak ko.

“Sir Ty?”

“Yes?”

“Ano daw yung nangyari?”

Ang ilaw na mula sa kanyang cellphone ang nagbigay liwanag sa kanyang napakagwapong mukha. At nakita kong kumisap siya ng dalawang beses.

“May error daw sa power room and yung mga cables na connected sa elevators were the one affected. All the elevators around the building are down...”

Hindi ko na nakuha kung anong pinagsasabi niya. I only seem to notice his lips moving and everything else is quiet na except sa music na parang napo-produce ng heart ko.

“Ah...” ang tanging pantig na lumabas sa bibig ko.

Hanggang sa tinanggal ko na ang mga sapatos ko para mas komportable. Dahan dahan siyang umupo. Indian sit. Parang isang ordinaryong tao lang. Halos nakakalimutan ko na nga na boss ko pala siya.

“Why don’t you sit down?” offer niya habang naka-look up sa akin. Ewan ko pero I feel awkward tuloy now that he’s situated below and all he can see in me eh yung legs ko since nilagay niya yung phone niya sa floor na nagbibigay liwanag.

“Uhm...”

Actually, gusto ko din umupo and do the same indian sit kagaya sa kanya. But how? I’m all prim and proper kaya with my black skirt just above my knee. Mas awkward if uupo din ako sa floor kahit anong posisyon pa ng pagkakaupo.

“I get it...” sabi niya bigla. Hindi niya man lang ako pinatuloy sa aking sasabihin. Pero okay na rin kasi sa totoo lang hindi ko din naman alam kung anong sasabihin ko eh. Pero I actually don’t know what he got.

Nang tiningnan ko siya, nagsimula na siyang mag-unbutton ng coat. Shedah! Anong gagawin niya?! Am I supposed to be thankful? Gosh!!! Hindi ako prepared sa ganito. Paano ko siya lalabanan? Hindi din ako maka-escape! Diyos ko!

“Just cover your legs with my coat so you’ll feel comfortable while sitting,” sabi niya habang inaabot sa akin ang kanyang makintab na silver coat.

My jaw literally drops. How dare I? Ang kapal ko naman para isipin ang ganun? Yuck me! Pero buti na lang hindi katulad ng iniisip ko. At umayos na ang paghinga ng mga baga ko.

Dahan dahan kong kinuha. “Thanks, Sir Ty.” Dahan dahan na rin akong umupo sa opposite corner with my legs covered with his coat. Kainiiiiis! Ang bait ni Sir!

“And by the way, please do not call me Sir Ty. It sounds like you’re addressing someone from the Board and also, ang dami daming Sir Ty dito sa company. Isali mo pa yung buong building. Ako pa lang yung una mong nakikilala sa mga Ty.” Tumango lang ako. “The other employees call me Sir Laiko or Sir Laik, and I prefer to be called that way. Okay?”

“Okay, Sir Laik...”

“Yeah, that’s more like it!” sabi niya na may patango tango pa.

Hindi ko alam kung napakainit na talaga ng elevator o dahil lang yun sa presence niya. Napansin ko siyang niluwangan ang necktie niya. So, siguro dahil sa room temperature talaga. Nararamdaman ko na din na may namumuong maliliit na butil ng pawis sa gilid ng aking noo, sa likuran, at pati na rin sa bandang dibdib.

Finally, nagpasya akong hubarin din ang coat ko. Di na ako makatiis sa ganoon ka-init. Suot ko yung baby pink sleeveless V-neck top ko pero hindi ako nagdalawang isip namaghubad kasi nga napakadilim. Yung liwanag lang ay yung ilaw na nagmumula sa cellphone ni Sir na malayo naman sa akin.

And finally he breaks the silence with an idea. “Why don’t we get to know each other while we’re stuck in here?”

Hindi ko nakikita ang kanyang mukha pero hula ko naka-smile siya. Ang tanging nakikita ko lang na naiilawan ay ang kanyang parted feet, socks on, shoes off. Mge bente minutos na rin na nandoon kami.

“Yes, Sir.” sagot ko, not mentioning na mas gusto ko na lights on para makita ko ang kanyang mukha ng klaro.

“So, here’s the mechanics. Let us ask each other questions, and at the same time, we shall answer the same.”

“Game!”

“Any siblings?” tanong niya.

“Three younger sisters, 9, 6 and 6, kambal yung bunso.” Sa totoo lang, hatest ko talaga pag family na and usapan. Pero hindi ko naman magawang sabihan siya basta basta na lang ng please tumigil ka na.

--

Continue reading po!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An OJT Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon