ok. so I dont' know if magugustuhan niyo itong story ko pero whatever.
PAalala lang: 18+ po tong story ko, or at least may mga scenes na ganun so READ AT YOUR OWN RISK. >.<
so READ, VOTE, COMMENT!
LELS.
---------------------------------------
Chapter One
*Cynthia's POV*
Mahal.
Naranasan mo nabang ma-in-love? Yung tipong pag-nakita mo siya napapatulala ka? Yung bumibilis yung tibok ng puso mo na parang nangangarera? O kaya parang nag-s-slow-mo ang paligid mo hanggang sa siya nalang ang nakikita mo?
Yung ganun? Yung masaya ka na makita mo palang siya.
Ako kasi, OO.
Nag-mahal narin ako. At lahat nang yan, naramdaman at naranasan ko na.
Sayang nga lang, kasi, ako lang pala ang tunay na nag-mahal. At sa bandang huli....
Ako lang din ang nasaktan.
Gaga ako ehh. Niloko lang pala ako nung Eric Sy na yun eh. Eto naman si ako, NAGPALOKO.
Makailang ulit na akong pinagsabihan ng mga kaibigan ko. Sabi nila 'BAD NEWS' daw yang si Eric. Playboy. Manloloko. MANGGAGAMIT. At parang isang laruang pinagsawaan ng isang bata kang itatapon at kakalimutan ka pag nakuha na niya ang gusto niya.
Nagpabulag kasi ako sa nararamdaman ko ehh. Ayan tuloy. Napala ko.
Pagkatapos niyang makuha ang pinaka-iingat ingatan ng isang babae--ko, iniwan niya ako. Ay. Mali pala. Hindi niya pala ako iniwan...
Pinagpalit muna niya ako tapos nang mahuli ko na siya, pinag tabuyan niiya ako na parang ako pa ang may kasalanan sa aming dalawa.
Ang sakit. Ang sakit sakit. Tapos, alam malalaman ko pang pinag pustahan lang pala ako at pinagtatawanan na ngayon?
SHET LANG. TANGA KO.
Nagpaloko na nga ako, nagpagamit... Tapos yung V-card ko... Bnigay ko pa sa kanya.
Haha. Ang saklap noh? Pero alam mo yung mas masaklap?
Yun yung malaman kong yung BESTFRIEND ko pa since childhood YUNG PINANGPALIT NIYA SAKIN.
YUNG BESTFRIEND KO PA TALAGA!
Saklap noh? SAklap ng buhay ko. Pang teleserye lang. Isubmit ko kaya sa MMK. Baka mapili pa ni Charo.
Teka nga. Makapag drama ako dito ni wala nga kayong ideya kung sino ako. Haha. Ako nga pala si Cynthia Isabelle Valderama. Isang ex-model. Hindi ko sa kasi kayang magtrabaho after ng pagkasawi ko sa pag-ibig ehh. Lalo na katrabaho ko rin yung EX-bestfriend kong yun... Kaya heto ako ngayon. Isang hamak na boutique owner nalang.
"Huy! Cyn!"
"Ay PALAKA! TSK! Ano ba naman yan Alicia! Makapanggulat ka naman!" binatukan ko naman yung parang ewan na ito dahilan para mapa-'OW' siya. Haha. Buti nga. :P
"Aray naman Best! Masakit yun ah. Mag-volleyball player ka nalang kaya. Sakit mo mambatok eh." napahawak naman siya sa ulo niya.
"Tse. Volleyball ka diyan. Adik ka kasi eh." sabi ko lang.
"Ikaw naman kasi eh. Kanina pa kaya ako dito sa harap mo at salita ng salita. Hmph. Di mo man lang ako pinapansin. =3=" nag pout naman siya at nag-cross arms pa. Minsan talaga hindi ko alam kung bata pa ang kausap ko oh ang high class model na best friend ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Player and I
RomanceWhat if pinag sama mo ang isang babaeng bitter at ang isang player sa isang naughty relationship? Hahaha. Find out~~~
