Chapter two na! yay! hahaha. Nakaka loka ha. Mahirap mag type sa Waatpad mobile. =-=
Anyway, ENJOY ENJOY
VOTE AND COMMENT!! XD
---------------------------------------
Chapter Two - Ozone
*Cynthia's POV*
7:30 na at nandito na ako sa parking ng Ozone. Isa sa pinaka sikat ang Ozone na Club dahil maraming sikat na napunta dito. May exclusive kasi na portion tong lugar na toh na pang VIP lang pero kailangan mong dumaan sa main room para makarating don. Kaya eto. Andaming napunta dito in hopes na makakita ng sikat.
Ugh. Anyway, asan na ba yung Alicia na yun? Matext na nga.
-----
To: Ali
Msg: BOO! San ka na ba? Nasa parking na aq. Dito sa car ko. Hintayin kita dito.
-----
*Vrrrrr... Vrrrrr...*
Aba. Ang bilis naman ata magtext back neto.
-----
Fr: Ali
Msg: Boo! Kakadating lang din namen ni Marv dito! Teka lang. Puntahan ka namen! WAG KANG AALIS!
-----
Makagamit naman toh ng CAPSLOCK wagas. Nagbabanta lang eh. =3= Pero siyempre dahil away kong mabulyawan na naman netong babeng toh ay naghintay na lang ako patiently dito sa loob ng car ko. At Kahit naman hindi niya na ako sabihan noh. Mapagdiskitahan pa ako ng mga tambay or worse! Mga manyak na lasin dyan. Ang ganda ko kaya!
Binaba ko nalang yung built-in mirror ng kotse kong to na pina customize ko pa talaga ang loob. Para maging mas madali yung pag reretouch ko if ever nung nagmo-model pa ako.
Inayos ko lang yung hair ko na naka-curl at yung strappy sleeves netong simple mid-thigh cut na itim kong dress. Kinuha ko lang toh from my collection sa boutique ko. Ako kaya nag de-design ng mga clothes dun sa shop. =3=
May kumatko naman sa window ng driver's side. Si Ali na pala. May kasamang guy. Haha. Eto na siguro yung Marvin. Kaya pala patay na patay dito si best eh. Teka nga. Baba na ako para naman makilatis na etong lalake ng bespren ko.
Pinatay ko na yung makina ng kotse ko at nilagay sa black clutch ko yung keys. Pati narin yung cellphone at lisensya ko and pera. In case lang naman. Tas lumabas na ako.
"Ay Bestfriend! Ang ganda mo talaga. Wag ka nang bumalik sa pagmomodel ha! Mahirap kang karebal eh!" Niyakap ako nung bruha. Natawa naman ako sa kanya. Pero mabatukan nga.
"Aray naman Best! Masakit!" nagpout siya tas hinimas yung ulo niya. Parang ewan kasi eh.
"Ikaw eh. :P" Binelatan ko siya. So mature, I KNOW. Paki niyo ba? Hmph.
Bigla namang may tumawa sa likod ni Alicia. Oo nga pala. Yung lalaki niya -__- siya na.
"Ay! Nga pala Best! Eto nga pala si Marvin! Marvin, si Cynthia best friend ko. Cynth, si Marvin-" Hindi niya na natapos yung sasabihin niya kasi umechos ako. Haha.
"Lalaki mo. Hi Marvin. Nice to meet you. FINALLY." Nakangisi kong sabi. Namula naman si Ali at sinamaan ako ng tingin. Tumawa naman si Marvin. Hmm. Gwapo naman siya, syempre model nga eh. Kaya lang di ko type. Haha. Masyadong pa model ang dating. Haha. Whatever.
"Same. Tara na't pumasok? I'm sure kanina pa tayo hinihintay nung mga ulul kong tropa." sabi niya tas pumaikot ang isang kamay sa waist ni nangangamatis na Ali. Haha! Malakas talaga tama neto sa Marvin na toh. Ngayon lang yan nangangamatis sa actions ng isang guy eh!
Sige na. Siya nang lumilevel-up ang love life. Ako nang sawi. Haha. Bittter kung bitter! Aba! Proud member kaya ako ng Samahan ng Mga AMPALAYA! Hmph. :P
Nagtuloy tuloy lang kami sa pagpasok sa bar earning us a few glares, snorts, at reklamo from the others na nakapila.
"Isa sa barkada ko ang may-ari ng bar. Siya rin ang may pakana netong party." pag-eexplain ni Marvin. Nasa unahan ko silang dalawa naglalakad at mukang napaka-sweet nila ha. Sige na. Sila na talaga! Amp.
Dumiretso kami dun sa private room sa dulo at well, kung anong dinami ng tao sa labas ay ganun din naman ang tao dito sa loob. Lels.
"Uy! Marv pare! Andito ka na pala!"
Napatingin na lang ako dun sa may kanan ko kung nasaan ang bar. May isang lalaki-oo, gwapo. CHOS-ang papalapit sa amin na may kasamang isa pang lalaki. Gwapo din syempre.. well, ata. Medyo dim kasi ang lighting dito tas add mo pa yung disco lights and laser thingy. Ugh. This is why I hate places like this. Ang sakit lang sa ulo. Crowded pa.
"Pare!" bumitaw naman saglit sa Marvin kay Ali para makipag manhug dun sa dalawang lalaki. "Nga pala, mga kasama ko si Alicia," turo niya kay Ali, "At si Cynthia." Sabay turo niya saken. Nagsmile lang ako habang si Ali naman, ayun, kinacareer ang pakikipag socialize dun sa friends ng bago niyang lalaki. Haha.
"Jared nga pala. Red nalang." sabi nung guy na tumawag samin kanina. Hmm... mukha namang mabait. Haha. Ok. Adik na ako.
"Hi. Cynthia. Pero you already know that." nakipag shake hands ako sa kanya tas yung isang guy naman kinuha bigla yung kamay ko pagkabitaw nung Red. Ok. Di naman siya mukhang excited?
"I'm Christian Mendrez. Ikaw si si Isabelle diba? Yung mode-" hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi biglang tinakpan ni Red yung bibig niya. "Ok. Mag-enjoy na lang tayo. Mamaya na yan."
Phew. Thank you naman. Haha. Ayaw ko ngang pag usapan ang career ko dati as a model. Don't get me wrong ha. Minahal ko rin ang pagiging model ko. Sikat din kaya ako. I was known as Cyn Isabelle. Sadyang napamahal na lang siguro ako sa tahimik kong buhay as a boutique owner.
"Ahaha. Sorry. Fan mo kasi ako dati eh." nagulat naman ako dun sa nagsalita. Si Christian pala. Sinabihan ko lang siya na ok lang tapos inaya na kami ni Red na pumunta na sa table na nakareserve para samin. Sosyal lang eh. CHOS.
Tama si Red. Dapat ienjoy etong gabing toh. Minsan na nga lang ako magliwaliw eh. Lulubus-lubusin ko na toh.
Countless shots of whatever drink Red ordered, kalahati sa grupo namin, which is yung dalawang lalaki at si Ali ay lasing na. Hindi naman ako adik sa alak pero mataas for some reason ang alcohol-tolerance ko. Pero medyo tipsy na rin naman ako. Ikaw banamang painumin ng napakaraming shots. Amp.
"Marv sayaw tayo~" napatingin naman ako sa katabi ko. Ampupu. Lasing na lasing tong si Ali ah. Pero medyo nagulat ako nung hindi man lang humawak ng alak tong si Marvin. Siya daw kasi maghahatid dito kay Ali. Incidentally, kasama rin pala siya ni Bruka sa Paris. Huh. Ok. Sila na talaga. =3=
So ayun. Sumang-ayon naman si Marv. Si Christian naman, andun sa may bar, may kahalikan na girl. Ugh. Boys. Maya-maya, iniwan na rin ako ni Red. May business pa daw kasi siya sa office niya. Siya nga pala ang owner netong Ozone.
Psh. Business my face. If I knew better, may babae lang yang "business" dun sa office niya. Boys talaga.
So eto na naman ako. Mag-isa dito sa table. Nainom ng beer with coke. Haha. Funny how I always seem to end up alone. Pathetic little me.
Uminom lang ako at pinapanood yung mga tao sa fance floor nang may nakapukaw ng atensyon ko. Sa may bar nakaupo ang isang lalaki. Hindi naman sa kilala ko yung guy or anything ha. Kasi naman. Nakatitig sakin yung guy. And shet lang. HOT siya. Para siyang isang nag-rerelax lang na CEO sa suot niyang crisp white long sleeve dress shirt na nakafold yung sleeves at black dress pants. Tapos his face. Shoot. Parang Adonis lang ang peg ha. Match it with his messy lump of black hair na parang ang sarap hawa-TEKA NGA!
Shit. Tinamaan na ata ako netong iniinom ko eh. Kung ano ano na naman napasok sa isip ko. Tsk. Iniba ko agad yung direksyon ng tingin ko bago pa man kami magtama ng mata.
Nakakatunaw rin siya ha.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
OK. Hahaha. tapos na ang chapter two!
Vote vote din pag may time ;D
chos. XD
BINABASA MO ANG
Mr. Player and I
RomanceWhat if pinag sama mo ang isang babaeng bitter at ang isang player sa isang naughty relationship? Hahaha. Find out~~~