1

10 0 1
                                    

  "Okay, it is stated in the contract that you will be staying in Infinite's dorm." 


Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng band manager namin. I mean, we don't need to be in the same roof just for a concert. Hindi naman kami magfifilm ng We Got Married.


 "Why do we need to?"


Nakakunot noo kong tanong sa manager. 


 "Ate, ano ka ba. It's okay lang naman." Nakangising sabi ng maharot kong kapatid na si Laureen. Crush na crush nya kasi si Sungyeol and I know for a fact na isa sa mga pangarap nya na makasama si Sungyeol sa isang bubong.


 Tumingin ulit ako sa manager namin para maghintay ng sagot, "Since magkaiba ang music style and genre niyo, you need to get to know each other more. Kasi you need to compose songs for a mini album din." 

"What?! We will be releasing an album?!"

Omg. This is a good exposure for our band too. Kaya okay na din pala. This may be a good idea din. I heard one of their members ay magaling magcompose.


"Where do we need to sign?" I smiled.

 ———— ————————————————————————


We're here sa tapat ng dorm ng Infinite. I am a little bit nervous kasi hindi naman talaga kami ganun ka close. What I meant by good friends kasi is we greet each other whenever we see each other. Yun lang. Kumbaga, hindi naman kami textmates, callmates o chatmates. We just see each other kapag merong gig or performance. Names nga lang nila ang alam ko.  Pero there's no backing out. Eto na! This is it! 


 Pagpasok namin, sinalubong kami manager ng Infinite. 


 "Hi. Thank you for accepting the proposal. We are really grateful. Sorry hindi kayo mawewelcome ng members, they have a schedule kasi today so baka mamaya niyo pa sila mameet." 


 Tinuro nya samin ang kwarto namin ni Laureen. Hindi naman ito maliit, hindi rin malaki. Sakto lang. May dalawang single sized bed, closet at dresser.


 "Ate, matulog na muna tayo at pagod na ko." 


 Medyo malayo kasi itong lugar nila saamin kaya natagalan sa biyahe.


 "Oo sige. Mamaya na tayo magayos ng gamit."


———— ———— ———— ———— ———— ———— ———— 


"Nandyan na sila?" 


"Anong gagawin natin? Anong sasabihin natin?"


"First time magkakaron ng babae dito sa dorm."


"Wag nga kayo maingay baka magising natin sila!"


Nagising ako dahil sa mga tinig na naririnig ko mula sa labas ng kwarto. Nandito na sila. Agad ako napaupo mula sa aking pagkakahiga. Ginising ko si Laureen at sinabing nandito na sila sa dorm. At ang bruhang iyon ay kinilig dahil makikita niya na daw ng malapitan si Sungyeol.  

We are INFINITE (Fan fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon