We're on our way sa company ng Infinite para sa isang meeting. Nakasakay kami sa van nila. Ganito pala ang van ng mga boygroup. Akala ko may mga brief at boxers na nakakalat. Kahit sa dorm nila, napakalinis.
Si Sunggyu ay nasa harap. Magkatabi sina Sungyeol, Laureen at Sungjong. Si Hoya, Dongwoo at Myungsoo naman ang magkakatabi. At kami ni Woohyun ang nasa likod.
Salamat sa napakalupet at nakakainis na tandem ng kapatid ko at Sungyeol.
Flashback
"Sinong pinakagwapo samin?"
Lahat sila ay nagaantay ng sagot ko. Osige na nga, magsasabi nalang ako ng totoo. Tutal truth naman ang sinabi ko.
"Woohyun"
Lahat sila naghiyawan at inasar kami sa isa't isa. Kami daw ang bagong loveteam na makakatalo kay Park Shin Hye at Lee Min Ho. At dahil si Sungyeol ang nangunguna sa pangaasar sa amin, ang kapatid kong magaling ay halos ibugaw na ko kay Woohyun. Alam ko namang chumachansing lang siya kay Sungyeol.
*end of flashback
Hanggang sa ngayon ay pinagkanulo nila kami dito sa dulo ng van. Hindi naman awkward. Joke, awkward talaga pero Woohyun seems so cool about it. Kaya umakto nalang akong wala ding pake.
Madaling makasundo ang myembro ng Infinite. Hindi sila brats at hindi rin sila maarte. Kaya nagkakasundo kami.
Nang makarating kami sa company nila. Dumiretso kami sa conference room para makausap ang CEO nila. Sinumulan ng CEO nila ang pagbabasa sa contract at iba pang details tungkol sa concert.
"As for the promotions, balak sana namin kayo ilagay sa mga variety shows. Tutal kalat na rin naman ang collaboration niyo, kailangan natin to imaximize."
Lahat kami ay nakikinig sa mga susunod na sasabihin ng CEO.
"We're planning na isama kayo sa We Got Married... May suggestion ba kayo kung sinong pair?"
"Woohyun at Kathleen!" Sabay na sigaw ni Laureen at Sungyeol.
Nagkatinginan kami ni Woohyun at mukang nagets naman namin ang isa't isa. Sabay kaming sumigaw ng, "Sungyeol at Laureen!"
Ang natitirang miyembro ay nagtawanan at sumangayon na si Sungyeol at Laureen ang magppromote sa We Got Married. Nag-appear kami ni Woohyun dahil nailipat namin ang pangaasar sakanilang dalawa.
"Okay. So, We Got Married is settled. Other promotions would be Weekly Idol, Running Man & Hello Counselor. Since, malayo pa ang concert, madami pa tayong pwedeng maging promotions."
Nagdiscuss lang ng mga details pa tungkol sa contract and mga DOs and DONTs and natapos na. Sa van, pinagkanulo namin si Sungyeol at Laureen sa likod. Haha. Pabebe pa tong si Laureen, e kinikilig naman yan. Sus. Haha!
Ang awkward nilang dalawa. Hahahaha! Ang tahimik tuloy sa van.
****
"Ate naman, bakit mo naman kami sinuggest na pair?" pagmamaktol ni Laureen ng makauwi kami sa dorm.
"Hala pabebe ang ate mong girl. Bakit ayaw mo ba?"
"Gusto..... kaso ang awkward tuloy namin."
"Ayaw mo nun, para lang kayong maglalaro ng bahay bahayan."
Parang nagkaron ng bumbilya sa taas ng ulo si Laureen at I'm sure naiimagine niya na mag-asawa sila.
Laureen's POV
Nagising ako dahil sa matinding pagkauhaw. Feeling ko ay isa akong camel sa isang disyerto dahil sa pagkauhaw. Lumabas ako ng kwarto at pumuntang kusina.
Pagkakuha ko ng tubig ay naalala ko nanaman ang water scene namin ni Sungyeol nung unang araw namin dito sa dorm nila. Feeling ko kasi eh nagmadali talaga siyang kumuha ng tubig para sakin. Hihi.
Tapos makakasama ko pa siya sa We Got Married. "Waaaaaaah!!" Napasigaw ako ng biglang may yumakap sa likod ko. Pagkatingin ko kung sino, si Sungyeol lang pala.
"Ano ka ba ginulat mo ko!" Ngumiti siya bago sumagot.
"Ginulat mo rin ako sa pagdating mo sa buhay ko."
BINABASA MO ANG
We are INFINITE (Fan fic)
FanfictionKathleen and Laureen are the vocalist of a band named Blind Turn. What will happen if they would have to work with their rival Infinite? Will there be a harmonious relationship between them? Or the rivalry will prevail?