4

8 0 0
                                    

Kathleen's POV 


 "Huy Laureen, bumangon ka na dyan!"


 "Ayaw! Ayaw ko!"


Ano bang topak nitong isang to. Pinagising ko na nga siya kay Sungyeol eh. Ayaw niya ba non, unang mukang nakita niya ay si Sungyeol. 


 "Ano bang inaamok mo diyan? Pinagising na nga kita kay Sungyeol eh"


"Ayun na nga ate, e. Bakit siya pa?"


Hala, baliw na to. Natuluyan na talaga. Wala na sa tamang pagiisip. Hinayaan ko nalang muna siya at lumabas na sa kwarto. Bahala siya magutom diyan. 


 "HAHAHAHAHAHAHAH" Rinig kong tawa ni Sungyeol. "Huy, ano nangyare kay Laureen?" Tanong ko kay Sungyeol. 


 Tumingin siya sakin, ako naman e nagaantay sa sagot niya... "HAHAHAHAHA" 


Wala, wala ng pagasa. Baliw na talaga. "Magsama nga kayo ni Laureen pareho kayong baliw."


Nakasalubong ko si Hoya at tinanong ako kung bakit ako nakasimangot. Sabi ko nalang may dalawang baliw sa bahay. Kailangan ng dalhin sa mental. Haha.


****

Laureen's POV


Okay na. Naka move on na ko sa nangyari at nagugutom na rin ako. Pwede ko na kainin yung buong ref sa gutom ko. Bahala na si Sungyeol, hindi ko nalang siya papansinin.

Nagsuot ako ng jacket bago ako lumabas ng kwarto. Paglabas ko halos walang tao. Nasaan sila? Bumalik ako sa kwarto para tignan ang cellphone ko kung nagtext ba si ate.


Kathleen:

Nasa company ako, meeting daw para sa isang promotion with Woohyun and Myungsoo. 


Ah, okay. So nasaan yung iba? Paglabas ko ng kwarto saktong lumabas din ng kwarto si Sungyeol. Nagiwas na agad ako ng tingin at dumiretso sa kusina.


"Nagugutom ka? May pagkain diyan sa ref, iinit mo nalang." Sabi sakin ni Sungyeol.  Tumango nalang ako bilang sagot sakanya. 


"Don't worry. Kunwari nalang wala akong nakita." Tumawa siya ng malakas at sinamaan ko siya ng tingin. Kung nakakasunog lang ang titig ay abo na siya ngayon. "Joke lang. Hindi na, hindi na talaga. Let's just pretend that that didn't happen." 


Ngumiti siya at nagthumbs-up. Kaya ngumiti na rin ako sakanya. Sinabayan niya na rin ako habang kumakain. "Nasaan yung iba?" Tanong ko sakanya. Wala din kasi yung ibang members dito sa dorm. 


"Hindi ko alam eh. Baka nagppractice si Hoya, Dongwoo at Jongie o kaya nag gala. Tapos si Sunggyu naman, ewan ko, baka nagpapamasahe, lolo na kasi e."  Sagot niya habang nilalantakan yung pagkain na dapat ay akin. Tsk!


"Eh ikaw? Bakit nakatambay ka lang dito?" Tinaasan niya ako ng kilay na para bang ang weirdo ng tanong ko. "Luh, may babae kasing ayaw lumabas ng kwarto kanina kaya nagpaiwan ako para may kasama ka." 


Nararamdaman ako ang pagpula ng pisngi at paghataw ng puso ko. Uminom ako ng tubig para mabawasan ang init na nararamdaman ko sa aking mukha. 


After naming kumain ay naghugas kami ng plato. Feeling ko nagppractice kami para sa We Got Married eh. Hahaha! After naming iligpit yung pinagkainan namin, ay nanuod nalang kami ng tv.


"Anong first impression mo sakin?" Out of the blue na itinanong sakin ni Sungyeol. "Weirdo." Natatawang sagot ko sakanya. Pero totoo, weirdo talaga ang tingin ko sakanya kaya nga siya yung gusto ko sakanila e. Attracted ata ako sa weirdo. 


"Ano?!"  Akala niya ata nagbibiro ako kaya inulit ko pa yung weirdo. But I was shocked with his next move. 


He pinned me on the couch. Humahataw ako puso ko. Hindi ko alam ang gagawin. Dapat ko siyang tadyakan o kaya sipain pero hindi ko ginawa. Hinayaan ko lang siya. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sakin. Konting konti nalang ang pagitan ng labi namin. Isang galaw ko lang ay maglalapat ang mga ito. 





"Sino nga ulit yung wirdo?" 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We are INFINITE (Fan fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon