Kinabukasan umuwi ulit ako nang maaga. Hindi na ako dumaan sa garden kasi napagtanto ko ng tama yung sinabi ni Jelo, wala namang nangyayari sa paghihintay ko sa kanya. Nag-aaksaya lang ako ng oras. Pero ang totoo, may ginagawa lang talaga akong mahalagang bagay kaya umuuwi agad ako ^_^
Habang naglalakad pauwi, sa baba lang ako nakatingin. Ang dami ko kasing iniisip. -_-
"OUCH!" napalingon agad ako. Alam ko kasi kung kaninong boses yun. Nakita ko si Jowen habang naka-upo. Mukhang nadapa ata siya. Kahit hindi na kami close lumapit agad ako sa kanya para tulungan siya. Inalalayan ko siyang tumayo.
Napasigaw ulit siya nang mahawakan ko yung sugat sa siko niya. Buti na lang may band-aid akong dala sa bag. Inabot ko sa kanya. Nung una tinititigan niya lang pero kinuha niya rin. Natatawa akong habang tinititigan siya.
"bakit ka tumatawa?"
"ah-- mukhang hirap na hirap ka kasing maglagay ng band-aid sa siko mo. Tsk. Akin na nga!" kinuha ko sa kanya yung band-aid. Medyo nangangatog ako kasi ang lapit ko sa kanya. Kinausap ko siya para medyo mawala yung awkward feeling.
"Bakit ka ba nadapa? Saan ka ba kasi tumitingin at hindi mo nakita na nasa bandang gutter ka na pala. Tsk"
Kung assuming lang ako baka naisip ko nang nakatingin siya sa akin kaya hindi niya napansin yung gutter.
"w-ala ka nang p-akialam dun"
Ang sungit niya. Nakakainis na nakakakilig. HOMAYGHAD.
"sungit. Sige mauna na ako" lumayo na ako bago niya pa makita na nangingiti-ngiti ako sa ginawa niya.
Kinabukasan ganun ulit. Maaga akong umuuwi para makagawa ng mas makabuluhang bagay kaysa sa pagpapantansiya sa kaniya. Tanghaling tapat kaya sobrang init. Bumili ulit ako ng shake sa isang store malapit sa village namin.
"Miss isa nga pong mango shake" pagkasabi ko ng order tumalikod na ako sa counter. Sakto paglagay ko ng wallet sa bag nakita ko si Jowen.
Ang aga niya na umuuwi ah?
O.o
Napatingin kasi siya sa akin. Feel ko hindi niya ineexpect na nandito ako kasi bigla niyang binalik yung tingin niya sa akin pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad. Akala ko hihinto siya at bibili rin ng shake. -_- Nakakainis.
Paglabas ko ng store tumingin ako sa cellphone para tingnan yung oras. Ay Grabe! 30 mins kong hinintay yung mango shake na 'to. Wala ba silang blender kaya mano-mano na lang yung pagshake nila sa inumin na 'to kaya napatagal? O kaya baka wala silang ice grinder kaya yung pangkudkod ng yelo na gamit yung kamay ang gamit nila? OA ko masyado... Kung anu-ano na pinag-iiisip ko.
Teka... tama ba yung nakikita ng mata ko? Si Jowen kasi nakaupo sa isang nakatagong bench dun sa park malapit sa village kaya hindi siya masyadong kita pero alam kong siya yun. Buhok pa lang niya alam ko na eh. Bakit nagtatago siya dun? May hinihintay kaya siya? GF niya? Ouch.
Pinagtataksilan niya ako? -_- Makapag-isip naman ako advance... Hindi naman kami eh. Tsk.
Nagmadali na akong maglakad. Ayokong tumingin ulit sa kanya pero yung mata ko kusa na lang napapatingin sa lugar kung nasaan siya. Nakita ko siyang nakatingin sa store na pinagbilhan ko ng shake. Eh? Inaabangan niya ba yung paglabas ko? Medyo kinikilig ako. Bakit hindi na lang siya bumili kunwari para kasabay ko siya. Ang torpe naman ng first crush ko at napaka-assuming ko naman para mag-isip nun.
Masaya na ako sa naisip ko kahit alam kong imahinasyon ko lang yun kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. Binagalan ko yung lakad ko pagkapasok ng village . TRIP KO LANG ^_^ Dalawang street na lang ang dadaanan ko at bahay na namin. Tumingin ako sa likod at nakita ko siyang nakapamulsa, ang lungkot niya ata?
Nanlaki yung mata niya pagkakita sa akin sabay lakad nang mabilis. Tumingin ulit ako sa harapan ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Palapit ba siya sa akin? Hala~ anong gagawin ko?" nanlalamig yung kamay ko. Feel ko buo-buo na yung pawis sa gilid ng pisngi ko. Parang sumasakit tiyan ko na ewan.
"Jen!"
Ako nga. Inhale, exhale. Lumingon ako sa kanya.
"B-akit?"
"p-unta ka b-ukas sa birthday ko ha--?"
"birthday mo bukas?" pakunwaring hindi ko alam. AKO PA?! Miski nga ata birthday ng aso nila alam ko eh, sa kanya pa kaya? HAHA.
"OO. Nakalimutan mo na?"
"Sa sobrang dami ng iniisip ko nakalimutan kong birthday mo na pala bukas. Sige pupunta ako" kaya naman talaga ako umuuwi nang maaga kasi GUMAGAWA AKO NG REGALO para sa kanya. Mas maganda kung yung regalo pinagpapaguran. ^_^ Take note: Hindi ako gatecrasher ah! Sinabihan na kasi ako ng mommy niya last week na pumunta sa birthday niya.
BINABASA MO ANG
First Crush ♥ [ Short Story ]
Short StoryPaano nga ba nagsisimula ang mga love stories? Typical na masyado ang pag-aasaran hanggang sa mauwi sa pagkakadevelopan o kaya naman magkaibigan na nagkainlove-an. Ibahin natin ang story na 'to. Gusto niyong malaman kung paano tatakbo ang istorya...