First Crush ♥ [ Short Story ]
ROMANCE, SHORT STORY, HUMOR [G]
© May 2013 MissHaYoung ALL RIGHTS RESERVED
=====
"Miss Cruz! Please pay your attention. Baka makakuha ka ng mababang score sa quiz mamaya dahil sa katititig mo kay Mr. Oñate"
"P-O? Hindi po ako nakatitig sa kanya" pakuwari kong hindi pero nakatitig talaga ako. Mali, nakatingin lang pala. Malay ko bang kusang napupunta yung mata ko sa kanya. -_-
"SUS~ okay lang naman na titigan mo siya pero sana yung tenga mo nasa lesson na dinidiscuss ko." pang-aasar ni ma'am. Nilalaglag ako porket may kaunting alam siya sa mga nangyayari sa buhay ko. Kapit-bahay kasi namin siya. Ang hirap kaya ng ganun. Hindi ka makakilos nang maayos dahil alam mong may matang nagbabantay sa iyo. Miski pagkakilig ko patago ko pang ginagawa. -_-
Pagkasabi nun ni ma'am biglang naghiyawan yung mga kaklase ko. Napayuko na lang ako. Ito na naman, makakarinig na naman ako ng side comments nila.
"yooo! BAGONG LOVE TEAM!"
"LIPS TO LIPS!!!" gusto kong bugbugin yung nagsabi nito. Joke lang~
"Ayiee. Ikaw Jennelyn ah! Crush mo pala si Jowen! Haha"
"Hindi ah!" sabi ko na lang pero ang totoo, CRUSH KO TALAGA SIYA. Siya yung First Crush ko. Grade 1 pa lang kami nung nakagusto ako sa kanya. Ang bait niya kasi nun...
Ngayon...
Ang gwapo niya na. Sobra! KAGWAPUHANG HINDI MO TALAGA KAILANMAN INAKALA. Pero ngayon nag-iba na siya. Naging heartthrob lang snob na. Tsk.
"Okay class! Tama na 'yang landian. Get 1/2 sheet of paper. May short quiz tayo"
Parang biglang pinagsakluban ng langit at lupa yung mga kaklase ko. Ito nanaman kasi yung short quiz ni Ma'am na mala long quiz na dahil umaabot sa 40 items. Paano pa kaya yung long quiz namin? -_- buti na lang laging short quiz ang sinasabi niya.
Makakarinig na naman ako ng mahihiwagang boses ng mga classmate ko "Pengeng papel Jen!" SCHOOL SUPPLIES NG BAYAN ako sa room namin eh.
"WALA. UBOS NA!" sabi ko na lang kahit meron talaga.
"ah. Okay. JOWEN! PENGE RAW PAPEL SI JEN!" sabi nung bestfriend ko. Bigla siyang lumingon sa amin. Napatingin tuloy siya sa akin.
*dug dug dug dug*
"H-indi Jowen. H-indi ako n-anghihingi" nabubulol ko sa kanyang sabi sabay wave ng kamay.
"ANO KA BA JELO! Bakit sinabi mo yun?"
"Sabi mo wala kang papel kaya hinihingi na kita."
"may papel ako. Wait! Kukunin ko lang sa bag ko!"
Pinagpawisan ako dun ah. Hindi naman kami close ni Jowen para hingan ko siya ng papel. Dati lang yun nung elementary kami pero simula nung mag-highschool umiiwas na siya sa akin kaya nawala yung closeness namin. Tsk.
=====
"Okay class. Congratulations kay Ms. Cruz dahil siya ang nakakuha ng pinakamataas na score sa quiz. Mukhang inspired ata dahil nakasimpleng silay kay Mr. Oñate na siya namang naging pangalawa sa pinakamataas as well as Ms. Pading. Ikaw Jelo Pading, nagkopyahan ba kayo ni Jen?" pang-aasar ni Ma'am.
"HINDI PO!" sabay pa naming sabi. Nagtawanan yung mga kaklase ko. Akusahan daw ba kaming nagkopyahan porket magkatabi kami? Tsk. Maling mali. Napatingin ako kay Jowen.
Nangingiti siya pero hindi ko alam kung dahil ba sa pag-aakusa ni ma'am o dahil sa pang-aasar ni ma'am na siya yung inspiration ko. SANA NGITI NA LANG YUN NG PAGKAKILIG dahil sa pang-aasar ni ma'am. ^_^
Pagkatapos ng klase hinila ko agad si Jelo sa garden. Alam ko kasing dun yung tambayan nila Jowen at ng barkada niya. Naglabas ako ng notebook pagkaupo sa bench. Kunwari nagbabasa pero pasimple lang talagang tumititig sa kanya.
"Anong oras na Jelo?"
"3:15 na"
"45 mins na lang at uuwi na sila"
Ilang buwan ko na rin palang ginagawang maghintay sa kanya ng isang oras sa garden ng school para makasabay siyang makauwi. Magkavillage lang naman kami eh kaso masyado akong duwag para sabayan siya sa paglakad kaya ang nangyayari, lagi lang akong nasa likod niya.
"Jen umuwi na lang tayo."
"ha? 43mins na lang naman eh"
"hindi ka ba naaawa sa sarili mo?! Lagi ka na lang naghihintay sa kanya pero wala naman yun nagagawa para mapalapit kayo sa isa't isa."
Tama nga si Jelo. Nagmumukha lang akong obsess sa ginagawa ko. Mukha naman na talaga pero hindi pa ganun katindi.
"Sige uwi na tayo." Inayos ko na yung bag ko. First time kong umuwi nang maaga -_- Pagkatayo ko tumingin ulit ako kay Jowen. Masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.
Pagkalabas ng garden, hindi ko napigilan yung mata ko na makalast sulyap sa kanya. Nakita ko siyang nakatayo na parang may hinahanap sa paligid. Pagkatapos nun hindi ko na alam kung ano pa yung nangyari sa kanya kasi nawala na siya sa paningin ko.
Bumili muna ako ng shake bago pumasok sa village namin. Ang init kasi. Pagkaorder umupo muna ako. Saktong paglagay ko ng bag sa isang upuan, nakita ko si Jowen na papauwi na. Napaaga ata siya? 3:24 pa lang eh.
"Miss ito na po yung order mo" kinuha ko yung shake sabay abot ng bayad. Mabagal lang yung lakad ko habang ninanamnam yung iniinom ko.
Kita ko pa rin yung likod ni Jowen mula sa kinatatayuan ko. LIKODGENIC siya. Alam mong sa likod pa lang na gwapo ang naglalakad. Yiee~ ang laki ng hakbang niya kaya tuloy mabilis siyang napapalayo sa paningin ko pero kita ko pa rin siya.
O.o
Bigla siyang huminto sabay tingin sa kaliwa, kanan at... LIKOD. Nakita niya ako na nakatingin sa kanya. OMGEEE. Baka isipin niya na totoo yung rumors na kumakalat sa room. Totoo naman talaga yun pero tinatanggi ko kaya alam kong hindi na siya naniniwala sa mga yun.
Nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad pero parang lumiit na yung hakbang niya. Napapalapit tuloy ako lalo sa kanya. Binagalan ko na lang din yung lakad ko. Pagkatapos ng 5mins na paglalakad, dalawang bahay na lang ang pagitan namin.
Hindi ko binilisan yung lakad ko ah! Sadyang bumagal lang talaga yung lakad niya. Ewan ko... baka napagod na siya kasi ang bilis niya kanina. Tsk.
Tatlong ruler na lang siguro yung pagitan namin ngayon. Bigla siyang huminto kaya nagkapantay kami pero binilisan ko yung lakad ko hanggang sa malampasan ko na siya. Nangangatog yung tuhod ko. First time yun after so many years na makalapit ulit sa kanya.
Papaliko na ako sa street namin nang bigla niya akong tawagin.
"Jen!"
Medyo nanginginig pa yung ulo ko paglingon ko sa kanya.
"ah? B-akit?"
Kung saan-saan siya tumitingin. Hindi rin mapakali yung ulo niya.
"ah---wala. Sige. Bye"
BINABASA MO ANG
First Crush ♥ [ Short Story ]
Historia CortaPaano nga ba nagsisimula ang mga love stories? Typical na masyado ang pag-aasaran hanggang sa mauwi sa pagkakadevelopan o kaya naman magkaibigan na nagkainlove-an. Ibahin natin ang story na 'to. Gusto niyong malaman kung paano tatakbo ang istorya...