Napuyat ako sa paggawa ng scrapbook kaya nalate ako ng gising. Okay lang kasi saturday naman ngayon kaya walang pasok. Medyo excited na ako sa birthday ni Jowen mamaya. Sana magustuhan niya yung regalo ko. Grabeng effort kaya binuhos ko rito kaya sana matuwa siya.
Pagkarating ko sa bahay nila, sinalubong agad ako ng mga friends niya. Ay grabe? Ako lang ata babae rito maliban sa ate at mga pinsan niya. Lalaki kasi barkada ni Jowen... siyempre. LALAKI SIYA EH. Tsk.
OP ako. -_- Hindi ko naman makita si Jowen saka for sure hindi ko rin siya makakausap. Ininvite niya pa ako kung gagawin niya lang akong wallflower dito. May lumapit sa aking classmate ko. Lalaki siya pero mas close ko siya kaysa kay Jowen.
"JEN!"
"Hello Stephen. Ahm, si Jowen? Nasaan na siya?"
(A/N: Read Love Train ♥ [ LRT Love Story ] para po malaman niyo kung sino si Stephen)
"Nasa loob pa siya. Kanina pa nga 'yun pabalik balik dun eh. Sobrang nag-aayos. Tsk. Puro lalaki naman kami rito. Baka nagpapapogi siya para sa 'yo. HAHA" Nahampas ko na lang siya sa balikat.
"Ahaha. Pogi na siya kaya hindi na niya kailangan pang mag-ayos. HAHA" kiniliti ako ni Stephen sa tagiliran.
"Cheesy yun ah! Ikaw talaga Jen! Type na type mo si Jowen"
"Keyboard na keyboard ko talaga siya." bulong ko sa kanya kaya nilapit ko pa yung bibig ko sa tenga niya. Nagtawanan lang kami sa isang gilid. Pagkaturn ko ng ulo sa kanan nakita ko si Jowen. Nakatitig lang siya sa aming dalawa. Blank expression lang yung nakikita ko. Lumapit ako sa kanya para batiin siya.
"Happy Birthday Jowen" sabay abot sa kanya nung regalo ko na nakalagay sa paper bag. Kinuha niya lang pero nakatingin pa rin siya sa akin.
"pasensiya na kung naabala ko yung paglalandian niyo. Sige bumalik ka na sa kanya. Tsk. Naistorbo ko pa kayo." ano bang pinagsasasabi niya?
"nakikipag-usap lang ako sa kanya hindi yung katulad ng iniisip mo"
"Edi makipag-usap ka ulit sa kanya! Mukhang nae-enjoy mo naman eh!!!" galit na yung tono ng boses niya.
"ano bang pinuputok ng butsi mo?! Nagagalit ka porket nakikipag-usap lang ako sa kanya. Tsk. Isip-bata. Pasabi na lang kay tita na umuwi na ako kung sakaling hanapin niya ako. Sumama na pakiramdam ko. Happy birthday ulit"
Lumabas na ako ng bahay nila. Dirediretso lang ako. Hindi man lang niya ako pinigilan. Nakakabadtrip.
BINABASA MO ANG
First Crush ♥ [ Short Story ]
ContoPaano nga ba nagsisimula ang mga love stories? Typical na masyado ang pag-aasaran hanggang sa mauwi sa pagkakadevelopan o kaya naman magkaibigan na nagkainlove-an. Ibahin natin ang story na 'to. Gusto niyong malaman kung paano tatakbo ang istorya...