12pm na akong nagising. Grabe~ gising bampira na ako. Nakakainis kasi si Jowen, pinahirapan akong makatulog kaiisip sa ginawa niya kagabi.
Tinignan ko agad yung cellphone ko. May 2 messages. Isa galing kay Jelo at isa naman kay Jowen. Binasa ko muna yung sa kaibigan ko.
|= Uy! Buhay ka pa ba?
Natawa naman ako. Kahapon kasi magkatext pa kami. Kinuwento ko sa kanya yung mga nangyari kagabi kaso naubusan ako ng load kaya hindi na ako nakapagreply. Sunod kong binasa yung kay Jowen.
]> Punta ka sa park. Now na.
Ngayon na raw? Tinignan ko yung message details. O.O
Received: 8:12am
Napabangon agad ako ng kama sabay diretso sa cr. Kanina pa siya naghihintay dun. Naku! Nagtoothbrush at nagpalit lang ako ng damit. Hindi na ako nakaligo sa sobrang pagmamadali.
Pagkarating ko sa park wala na siya. Baka nakauwi na yun. 4hrs ko ba naman siyang paghintayin dito eh. Maling mali. Lumibot pa rin ako sa buong park kahit napapakiramdaman kong nakaalis na siya. Pagkalapit ko sa isang bench, nakita ko yung scrapbook na niregalo ko kay Jowen.
"Grabe! Iniwan niya lang dito. Siguro pinapunta niya lang ako para ibalik yung regalo ko sa kanya. Tsk. Hindi niya man lang na-appreciate yung effort ko" bulong ko sa sarili. Mukhang ewan ako rito na nagmomonologue. Naiinis kasi ako sa kanya. Wala naman masyadong special sa scrapbook na 'to kundi mga pictures lang namin nung close pa kami, baka lang maalala niya yung mga memories namin nun. Hindi niya ba naisip na mano-mano ko 'tong ginawa? ilang oras akong dilat para lang matapos 'to tapos iiwan niya na lang basta.
Umupo muna ako sa bench habang tinititigan yung scrapbook. Pagbuklat ko may mga caption na yung mga pictures. Nakakatawa lang yung mga nakalagay, hindi siya yung nakakakilig. Mga nabasa ko lang "mukha pa akong totoy dito", "uhugin pa ako sa pic na 'to!" "sinong mag-aakala na gagwapo ako ng sobra ngayon after seeing these childhood pictures"
"Ang yabang talaga" napataas na lang ako ng balikat "pero tama naman siya eh. Gwapo na talaga siya ngayon"
Pagkalipat ko sa last page may nabasa akong note.
NOTE SAYS:
TINGIN KA SA LIKOD
Slow motion yung paglingon ko. Medyo nangangatog yung tuhod ko. Pagkatalikod ko nakita ko si Jowen na nakikitingin sa scrapbook. Napatayo ako bigla. NARINIG NIYA YUNG MGA SINABI KO KANINA? Nakakahiya -_- Lumakad siya papunta sa harapan ko.
"ang tagal mo. 4hrs mo akong pinaghintay dito." sabi niya
"ngayon ko lang kasi nabasa text mo. Uuwi na ako tutal nakuha ko na rin naman 'tong scrapbook na binigay ko sa 'yo. Yun lang naman kailangan mo diba? Sige bye!"
Hinawakan niya ako sa braso kaya napahinto ako sa paglalakad.
"sinong nagsabi sa 'yo na 'yan ang dahilan kung bakit kita pinapunta rito?"
"wala. Bakit nga ba at nag-abala ka pa talagang pumunta rito?"
May inabot siya sa aking papel. OH MY GOSH! Paano napunta yung papel na 'yan sa kanya. Hinablot ko agad yung hawak niya.
"Hindi ko alam kung nalagay mo lang nang hindi sinasadya yung papel na 'yan o inipit mo talaga sa first page para mabasa ko kaagad." narinig ko yung mahina niyang tawa. Nakatungo lang ako sa sobrang kahihiyan. Lamunin na sana ako ng lupa ngayon -_- Napa-angat lang ako ng ulo para magrason sa kanya.
"Hindi 'yan para sa 'yo 'no! Tsk! Huwag ka nga mataas mangarap!"
Hinablot niya yung papel na hawak sabay binasa nang malakas. Kinukuha ko sa kamay niya pero mas matangkad siya sa akin kaya hindi ko maabot.
BINABASA MO ANG
First Crush ♥ [ Short Story ]
Short StoryPaano nga ba nagsisimula ang mga love stories? Typical na masyado ang pag-aasaran hanggang sa mauwi sa pagkakadevelopan o kaya naman magkaibigan na nagkainlove-an. Ibahin natin ang story na 'to. Gusto niyong malaman kung paano tatakbo ang istorya...