Dear Chin,
Dahil sabado at mataas ang ranggo
mo sa ROTC ay nakita nga kita ng
mas matagal. Napaka seryoso ng
iyong mukhang pero napaka
lambing ng iyong boses nung
marinig ko yun kanina sa labas ng
campus hangbang nag - aabang ako
sa kickiam na binili ko.Hindi ko din makakalimutan ang
corny ng pick up line ko sayo pero
hindi ko alam kung narinig mo nga
ito, dahil sa natapos ka ng kumaen
ng fish ball noon nagyaya kang
mag sibalik ang mga nag R-ROTC sa
campus tinignan mo ang oras at
medyo malakas na maatoridad na
tinig ang narinig ko mula sayo
"10:10 na pala, magsibalik na kayo"
pag kasabi mo noon ay di ko alam
kung anong sumapi saakin para
sabihin ang " oo 10:10 na para
mahalin mo ako" wala pa atang
isang kilometro ang layo mo saakin
noon kaya parang narinig mo ata
ewan hindi ko alam at tuluyan na
nga kayong pumasok. Nanatili pa
din kami sa labas dahil hindi pa
kami tapos kumaen.Nang mag aawasan na para sa subj.
na Cwts pumunta ang lahat ng
ROTC sa court hindi ko alam kung
anong tawag ninyo doon sa
ginagawa ninyo. Nandoon ka at
inaayos mo ang mga Brad mo
( kung tawagin sa mga ROTC ) balot
na balot ka sa sout mong pang
sundalo at naka sumbrero pawis
na pawis ka. Hanggang sa magyaya
na ang aking mga kaklase upang
kumaen kaya di na kita
napggmasdan pa ulit.- RZ

BINABASA MO ANG
Dear Chin
Cerita PendekLihim na pag-ibig Eto ang diary ko sa taong gusto ko pero hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya. - RZ