Dear Chin,
Di na ako umasa na makikita pa
ngayon pero my part pa din sa isip
ko na sana nakita kita di ko pa din
maiwasan tumingin sa mga
nagdadaanang at mga nakatambay
na Crim student baka sakaling
nandoon ka kasama nila. Pero yun
nga wala ka namang pasok ngayon
kaya siguro di ka pumasok. Ganito
pala yung pakiramdam na mahal
mo ang isang tao pero hindi niya
alam na nasasaktan kana ng wala
siyang alam na istranghero ka lang
sa kanya na isang pangkaraniwang
istudyante na nakakasalubong siya
sa campus na kahit anong pilit na
gusto mo ganito ang mangyari
hindi pa din maaring mangyari ang
gusto mo lang.Sa totoo lang nag iisip na ako sa pag
amin ko sayo, inisip ko na kung
anong gagawin ko pag nangyari
yun anong magiging reaksyon mo.
Layuan mo kaya ako, mandiri ka
saakin, iiwas ka kaya? Yung mga
worst case scenario na talaga
iniisip ko dahil sino nga ba naman
ako. Isa lang naman ako na
humahanga sa tulad mo at
minamahal kahit nakatanaw lang
ano nga namang bang panama ko
sa kanila na isang hamak na
matabang kulot na nakasalamin na
mukhang lalake at boses lalake.
Pero kahit naman ganito ako
nagmamahal din naman ako na
tulad ninyo pare-pareho naman
tayo kumakaen ng kanin, umiinom
ng tubig, mababaho ang utot.
Siguro lamang lang kayo dahil
mapayat kayo.- RZ
![](https://img.wattpad.com/cover/48951281-288-k374305.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Chin
Short StoryLihim na pag-ibig Eto ang diary ko sa taong gusto ko pero hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya. - RZ