Tip No. 14 - Treasure Your Friends

3.3K 97 19
                                    

"Shit, pagod na 'ko," ang sabi agad ni Claire pagpasok dito sa loob ng maliit, windowless at walang ka-art-art na kwarto.

Tumayo siya sa harap ko at in-examine muna ang itsura ko, na malamang kasing dugyot lang ng itsura niya, bago siya humilata sa kama kung saan ako nakaupo.

May isa pa naman higaan sa tapat namin pero talagang pinili niya na sumiksik sa akin. Hinayaan ko na lang siya kasi, hanggang ngayon, medyo wala pa sa tamang frequency ang utak ko dahil sa mga nangyari at ang presence ng kaibigan ko sa tabi ko ay isang malaking comfort.

Talagang pinuntirya ng bruhang malandi na si Stephanie 'yung buong ulo ko kanina, sobrang sakit tuloy nito ngayon. Tumigil na 'yung pagdudugo ng ilong ko pero, feeling ko, tinubuan na ako ng black eye. Maraming strands ng buhok ko ang nalagas at nakakahabag na hindi na sila posibleng mabalik. Napunit pa 'yung sleeves ng jacket ko at mukhang wala nang pag-asa na magawan iyon ng paraan.

Pero, buti na lang, mukhang walang naging effect ang battle with the bitches from hell kay Peanut. Hindi naman kasi sumakit ang tyan ko simula noong tumakbo kami palabas ng coffee shop three or four hours ago hanggang ngayon na hino-hold kami dito sa DSWD temporarily dahil sa disorderly conduct at assault.

Naiinggit pa rin ako sa bilis tumakbo ng kaibigan ni Claire na si Chris, o Christy dahil gabi na, na nakatakas kaya hindi namin siya kasama ngayon. Pero, ang swerte na rin namin na pare-pareho kami nina Kat, Yumi at Claire na wala pang eighteen at hindi naman ganoon kalala ang mga nangyari kaya dito sa DSWD kami dinala ng mga pulis na dumampot sa amin. Hindi nga lang kami makakalabas at hindi ibibigay ang mga gamit namin na na-confiscate hangga't walang dumarating para sunduin kami.

Gusto ko nang umuwi dahil pagod na rin ako at nagugutom na pero thankful ako na, at least, hindi sa loob ng isang selda kami tinapon kagaya ng ginawa kina Stephanie, Stella at Shane. Siguro umiiyak na ang tatlong iyon habang nakakulong dahil mukha silang spoiled brats na hindi sanay sa problema. Nakakaawa tuloy.

No, not really. Sorry, not sorry.

"Kaninong number binigay mo, Shay?" tanong sa akin ni Claire na pinatong na ang ulo sa hita ko para gawing unan. "Sino tinawagan mo?"

"Wala pareho," sagot ko sa kanya. "Ayaw na mag-open ng phone ko kaya sinabi ko na lang, wala akong kabisadong number."

Hiningan kami ng authorities dito ng contact numbers ng mga kamag-anak namin na pwede nilang pagsumbungan at binigyan din kami ng chance na tumawag para magpa-rescue. Hindi nga lang ako nag-comply.

Maganda na rin siguro na nalaglag ang phone ko at naapak-apakan habang pinanggigigilan ko nang bongga si Stephokpok. At least, may nagamit akong excuse.

Kabisado ko naman talaga ang contact details ng mga magulang ko pero hindi ko lang talaga ito binigay at hindi ko rin sila tinawagan. Hindi pa ako baliw para ipaalam sa kanila na hinuli ako ng mga pulis at nasira pa ang phone dahil sa pakikipag-away sa kalsada.

Halos maubos na nga ang buhok ko kanina eh. Baka mapanot na ako n'yan kapag dumating pa dito ang nanay ko.

Umiling-iling na muna ako para matanggal ang nakakabagabag na image ng nanay ko na hinahampas ako ng tingting at hinahatak pauwi bago ko binalik ang tanong kay Claire.

"Ikaw, sino sa'yo?"

"Okay lang sa'kin na hindi na makalabas dito kaysa tawagan ko si Daddy. Kaso lang, baka pinakontak na ni Mads o tinawagan pa niya mismo," sagot niya.

Nagbuntong-hininga muna siya bago nagpatuloy. "Kakausapin ko muna 'yung babaeng 'yon bago ako tumawag o magbigay ng number."

Para naman naramdaman ni Yumi na pinag-uusapan namin siya dahil bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok siya sa loob ng kwarto. In-inspect niya muna talaga ang lagay ko, kagaya ng ginawa ni Claire, bago ako kinausap.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon