<Michael Lewis>
Nakasilip sa bintana si Isabelle, sinundan ko yung tingin niya at nakita ko yung teacher na napili ni Jeremy Roberts.
Ayoko kasi ng responsibilidad pero hindi ako binigyan ng choice ng mga kumag.
Kami ang katapat ng Twelve Blood Disciples. Isipin niyo na lang na kami din sila pero lalaki nga lang.
"Ligaw-tingin nanaman si leader!" Asar ni Phillip Griffin.
"Gago!" Sigaw ko sabay tawa.
"Bakit ba kasi magkalapit pero parang magkabilang mundo kayo?" Tanong ni Steve Ward.
"Kasi kabaliktaran niya ako. Tsaka sinabi na niya sa akin di ba?"
"Ayaw niya sa lalaking walang plano sa buhay." Sagot ni Jonathan Clark.
"Burn!" Pang-aalaska ni Clarence Cooper at tumawa naman yung kapatid niyang si Wayne Cooper.
Lumapit si Henry Sanders sa akin para makisilip, sakto namang yumakap si Zarene kay Isabelle.
Namula ang mokong!
"Hulaan ko kung bakit namumula si Henry. Nakita niya si Zarene." Sabi ni Patrick Harris habang nagbabasa ng libro.
Bookworm Asshole! Nagtawanan kaming lahat.
"Harold, ano bang status ni Mr. Ross?" Tanong ko kasi sabi ni Steven, di daw maganda kasi kakamatay lang ng tatay nito.
"Okay lang yan, he'll get over it." Assurance ni Christopher.
Sige lang, nakita niyo na? Si Harold tinanong ko, si Christopher ang sumagot.
Wala kaming established order gaya ng Twelve Blood Disciples. Magulo kami pero kaya namin tapusin ang trabaho.
And, hindi ko gusto yung white lady na si Isabelle.
I loath her. Ayoko talaga sa kanya kasi masyadong strict at perfectionist.

BINABASA MO ANG
Fione Academy of Secrets
Mystery / ThrillerAng Fione Academy of Secrets ay isang gangster story. One school carrying twelve secrets. As you go along the story, you will learn these secrets, you will meet the students and know them. Four gangs, four teachers, fourty-eight students, fifty-two...