Welcome

11 0 0
                                    

<Kyra>

May kakaibang aura ang bumabalot sa scroll na ito, nung hinawakan ko ito para bang nahila ako sa hiwaga nito.

Pagkatapos iabot sa akin ito ay agad namang umalis yung dalawang babae at hindi ako hinayaang magtanong.

Nakita ko ang isang emblem. Isang dragon na nahati sa kulay puti at itim na bumubuga ng apoy. Ang nakakapagtaka ay parang nakita ko na dati ang ganitong klaseng insignia.

Para makuha ang sagot sa tanong ko, binuksan ko yung scroll.

Ms. Kyra Woodbury,

Good day Miss,

We are the twelve blood disciples from Fione Academy. We are in need of a teacher; an instructor that we can trust.

We are willing to pay you P200,000 per month. In addition to that, we are willing to give out information about your family's death.

We are hoping that you would accept the invitation and would come to Fione Academy as a newly pledged teacher and ally.

The map to our school is on the back of the scroll.

Sincerely,
The Twelve Blood Disciples

Natulala ako sa nabasa ko tungkol sa ibibigay nilang impormasyon tungkol sa mga pumatay sa pamilya ko.

Wala na akong iba pang hihilingin kung hindi ang makita ang pagdurusa ng mga taong pumatay sa buong pamilya ko.

Kinuha ko ang susi ng motor ko at agad na tinahak ang daan papunta sa Fione Academy. Kung kaya nilang magbigay ng impormasyon tungkol sa nga kriminal na yun, ano pa kaya ang kaya nilang gawin?

May nadaanan akong mga puno at para itong liblib na lugar, papasa sa horror show.

Pagbaba ko sa motor ko, napansin ko ang pagdating ng dalawa pang sasakyan.

Nagtinginan kaming apat bago dumeretso sa gate ng Fione Academy.

<Carl Allen>

Para akong tanga na nakatunganga sa black scroll, sino naman kaya naglagay nito dito?

Kahit nasa kalawakan ang utak ko, pinilit ko pa ring basahin yung sulat.

Mr. Carl Allen,

Good day Mr. Allen, we are The Voiceless Ones of Fione Academy. We are in need of a teacher; a guide that will direct us.

We are willing to pay you P200,000 per month. In addition to that, we are going to give you information about the 'accidental' death of your girlfriend.

We are hoping that you would accept the invitation and would come to Fione Academy as a newly pledged teacher and ally.

The map to our school is on the back of the scroll.

Sincerely,
The Voiceless Ones

Aksidente lang ang pagkamatay ni Dana, aksidente nga lang ba?

Napaisip akong mabuti tungkol sa nakalagay sa scroll na ito. Imposible naman yata na may gustong pumatay kay Dana.

Isa pa, bakit ako? Patapon na ang buhay ko, bakit nila ako kukunin bilang guro?

Di bagay sa akin ang propesyon na iyon, masyadong marangal at malinis para sa isang taong katulad ko.

Ano ituturo ko? Paggamit ng drugs? Paglalasing? Iba't ibang bisyo?

Natawa ako sa sarili ko, bakit nga ba hindi. Malamang sa malamang, kung alam nila ang tungkol sa pagkamatay ng girlfriend ko eh di alam din nila na nagda-drugs ako.

Fione Academy of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon