The Abandoned

5 0 0
                                    

<Denise Henderson>

Pare-parehas kami ng dinanas. Lahat kami iniwan ng mga taong minamahal namin. Hanggang ngayon, pare-parehas kaming nagdurusa at nahanap namin sa isa't isa ang pangungulila namin.

Si Ms. Jacqualine Hostetler ang pinili namin dahil isa siya sa amin at may isa pang rason na hindi ko pwedeng sabihin.

"She's here." Tawag sa akin ni Chris Stewert.

"Leader, she looks confused." Sabi naman ni Sandra Evans.

Hindi ako nagsalita pero lumabas ako ng kwarto ko, nakita ko si Samuel Clark at Kathleen Robinson na naghahalikan sa sofa.

"May bukas pa ang inyong harutan~" Kanta ni Justin Millers sa dalawa.

Tarantado talaga to si Justin.

Narinig ko ang isang sigaw ng babae, nakita ko naman si Eric Phillips na lumabas ng kwarto ni Karen Price.

"Gago ka talaga Eric!" Sigaw ni Karen paglabas niya ng naka-towel, iba't iba ang kulay ng buhok niya.

Nagtawanan kami kasi nagmukha siyang unicorn.

Lumabas si Earl Campbell ng naka-kulay green lahat ultimo sumbrero niya green! Mukha siyang Leprechaun!

Mas nakakagulat pa nung sumayaw siya. Laughtrip talaga. Nagtawanan kami. Mga sira ulo talaga.

"Seryoso na tayo." Paalala ni Elizabeth Hall.

"Boring mo talaga Elizabeth!" Sigaw ni Jason Nelson sa kanya sabay bato ng unan.

Nagsuguran na ang babae at lalaki, si Samuel naman tsaka si Kathleen walang pakialam tuloy lang sa laplapan nila.

"Stop it guys." Wala pa din, tuloy lang.

"I SAID STOP!" I said with a firm voice, nagsitigil sila.

Bumaba na kaming lahat sa atrium at nandoon na din yung ibang grupo.

The Twelve Blood Disciples, The Sanguine Phantoms, and The Voiceless Ones.

4 groups, 12 members each. 48 students whose lives are worthless.

Mabago kaya kami ng mga teacher namin?

Fione Academy of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon