The Teachers

26 1 0
                                    

<Kyra Woodbury>

"WALA KA NA BANG IBANG GAGAWIN SA BUHAY MO KUNG HINDI KASAMAAN?!" Sigaw sa akin ng kaibigan ko.

Hindi ko siya pinansin dahil duming-dumi ako sa sarili ko. Sino ba naman ang hindi kung kalalabas mo lang ng kulungan?

Mga dalawang araw din ako nakulong bago niya ako natubos, ang masaklap doon ay kailangan pa namin magturo ng ibang kriminal para tanggapin nila ang tatlong milyon para makalaya ako.

Walang problema, isang operasyon lang ng pagbebenta ng ilegal na baril ang katumbas noon, sobra pa! Ika nga ng mga Clash of Clans players: "Easy loot!".

Dali-dali niyang ni-lock ang pinto at nagpatuloy sa panenermon sa akin kahit wala naman akong pakialam.

"ANO BANG GUSTO MO?! SINABI KO BANG TUBUSIN MO KO SA MGA PULIS?! DI NAMAN DI BA?! AT HIGIT SA LAHAT PERA KO NAMAN ANG GINAMIT MONG PANTUBOS!" Sigaw ko sa kanya bago ako umakyat ng hagdan para magtungo sa kwarto ko.

Sinundan niya ako at hinarang niya ang paa niya sa pintuan ko nung akmang isasara ko na.

"ITO PA IGAGANTI MO SA AKIN? ANONG KLASENG KAIBIGAN KA BA?!" Sigaw niya habang umiiyak.

Alam ko naman na wala akong kwentang kaibigan, mali, wala akong kwentang tao kaya nga ayoko na sana siyang idamay sa kagaguhan ko.

"UMALIS KA NA SA BUHAY KO AT WAG KA NA BABALIK! NAIINITINDIHAN MO?! WALA NAMAN NA AKONG DAHILAN PARA AYUSIN ANG BUHAY KO! MATAGAL NA AKONG WALANG DAHILAN! HINDI KO NGA ALAM KUNG BAKIT HUMIHINGA PA AKO KAHIT WALA NAMAN NG KWENTA ANG PAGHINGA KO! WALA AKONG KWENTANG KAIBIGAN, MALI, WALA AKONG KWENTANG TAO KAYA UMALIS KA NA AT WAG NA WAG KA NA BABALIK!" Sigaw ko at tinulak ko siya palabas ng kwarto at binalibag ko ang pinto ko.

Wala naman talaga akong magagawa, perwisyo lang ang hatid ko kay Candice.

"Makinig ka Kyra, bata ka pa. May pag-asa ka pa sa buhay, itigil mo na ang paglubog sa sarili mo. Wala kang kasalanan sa pagkamatay ng buong pamilya mo. Bumangon ka na Kyra, nandito ako bilang matalik mong kaibigan. Please talk to me pag handa ka na magbago, kasi hindi kita matutulungan kung hindi ka naman willing ibangon ang sarili mo." Kumatok siya ng anim na beses bago umalis, tanda ng pagsuko niya sa akin at sa problema ko sa buhay.

Pagkaligo ko, nagbihis ako at humiga sa napakalaki kong kama. Tiningnan ko ang puting kisame, inaalala ko ang pangyayari nung araw na nawalan ako ng silbi sa mundo.

I sobbed. Umiyak ako ng umiyak, I lost everyone. My mom, my dad, my sisters, and my brothers. I don't have anyone left, they all died in front of me and I wasn't able to do anything; I didn't do anything. Even if 10 years had passed, I still remember everything.

Sunday afternoon, sikat na sikat ang araw at matindi ang init sa labas. Napagdesisyunan namin na magpahinga ngayong araw na ito. Si Mama, nasa kusina at niluluto ang paborito naming Italian Food. Si Dad nasa harapan ng t.v. at nakaupo sa sofa. Ang dalawa kong Ate ay naghahabulan sa living room. Ang 2 kong Kuya ay naglalaro ng Xbox. Ako naman nagbabasa ng libro. Sa sobrang ingay, napilitan akong umakyat at magkulong sa kwarto ko.

"Anak, Kyra! Baba na diyan. Let's eat." Sigaw ni mama sa baba.

Binuksan ko ang pinto at akmang palabas na ng kwarto ko ng marinig ko ang mga putok ng baril at sigawan sa ibaba. Umiiyak ang mga kapatid ko pero nasundan ito ng mas marami pang putok. Nabalot ang bahay ng nakakabinging katahimikan. Makaraan ang ilang minuto, nakarinig ako ng sunod sunod na putok.

"Pagbabayaran niyo 'to!" Sigaw ni kuya Gab.

"Paano namin pagbabayaran kung ngayon palang papatayin na kita?!"

Fione Academy of SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon