CHAPTER 1

75 0 0
                                    

Ynnah's POV

"Yaya, salamat sa pag bisita pero kaya ko naman na mag isa e." I tell Yaya Puring habang pinapanood ko syang magluto ng breakfast para sa amin.

"Ay naku, Ynnah. Hindi pa rin ako mapalagay simula nang napag desisyonan mo na tumira dito sa bagong bili mong bahay na walang kasama. Sino na lang ang mag lilinis dito? Maglalaba? Mamamalantsa ng mga damit mo? Hindi ka naman marunong ng lahat ng yun!" Inihain nya ang pagkain sa hapagkainan. Bacon at hotdog ang niluto nya, mga paborito ko! She knows me best talaga.

"Alam nyo naman ang nangyari diba?" Umupo na ako para kumain, "Kain na po tayo Yaya."

"Oo naman! Eh hindi ka pa nailuluwal sa magandang mundong ito ay alam ko na ang nangyayari sa pamilya nyo. Kung hindi lang sila namatay sa aksidente noon ay hindi ka naman lilipat ng bahay." Sinabayan na nya ako sa pagkain. Si Yaya talaga o. "Alam kong mahirap mag move on pero tama ba naman na ibenta mo ang bahay na mala palasyo sa laki at lumipat dito na parang kasing laki lang ng kwarto mo doon."

"Lalo lang akong magdadamdam sa tuwing makikita ko ang mga bagay bagay na makakapagpaalala sa magulang ko sa bahay na yon. Inilipat ko na rin sa pangalan ni Tita Anna ang pamumuno sa financial company namin. Masyado pa akong bata para dun at walang experience. Gusto ko na ng normal na buhay, yaya."

"Naiintindihan naman kita. Ay maalala ko lang. Nasan na yung matalik mong kaibigan na bumibisita lagi sa mansyon nyo noon?" Tanong ni Yaya.

"Yaya naman. Pano ako nagkaron ng kaibigan noon e taong bahay lang ako. Hindi nga ako madalas lumabas dahil overprotective si Dad sakin diba? Nakalimutan mo na ba?" Sagot ko kay Yaya.

"Ha? Hindi totoo yan! Lagi nga kayong magkalaro nung batang yun e." Napakamot si yaya sa ulo. Pero ipinilit ko na wala akong kilala. "Siguro sa sobrang tanda ko na, napaghahalo ko na mga istorya ng mga inaalagaan kong bata."

Si Yaya talaga makakalimutin. Nageenjoy naman ako sa buhay ko ngayon kahit papaano. Normal at tahimik. Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. It is a bright sunny day to start my first day of school in Dream University na 15-20 minutes walking distance mula dito. Walang uniform sa university na napili kong lipatan kaya naman I am wearing my favorite white long sleeves baggy shirt na may 'Haters gonna hate' print sa harap at floral denim shorts para matuck in ko ang shirt ko. I use the latest released pair of 6 inches sandals in black and white color from Macy's.

"Yaya, aalis na po ako. Paki lock na lang po ang pinto kung uuwi na kayo. Itetext ko na lang kayo pag may kailangan ako." I give her a kiss on the cheek before leaving. S'ya na ang tumayong pangalawang Mommy ko simula nung isilang ako kaya love na love ko yan e!

I reach Dream University and go to the head office to pass my transfer applicstion. Isa sa ito sa pinaka prestigious universities sa city. Malawak ang school grounds para sa courts ng basketball, tennis at volleyball. May soccer field, swimming pool and malaking theatre stadium din. For sure nature lover ang may ari nito dahil sa green grass, madaming puno na nakatanim at malaking butterfly garden sa likod ng building B. Sa parking lot naman nila ay puro mamahaling kotse ang nakapark, napaghahalataan na puro mayayaman ang pumapasok dito sa school na to.

"Such good grades." Miss Moore, the registrar, says as she scans my transcript of record in my previous university, AIM University.

Iniabot nya na rin ang class schedule ko at nakaenroll ako sa Class 2A or ibig sabihin ay 2nd year of college - section A. Nagpunta na ako sa Building A kung saan nagsisimula na sigurado ang first subject ko. Tumigil ako sa tapat ng room at huminga ng malalim bago kumatok sa pintuan.

The door slides open and the professor beckons me to enter his class. "Introduce yourself."

"Ynnah Shin. Nice to meet you!" I bow my head in front of my new classmates.

Dealing with my Vampire LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon