Medyo matagal bago mag sink in sa utak ko ang sinabi nya sakin. Paano ba naman kasi, never in my life na nagpaligaw ako kaya sigurado ako na wala akong boyfriend! Lumapit sya sakin pero hindi ko parin makita ang mukha nya dahil nakapatay ang ilaw sa kwarto ko, tanging ang buwan lang ang nagiging ilaw sa kwarto ko at nasa likod pa nya to. Dahan dahan syang naglakad papunta sakin at nagpanic ako. "H'wag kang lalapit!"
"Hindi mo talaga ako matandaan?" Umiling ako. Palapit sya ng palapit habang ako ay paurong ng paurong sa kama ko. "Nasasaktan ako sa pinag gagagawa mo."
"Pero hindi talaga kita kilala! At lalong hindi kita boyfriend!" Napaupo na ako sa kama ko. Tumigil sya sa harap ko at nakatingin sa mga mata ko ng may halong galit. Totoo naman ang sinasabi ko! Hindi ko sya kilala!
Sumigaw sya sa galit at sinuntok ang pader sa kwarto ko na halos tumagos na ang kamao nya palabas. napalunok ako sa nakita ko. hindi kaya ng normal na tao ang sumuntok ng ganun kalakas lalo na dahil effortless nya yun na ginawa sa harap ko. Kahit si Manny Pacquiao hindi makakasira ng makapal na pader no!. "Makinig ka. Ipapaalala ko sayo ang lahat lahat."
"Oo sige pero pwede bang lumayo ka sakin?" Hinawakan ko sya sa balikat nya para ilayo ang mukha nya sakin dahil habang tumatagal, pakonti ng pakonti ang distance ng gwapo nyang mukha sa mukha ko. "Tsaka, hindi ka normal katulad ko. What are you?"
'So kinalimutan mo na talaga ako?" Napangiti sya na parang nainsulto sa ginawa ko. "And Don't you dare na ilayo ako sayo. Baka nakakalimutan mong iniwan mo ako at kung hindi pa kita hahanapin ay hindi pa kita makkita."
"Ay syempre! alangan naman hanapin mo ang nakikita mo. Parang tanga lang tayo nyan. Hinahanap talaga ang nawawala diba?" Papilosopo kong sagot sa kanya.
Tinignan nya ako with his confused face about sa sinabi ko. So, hindi nya ako nagets? I was trying to kill the serious atmosphere here! hindi manlang tumawa tong lalaking to.
"Wala nga akong matandaan diba?" I resume. Hindi ko nga din alam na iniwan ko sya no! Another trouble comes right after the other. Maswerte talaga ako sa kapahamakan.
Hindi pamilyar ang mukha nya pero aaminin ko na gwapo sya nung lumapit sya. Pinipilit kong isipin ang nakaraan na baka nagsasabi naman sya ng totoo. Malay ko kung nagkakilala nga kami noon pero hindi ko sure na may boyfriend ako no. Magsisimula na dapat syang magkwento tungkol samin pero may lalaking dumating para sunduin sya. Tinawag pa syang 'Master' nung lalaki na hindi rin pamilyar sakin.
"Babalik ako." Yan ang huling sinabi nya sakin matapos nilang mawala sa isang iglap lang.
Hindi ko na lalo maintindihan ang nangyayari! Paano ko sya nakilala? Paano ko sya naging boyfriend? Inlove ba kami sa isa't isa? Madaming tanong sa isipan ko tungkol sa lalaking yun Pinipilit ko naman balikan ang nakaraan para maalala sya pero wala talaga. Siguro kailangan ko syang makausap tungkol sa past namin. Hihintayin ko na lang sya bukas ng gabi.
Kinabukasan, after kong mag ready para sa school ko, lumabas na ako sa bahay at nilock ang gate. Nabigla ako dahil nakita ko sa Kai sa labas ng bahay, hinihintay nya ako. Gusto kaya nyang sumabay sakin papasok sa school? Anong nakain nya para sunduin ako? Eh kahapon lang busy sya sa babae nya. Nginitian nya ako at inoffer ang payong sakin. "Baka mangitim ka."
"Hindi ko kailangan. Sayo na, baka manghina ka pa dahil sa sikat ng araw." Nagsimula na kaming maglakad. Pakiramdam ko may iba sa kanya ngayon e. Ang energetic nya at cheerful di katulad nung nakaraang araw.
Pumasok si Kai sa lahat ng class nya ngayon. Lagi din kami magkasama buong araw at hindi na sya kumokontra na makisama ako kay Suho. Yun nga lang, bantay sarado naman. Dinaig pa nya ang body guard! Pero nang uwian na, nakapagsolo din ako. May tumawag sakin mula sa malayo. Si Suho pala. Akala ko si Kai. Tumakbo si Suho papunta sakin dahil mag isa lang ako. Iniwan kasi ako ni Kai dahil may gagawin daw syang importante. Hindi naman nya binanggit kung ano at kung babalikan ba nya ako.